Chapter VII

470 77 14
                                    

A/n: Wala tung edit-edit kaya pasensiya



Chapter VII



Sa isang dako nang kagubatan ay makikita ang dalawang pigura. Isang nilalang na may habang tatlong metro na mayroong katawang maihalintulad sa isang leon, kung iyong titignan ay mapapansin mong ang pagkahalo nang kulay pula sa katawan nito, na halatang dugo. Sa kabilang banda naman ay makikita ang isang pigura na kung tatantiyahin ay mag-sasampong gulang pa lamang, mapapansin mo ang maliliit na galos sa katawan nito pati narin ang pagiging marahas nang paghinga nito.



Sa paligid ng dalawang pigurang ito ay kapansin-pansin ang maraming punong napuputol at halatang may nangyayaring paglalaban. At kung iyong pakiramdamang mabuti ang aura nila ay masasabi mong 'Kahanga-hanga'


(A/n: Guys, mapapansin niyo na ang pangit ng part nato at mapapansin din ang pagiging lack ko ng Tagalog dito. Nakalimutan ko na kung pano magtagalog eh)

Ang isang pigura na mayroong habang tatlong metro ay mararamdaman mong nasa Qi Apprentice Rank itong Spirit beast na ito. Tama spirit beast ang pigurang may habang tatlong metro, at nasa 5th Stage na ito na maiihalintulad sa Qi Apprentice Rank. Ayon sa mga eksperto ay ang Spirit Beast na ito ay tinatawag na 'Sky Splitter Lion' na sinasabing kaya nitong humiwa ng SKY


Habang ang isang pigura naman ay mapapansin na Wala itong aura na nilalabas na para bang normal na tao lamang ito. Ngunit sa katunayan ay ang batang ito ay isang Cultivator na mayroong suot na 'Rank Concealer'.


Ang Rank Concealer ay isang uri nang Armament na kayang itago o ibahin ang aura ng isang manlilinang kaya hindi na makakapagtataka na wala kang maramdamang Aura sa bata.


Sa kasalukuyan ay nagka-titigan ang Sky splitting Lion at si Winn. Oo tama, si Winn nga itong batang kasalukuyang kaharap ng Spirit beast! Gamit ang kaniyang berdeng mata ay tinitigan niya ang Spirit beast na para bang tinatantiya nito ang susunod na mga hakbang ng Lion!


Ilang sandali pa nga ay napansin niya ang marahas na pag padyak ng paa ng halimaw, na wari'y susugod na patungo sa kanya! Si Winn naman ay naghanda na, hindi biro kalabanin ang isang 5th stage Spirit beast. Kung maging pabaya ka, kahit na gaano ka kalakas ay maari kang mapatay nito.


Ilang saglit ang dumaan ay bigla na lamang sumugod ang Spirit Beast kay Winn, marahas ang aurang nilalabas nito at mararamdaman mo ang kagustuhang pumatay sa aura ng Halimaw.


Hinarap ni Winn ang Halimaw (Spirit Beast) na mayroong kalmadong ekspresiyon, di siya naka-ramdam ng kahit ano dito, ni katiting na takot ay wala. Sabagay wala naman siyang dapat na katakutan.

Ilang metro na lamang ang kayo ng halimaw ay bigla na lamang kinuyom ni Winn ang kaniyang kamay at kasabay nito ang pagdaloy nang enerhiya patungo sa kaniyang kamao na para bang doon naka-sentro lahat ng kaniyang enerhiya.


Papalapit ng papalapit ang leon at gamit ang Kuko nito ay aatakehin sana nito si Winn ngunit bago paman maka-dapo ang kuko ng leon sa katawan ni Winn ay agad na pinakawalan ng bata ang kaniyang kamaong nagbabaga at puno ng enerhiya kaya ang kinalabasan ay tumalsik ang leon.


When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon