Chapter XVII

346 54 2
                                    

A/n: Please support me by clicking the star icon and leave a comment. Sorry for the typo, ty

XVII:My Wish (II)

Malinaw ang panahon, walang palatandaang uulan. Wala kang makikita sa sky kundi purong kulay bughaw at iilang puputing ulap lamang.

Kung iyong titignan ang himpapawid ay normal lamang, na parang walang kakaiba pero walang nakaka-alam na sa normal na ulap na ito ay mayroong nakatago. Ito ay isang templo .

Ang templong ito ay hindi kita ng kahit na sino, kahit na yung mga taong nagtatagalay nang mga kamangha-manghang eye techniques ay hindi nito makikita ang templong naka-tago sa kailaliman ng space sa ulap.

Sa loob ng templong ito ay makikita ang napaka-laki at napaka-lapad na espasyo. Sobrang tahimik ng paligid na para bang walang katao-tao dito.

Sa dulo ng espasyo ay makikita ang isang trono, kulay ginto ito at makikita ang kagarbohan ng trono. Sa baba ng trono ay makikita ang hagdan pababa, mayroon lamang itong siyam na hakbang at sa limang baitang nito ay makikita ang isang matanda na naka-upo.

Wala na itong buhok ni isa. Naka-pikit ang mata at nababalotan ng misteryosong enerhiya. Kung titignan sa malayo ay para lamang itong isang ordinaryong matanda ngunit kung iyong titigan sa malapitan ay manginginig ka sa takot.

Sobrang nakaka-takot ang misteryosong enerhiya na bumabalot sa matanda, na para bang wala na nino man ang may-alam sa sikreto nito kundi ang matanda lamang.

Nagdaan ang ilang sandali, ang mata ng matanda na siyang nnaka-pikit ay bigla na lamang bumukas, ang enerhiyang bumabalot sa matanda ay mas naging kapangi-pangilabot!

Ang mata nito ay wala nang itim na makikita, purong puti lamang at makikita ang isang ilaw na parang humiwa sa mata ng matanda. Ang ilaw na iyon ay nagtataglay ng kalamigan pero saglit lamang iyong makikita sa mata ng matanda at agad na nawala.

Bumuntong hininga ito sabay wika: "Kung ganon naka-pili kana pala!" sabay pikit ng mata nito.

Naging payapa ulit ang buong paligid ngunit bigla na lamang ito napalitan ng nakalamigan, nagsisimulang mabalot ng yelo ang sahig ng templo hanggang sa ang kaninang gintong templo ay naging yelo. Kasabay nito ang pagdagundong nang isang malamig na tinig.

"Dapat lang na karapt-dapat ang iyong napili **** sa kaniyang responsibilidad! Kung hindi, mawawala ang minamahal mong mundo ****!!" at bigla na lamang bumalik sa dati ang temperatura ng templo na para bang walang nangyaring kakaiba.

--

Sa isang space naman makikita ang isang batang naka-upo, naka-krus ang mga paa nito at naka-pikit ang mga mata. Bahagyang naka-kunot ang noo ng bata na para bang mayroong isang bagay ang hindi niya maiintindihan.

Habang tumatagal ay mas lalo pang kumunot ang noo ni Winn. Oo si Winn ang batang ito. Makikita sa ekspresiyon nito ang pagka-lito.

Ngunit sa huli ay bumuntong hininga si Winn at binuksan ang kaniyang mga naggagandahang kukay berdeng mga mata. Nandoon parin ang kunot ng kaniyang noo habang naka-tulala na para bang mayroon itong malalim na iniisip.

'Bakit ganon? Ano tung Qi Advance Rank na nararamdaman ko sa kaloob-looban ng aking kaluluwa?'

Takang tanong ni Winn sa kaniyang sarili ngunit nagdaan ang ilang minuto'y hindi niya parin mahanap ang kasagutan sa kaniyang katanongan kaya sa huli ay bumuntong hininga at ipinag-walang bahala na niya lamang.

Ayaw na niya munang mag-isip ng kung ano ano, ang gusto niya munang pag-iisipan ay ang kung ano ang kaniyang gagawin sa kaniyang dalawa pang nalalabing kahilingan.

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon