~Chapter III~

602 102 5
                                    

I actually plan to update this on, August 30 but I lost my internet connection. So here is the update, note that it was not edited same as the first chapters I posted. So I hope you can bear with it. Before I start I want to give my small request, click the star icon and follow me if it is okay, it is optional anyway.

~Chapter III~
Wrote on 30,August. 7:10pm

Poot. Galit. Muhi. Pighati at lungkot. Yan ang kasalukuyang naramdaman ni Winn habang siya ay tumatakbo sa loob nang kagubatan. Ang kaniyang nagbeberdihang mga mata ay parang nahaluan nang pula dahil sa kaniyang pag-iyak, bakas rin ang luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi na siyang pinapahiran niya ngunit mukha itong ilog na ayaw tumigil sa pag-agos.

Masyadong okyupado ang kaniyang isipan kaya hindi niya napansin na maraming mga Spirit Beast ang humahabol sa kaniya na mayroong lebel nang 3-4th Stages. Na kung ipapantay ay kasing lakas nito ang isang Qi Beginner Rank at Qi Advance Rank.

Sa kasalukuyan ay hindi ito kayang labanan ni Winn kaya binilisan niya ang kaniyang pagtakbo, nawalan na siya nang direksiyon sa kaniyang gustong puntahan na lugar kaya takbo lamang siya nang takbo sa kahit saang direksiyon nakikisamatalang may makita siyang lugar na maari niyang pagkataguan dahil kung maabutan siya nito ay tiyak maging nilapang bata siya. Mamatay siya.

Ganon paman ay wala siyang naramdamang takot dito, kung maari pa sanang huminto at magpalapa sa mga ito ay ginawa na niya, tutal wala namang kwenta ang kaniyang buhay at isapa ay gusto na niyang sumunod sa kaniyang mga yumaong magulang pero dahil sa sinabi nang kaniyang ama ay sisikapin niyang mabuhay, ayaw niyang maging dismayado ito sa kaniya sa kabilang buhay o afterlife kung kanilang tawagin. At isa pa ay nangako siya sa kaniyang magulang noong tatlong taong gulang pa lamang siya na susundin niya ang mga sinasabi nang kaniyang magulang, hindi niya hahayaang masira ang kaniyang pangakong ibinibigay sa mga ito

Ang pangako ay ginawa hindi para masira kundi upang ito ay tuparin nang taong gunawa nang pangako. Yan ang sinasabi niya sa kaniyang sarili noon paman kaya hindi niya maatim na sumira nang kaniyang pangako.

Sa kasalukuyan, nilingon ni Winn ang kaniyang likuran at nakita niya kung paano ka agresibo na humabol ang mga Spirit Beast sa kaniya, ang iba pa nga ay naglalaway. Sa tanawing ito ay di niya mapigilang mapangiwi, sinong hindi? Ngunit hindi siya naka-ramdam nang takot dahil ang tanging pinahahawakan niya na lamang ngayon na mabuhay ay ang sinabi nang kaniyang magulang na hindi niya gustong suwayin.

Kung mamatay man siya dito ay tatanggapin niya at harapin ang kaniyang magulang sa kabilang na sogurado siyang maging dismayado sa kaniya at kung mabuhay siya ay wala pa siyang plano sapagkat ang kaniyang plano noong  angkan na magkaroon nang mataas na estado sa lipunan ay nagiba dahil nadin sa ginawa nito sa kaniyang pamilya.

Nang maisip niya ang kaniyang pamilya ay bigla na lamang nagkaroon nang isang plano sa kaniyang isipan at iyon ay ang MAGHIGANTI

Ngunit agad niyang pinigilan ito, hindi siya maaring magpadalos-dalos sa kaniyang desisyon dapat niya itong pag-isipang mabuti, kaya napag-isip-isip niya sa kabila nang kaniyang pagtatakbo na aalamin niya muna ang buong kwento bago gumawa nang disisyon. Mas mabuti nga kung ganon kung yun ay.... Mabubuhay pa siya?!

Kung titignan mo ay siguradong di magtatagal ay maabutan na si Winn sa mga Spirit Beast dahil para itong mga hayop na walang kapagurang humahabol sa kaniyang magiging tanghalian, at isa pa unti-unti ng naka-ramdam si Winn nang pagka-pagod.

Hindi niya gustong sumuko sa pagtakbo kaya binilisan pa niya ito upang maka-hanap siya nang lugar na maari niyang pag-taguan at para narin maka-takas sa bagsik nang mga Beast na humahabol sa kaniya. Ramdam na ni Winn na maya-maya na lamang ay mukhang susuko na ang kaniyang katawan ngunit agad din itong nawala nung may nakita siyang isang kweba, masasabi niyang nagagalak siyang nagpakita ang kwebang ito, talagang kailangan niya nang pansamantalang mapagtataguan lalo na ngayong hinahabol siya nang mga mababangis na hayop na ito. Nagbabakasakali siyang hindi papasok ang mga halimaw sa kaniyang likod patungo sa loob nang Kweba dahil kung susunod ito ay siguradong lapa siya nang mga halimaw na ito.

Nang maka-pasok siya sa loob nang kweba ay naka-hinga siya nang maluwag at napa-upo sa sahig nang kweba, tinignan niya ang labas nang kweba at namangha siyang hindi tumutuloy ang mga mababangis na hayop na siyang tumutugis sa kaniya.

Hinahabol man ang hininga ay napa-ngiti siya, umaayon pa talaga sa ngayon abg swerte sa kaniya, maya-maya ay napag-pasiyahan niyang tunayo at pumasok sa loob, kahit na ayaw niya ay wala siyang pagpipilian kesa naman mamatay siya sa labas nang kweba dahil sa mga mababangis na hayop.

Nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa loob nang bukana nang kweba ay nabigla siya, sinong hindi kung makakakita ka nang sandamakmak na BUTO nang mga tao? Di lang iyon ang mas nakaka-gulat pa dito ay halos lahat nang mga Buto nang mga tao rito ay may naka-sabit na mga mamahaling Accessories at maliban pa dito ay mayroong mga naka-kalat na Armaments sa buong kweba o angkop na sabihing nasa bukana pa lamang siya nang kweba.

Di lang armaments ang nagkalat sa paligid kundi pati na ang mga Spirit Gem nang mga Spirit Beast ay nandito, halos lahat nang naditong Spirit Gems ay kulay Asul at Berde na masasabi mong ito ang pinaka-mataas na antas nang Spirit Gems.

Ang Spirit Gems ay isang uri nang Gem na maihalintulad nang Core, makukuha ito sa pamamagitan nang pagpatay nang mga Spirit Beast, ang Spirit Gem ay masasabi mong Pangunahing puso nang mga Spirit Beast. Kung wala ito ay Wala narin sa mundo ang Spirit Beast na ito.

Ang klase o antas nang Spirit Gem ay nahahati sa iba't ibang uri nang kulay, para sa mga 1st Stage na Spirit Beast ay kulay Pula, sa 2nd Stage ay Kahel, 3rd Stageay Dilaw, 4th Stage ay Violer, 5th Stage ay Itim, 6th Stage ay Puti, 7th Stage ay Berde at 8th Stage ay Asul

Sa kasalukuyan ang alam nang nga tao ay hanggang 8th stage lamang na mayroon na stage ang mga Spirit Beast ngunit ang katotohanan ay mayroon pang mas malakas na antas dito

Sa pwesto ni Winn ay hindi parin siya maka-paniwala sa kaniyang nakita ngunit hindi na niya ito pinalampas pa, isang kayamanan na ang lumapit sa kaniya tatangihan pa ba niya?

Syempre hindi, sa totoo lang ay hindi sana niya ito kukunin sapagkat hindi sakaniya ito ngunit pakiramdam niya ay kailangan niya itong kunin, may nag-uudyok sa kaniyang kuliktahin ito dahil pakiramdam niya magagamit niya din ito sa kasalukuyan, kaya sa huli ay kinulikta niya na lamang ito.

Mahigit limang daang Spatial Ring ang kaniyang nakuha sa mga kalansay na ito, bukod pa dito ay mayroon ding Spatial Necklace dito. Natapos na niyang makulekta lahat nang kayaman kaya nagpatuloy na siya.

Mga sampung sigundo ang kanuyang nilakad bago niya marating ang dulo ngunit imbis na Haligi nang kweba ang kaniyang makita ay iba ang nandito, taliwas sa kaniyang inaasahan. Hindi ito Haligi sa halip ay tarangkahan na may naka-sulat na salitang;

Cave of Sacred Heart

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon