Dedicated kay LeoFranzZaragoza
MarkAndrewValdepeas,arianne015 and rokawa21Thank you sa inyo po...
XXIV
Naka hinga ng maluwag ang mga Cultivator dahil sa pag-alis ng Young master ng Black Phantom Clan ngunit makikita sa kanilang mukha ang pagka awa sa bata na walang iba kundi si Winn. Kahit na sabihin kasing nandiyan ang Young Master ng White Phantom Clan, na siyang si Sai ay hindi parin maging payapa ang pananatili ni Winn sa loob ng Town Of Beauty.
Dumaan ang ilang sandali, isa isang nawala ang mga tao sa paligid, unti unting nangalagas at hanggang sa sina Winn at Sai nalang ang natira. Nanatili lamang si Winn pagka't alam niyang mayroong sasabihin o itatanong sakaniya si Sai.
Hindi nga si Winn nagka mali pagka't lumapit sakaniya si Sai na mayrokng ngiti sa labi sabay saad ng... "Kaibigan, ako si Sai ang Young Master ng White Phantom Clan.?? "
Hindi man sabihin pero alam ni Winn na gusto din ng kaharap na batang magpakilala siya "Ako nga pala si Winn, isang normal na Rogue Cultivator lamang" mapag kumbaba na pakilala ni Winn sa kaharap na kapwa bata.
Tumango si Sai sa narinig, sinuri muna niya ang kabuoan ni Winn bago nagsalita "Kaibigang Winn, naging Kuryuso lang ako... Ano ang nangyari kung bakit naging ganun ang Striped Tiger Mount!? Alam naman natin na kung paano ito pinalaki ng may-ari ay siyang madadala nito hanggang pagtanda, likas na mapagmataas ang Tigre na iyon pagka't ganoon ito pinalaki ni Clint kaya papaanong sobrang takot nito kanina!!?"
Habang nagsasalita si Sai mahihimigan mo ang pag iingat sa kaniyang boses, na para bang ayaw niya na mayroon siyang masabing mali sa kapwa batang kaharap.
Sa tanong ni Sai ay natahimik si Winn, alam niya na itatanong talaga ito ni Sai. Sa totoo lang sa pag inherit ni Winn sa kapangyarihan ng Ancient Human-Dragon Emperor ay mayroon siyang nakuhang maraming benefits, katulad na lamang nang pagpalabas ng isang aura ng isang tunay na dragon... At ang aura ng Dragon ang kaniyang ginamit upang matakot ng sobra ang nilalang sakaniya.
Hindi maaring sabihin ni Winn ang totoo kaya gumawa siya ng palusot, kunwari ay maykinuha siya sa loob ng kaniyang bulsa.
Lumabas sa kaniyang kamay ang isang prutas na meroong abong kulay, isa itong klaseng prutas na halos lahat ng Mount ay takot. Ito ang tinatawag na "Fuit of Despair" ang sino mang makakain nito ay magkakaroon ng sakit na hindi mapaliwanag .
"Young master Sai, marahil dahil dito kaya natakot sakin ang Striped Tiger Mount" pinakita ni Winn ang isang prutas at bigla na lamang nanlaki ang mata ni Sai dahil sa nakita
"I-isang Fruit of Despair??! K-kaibigang Winn, saan mo ito nakuha? Alam naman nating lahat na ang ganitong klaseng prutas ay napaka-hirap hanapin, isa itong Rare fruit kung pag susumain. " Namamanghang saad ni Sai dito.
Likas na mahirap hanapin ang ganitong klaseng prutas dahil kadalasan sa mga ganto ay sa mga Mythical Beast den lamang makikita.
*** Mythical Beast***
Ang mga Mythical Beast ay isang uri ng Spirit Beast na maaring gawing Contracted Beast ng mga Cultivator. Mahirap hagilapin ang mga Mythical Beast sapagkat likas sakanila ang pagiging ilap sa mga Cultivator.
BINABASA MO ANG
When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)
Adventure[Completed] (Book I) "Anyone who blocked my Victory shall die!!" Highest Ranks:#4 anime, #319 fantasy, #153 adventure, #1 seek #9 vengeance #175 revenge, #34 Reincarnation, #98 power #1 godess #4 isekai [On-Going] (Book II) "I am Crane Exterminator...