Chapter X

387 66 7
                                    





Hanggang tumatagal mas naging intense ang laban ng [Dragon King Lion] at ni Winn at habang tumatagal ang laban ay mas lalo pang umusbong ang galit na nararamdaman ng [Dragon King Lion] kay Winn, maliban sa galit nitong nararamdaman ay makikita sa mukha't mata nito ang pagka-bigla.

Malinaw nitong nakikita't nararamdaman na mas malakas siya kaysa kay Winn ngunit ng makipag-palitan siya dito ng ilang atake, napagtanto niya na kapantay niya lang ang 'battle prowess' ni Winn.

Sa kabilang banda naman, makikita ang galak sa mukha ng bata, ni Winn. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso na alam niyang ang dahilan nito ay kasabikan at kagustuhang labanan ang nilalang. Kanina habang nakipag-laban si Winn sa [Dragon King Lion] napagtanto nito na hindi magkalayo ang bilis at lakas nilang dalawa. Kahit na mas mahina siya dito ng kunti ay kaya niya namang makipag-sabayan dito.

Gayun paman ay kailangan niyang mag-ingat pagka't kaniyang napapansin na hindi pa gumamit ng kahit na anong skill ang kalaban, sa isip niya ay kailangan niyang pag-isipan at pag-planohang mabuti   ang kaniyang kilos pagka't kung magpapa-tuloy ang ganitong sitwasiyon ay paniguradong matatalo siya sa huli at maging pagkain ng nilalang na nasa kaniyang harapan.

Oo, hindi siya matatalo kung palitan lamang ng atake ngunit paniguro niya ay sa enerhiya siya dehado. Matatagalan man sa pag-talo sa kaniya ang [Dragon King Lion] pero di mapag-kailang sa huli matatalo siya, ngunit iyon ay kung maging tuloy-tuloy ang pangyayari!


'Kailangan kong gumawa ng plano upang matalo itong pekeng dragon na ito, ayokong matalo, ayokong mamatay ulit'

Ngitngit sa ngiping saad sa sarili ni Winn, sa isiping iyon ay mas naging intensified pa ang kaniyanh aurang kagustuhang lumaban at manalo.


Nang makita ito ng [Dragon King Lion] naging seryoso ang kaniyang ekspresiyon, ang kaniyang kaninang aroganteng ugali't pustora ay nawala na parang bula at napalitan ito ng ka-seryosohan.


Hindi na niya minamaliit ang ang bata, kahit na sa paningin niya ay sampong taong gulang lamang ito, gusto pa sana niyang makipag-laro dito ngunit iba ang sinasabi ng paki-ramdam niya. Sinasabi nito na kailangan na niyang seryoso-hin ang laban kundi ay hindi niya kakayanin ang kabayaran.

'Mukhang Kailangan ko na talagang seryoso-hin ang batang ito! Baka ako pa ang maging dehado dito't matalo' sabi ng [Dragon King Lion] sa isip niya.

"Sa totoo lang bata, pinahanga mo ako sa aking lakas mo, kung bibigyan kapa sana ng ilang taon para mag-cultivate ay ikakatakot ko na baka maging isang Cultivator ka na walang kapantay pero. . . . Ngunit malas mo lang at ako ang naka-tagpo mo! Sa tingin ko'y BILANG NALANG ANG MINUTO NG BUHAY MO!!! "

malumanay at mahinahon na sabi nito sa unang kataga ngunit ng dumating ito sa huli ay nahaluan ang mga salita ng [Dragon King Lion] ng galit, muhi at kagustuhang patayin ang bata, si Winn.


Imbis na sakyan ang galit ng [Dragon King Lion], ngumisi si Winn na halata namang nilalait at hinahamon nito ang nilalang; Sabay wika "Ganon ba?! Uh. . . . Kung gayon maraming salamat pekeng lahi ng dragon ngunit. . . Malas mo rin at ako ang naka-harap m9, sisiguradohin ko na mag-sisisi ka at gumising kapa sa pagkaka-himlay mo"


Nagulantang ang [Dragon King Lion] sa binitawang salita ng bata, hindi niya lubos akalain na kababata pa lamang nito at maruming ng magsalita ng hindi dapat taglayin na salita ng mga bata.

Gayun paman ay hindi ito nagtagal at napa-litan agad ang kaniyang ekspresiyon ng galit, mayroon na ring lumalabas na kakaibang aura sa katawan ng [dragon King Lion] ang aurang ito ay puno ng kagustuhang pumatay.

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon