Part II: Crane Institute

112 20 12
                                    

I don't know kung may naghihintay paba sa story ko but kung meron man, I just want to say thank you sa paghihintay. I feel guilty for being irresponsible author. Ayun, dito ko na sisimulan yung part 2 ng libro ko.

Third Person Point of View

Maganda ang tempo ng panahon at payapa ang kapaligiran. Maraming taong paroon at parito, ang Town of Beauty na siyang naturingang pinakamalaking town ay nagmistulang isang palengke dahil sa sobrang daming mga Cultivator na pumasok sa Town.

Maingay ang kapaligiran dahil sa mga nagtitinda sa gilid ng kalsada, sigaw dito sigaw doon. Iba't ibang boses ang maririnig at Hindi mo malalaman ang Kung Sino Ang nagmamay-ari ng boses ng mga sumisigaw.

Ang Town of Beauty na isang napaka kalma na bayan ay naging tagpuan ng mga iba't ibang adventurer sa buong Lower Continent.

Matirik ang araw at mainit ang hangin na siyang humahaplos sa balay ng bawat tao. Ngunit hindi iyon alintana ng mga Adventurers mas kanilang pinagtutuunan ng pansin ang mangyayaring pagsusulit sa Crane Institute, isang paaralan ng mga kabataang nasa 10 taong gulang hanggang 15 taong gulang.

Ang pagsusulit ay magsisimula sa pag lilista ng pangalan ng mga kabataang nais sumali sa Crane Institute.

Sa paglilista ng mga pangalan, iyong maisiguro na pantay ang paglista. Kung hindi ka qualipikado, ay hindi ka talaga nila ililista kahit na gaano man ka maimpluwensiya ang iyong pamilya o angkan.

Ang Crane Institute ay mayroong sinusunod na qualipikasiyon. At iyon ay nasa Qi Practitioner 1 star. Kung di umabot sa Qi Practitioner 1 star ay hindi ka ililista kahit na umiyak kapa ng dugo sa kanilang harapan.

Ang paglilista ay mangyayari sa isang instraktura na tinatawag na "Practitioner Hall"

Sa kasalukuyan ay maraming mga batang Cultivator ang makikita sa Practioner Hall, makikita sa mukha ng bawat isa ang antisipasiyon at galak. Lahat ay nanabik na mailista ang kanilang pangalan, upang nakapag simula na silang maghanda sa nalalapit na totoong pagsusulit.

Ang paglilista ay isa lamang pangunahing pagsusulit o Qualipikasiyon.

"Sunod..." Malakas na pagkasabi ng nagsasagawa ng paglilista.

Nagkataon na Ang susunod na magpalista ay si Winn Crane, naglakad ang bata papunta sa harap at nagpalista.

"Pangalan"- Sabi ng tagapaglista.

"Winn... Wala akong apelyedo, isang normal na Bata at galing sa maliit na pamilya"- Sagot ni Winn sa tagapaglista.

Tumango Ang tagapaglista at nagsalita "Ilagay mo ang iyong palad sa 'Qi Testing Stone' upang malaman natin ang iyong Antas at Ranggo sa Cultivation"

Tumango si Winn at mahinahong inilagay ang kaniyang palad sa isang Qi Testing Stone.

Ang Qi Testing Stone ay isang bato na mayroong kakayahang magbasa ng antas ng isang Cultivator.

Sa paglapat ng kamay ni Winn sa bato, bigla itong umilaw ng isang berde na kulay at tumatak dito ang dalawang pa-Horizontal na linya at tatlong Pa-Vertical na linya.

Ang horizontal na linya ay nagsasaad ng iyong Ranggo at Ang Vertical na linya ay nagsasaad ng iyong Antas.

(Ranggo- like Qi Practitioner.... Antas like- 3star)

Nang Makita ng tagapaglista ang resulta ng Testing ay napa-awang Ang kaniyang bibig. Pagka't hindi Niya inaasahan na mataas ang antas ng Bata.

Ang pinapakitang Rank ni Winn ay isang "Qi Practitioner 3 star".

Kahit na hindi inaasahan ng tagapag lista ang resulta ay mabilis lang itong naka huma at nagsaad ng "Sunod.."

Umalis na si Winn nung marinig niyang nagsaad ang tagapaglista. Malumanay na naglakad paalis ang bata na hindi lumilingon sa likod.

Lahat ng Mata ng mga naghihintay sa paglilista ay naka tingin sa kaniya.

Hindi Alam ni Winn Ng dahil sa pagpapakita niya ng Qi Practitioner 3 star ay marami siyang na attract na attention.

Lingid sa kaniyang kaalaman na mayroon ng taong naghahangad na isali siya sakanilang pangkat.


Ang totoong pagsusulit ay mangyayari makalipas ang pitong araw....


At sa susunod na pitong araw, dito na magsisimula ang paglalakbay ni Winn.


Ang Crane Exterminator.....





_______

Author's Note: So I am here to honor my promise that I'll update this week. Hehe, I know it take so long for me to update in my story, I hope you guys would still support me till the end. There's still long adventure that're waiting for us. Stay tuned.

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon