Chapter IX

389 74 13
                                    

Hi! Paki-check po kung update po ba ito!? Ang pangit talaga sobra...

"Kung ganun Subukan mo"

Sa oras na marinig ito nang nilalang ay isang nabiglang ekspresion ang makikita sa kaniyang mukha, gayun paman ay hindi ito nagtagal at bigla na lamang napalitan ng galit.

Pinaka-walan nito ang kaniyang aura, isang napaka-bigat na aura. Kung ibang Cultivator pa sana ang nasa harapan ng [Dragon King Lion] ay marahil umihi na ito sa sarili nilang salawal ngunit nakakalungkot lang at si Winn ang kaharap nito.

Bumakat ang pagka-dismaya sa mukha ng [Dragon King Lion] pagka't ang kaniyang inaasahan na ekspresion sa binata ay hindi niya nakita, gusto niya makitang babakat sa mukha ng bata ang takot, pangamba at kawalan ng pag-asa.

Taliwas sa kaniyang inaasahan, isang determinadong ekspresion ang pinakawalan ng binata at bigla na lamang tumaas ang kaniyang aura na muntik nang pumantay sa aura nang nilalang. Bago pa man maka-recover ang nilalang sa kaniyang pagka-gulat ay sumugod na ang binata gamit ang espada nito.

Pinuntirya ng bata ang tiyan ng [Dragon King Lion] gamit ang kaniyang espada.

[Star Assaulting Sword]

Sa isang iglap ay isang talampakan na lamang ang layo ng espada ni Winn sa tiyan ng nilalang, ngunit bago pa man umabot ang espada sa tiyan ng [Dragon King Lion] ay bigla na lamang ito nawala sa harapan ni Winn.

Nabigla ang binata at dagliang pinakiramdaman ang kaniyang paligid, agad na naramdaman ni Winn na may papalapit na atake galing sa kaniyang likod kaya bago paman ito tumama sa kaniya ang atake ay naglaho na siya sa kaniyang pwesto gamit ang isang escaping skill.

"Magaling bata, nakaya mong ilagan ang aking unang atake, gayun paman ay hindi pa nag-sisimula ang totoong laban... Ngayon simulan na natin ang totoong laban bata!" sabi ng [Dragon King Lion]

Nabigla ang nilalang sa dagliang pag-ilag ni Winn ngunit agad din siyang naging magana sa pakikipag-laban sa bata.

"Nga—" bago paman matapos ang dapat na sasabihin ng nilalang, mayroon na siyang naramdaman na atake galing sa kaniyang giliran, ang tiyan niya parin ang puntirya nito.

Naging malamig ang ekspresion ng [Dragon King Lion] dahil dito, wala na siyang panahon upang umilag kaya itinaas na lamang niya ang kaniyang isang paa.

Nagtagpo ang dalawang atake, nag-gawa ito ng isang pagsabog na siyang pag-lindol nang 'Cave of Sacred Hearts'.

Sa pagtagpo ng dalawang atake na yun ay napa-hakbang ng halos 80 metro si Winn na siyang ikina-gulat niya. Hindi niya sapat akalain na mas malakas pa sa kaniyang inaasahan ang nilalang na kaniyang kalaban.

Hindi lang si Winn ang nagulat kundi pati narin ang [Dragon King Lion]. Ang kaniyang akala ay tatalsik si Winn sa atake na iyon ngunit ito taliwas sa kaniyang inaasahan. Napahakbang man nang 80 metro si Winn ngunit di rin mapagkaila na napahakbang din siya ng 75 metro.

Alam niya sa sarili niya na mas malakas siya sa bata, isa siyang nilalang na nabubuhay nang mahigit na isang milyon, kahit na nanatili lamang siyang tulog, hindi mapagkaila na malalakas talaga ang kanilang lahi.

Sa kasalukuyan, dahil sa galit ay agad na sumugod ang [Dragon King Lion] sa batang si Winn. Imbis na umilag, tinagpo ni Winn ang atake ng nilalang. Kahit na alam niya sa sarili niya na wala siyang laban dito ay di siya nawalan ng spirito upang kumaban. Sa halip ay mas umusbong pa ang kaniyang kagustuhang lumaban.

Sa pagtagpo nang kanilang atake ay  nagkaroon nang isang pagsabog na para bang isang bomba... Sa tagpong ito ay makikita ang pagtalsik ng isang pigura ng isang bata at ito ay si Winn, tumalsik si Winn patungo sa pader ng kweba na siyang dahilan ng pagkaroon ng hukay na pormang bata!

No doubt, malakas ang pagka-talsik ng bata sa pader.

Sa kabilang banda, ngumisi ang [Dragon King Lion] pagka't kaniyang inaasahan na malobha ang pinsala ng bata, nang magdaan ang isang minuto ngunit di parin naka-bangon si Winn, lumaki ang ngisi ng nilalang sabay halakhak

"HAHAHA! Tignan mo bata, kahit saang angulo ay wala kang laban sakin! Ika'y maging aking pagkain HAHAHA!" halakhak ng [Dragon King Lion] kay Winn.


Nagdaan pa ang ilang minuto ngunit wala paring paggalaw sa hukay kung saan tumalsik si Winn. Dahil sa pagiging impatient ng nilalang ay agad itong sumugod sa hukay kung saan tumalsik ang bata.


" Bata, tangapin mo ito!!!" Sigaw ng nilalang kay Winn na siyang nasa hukay parin. Ng isang metro na lamang ang layo ng [Dragon King Lion] sa hukay ay bigla itong tumalsik pabalik dahil sa isang shock wave na galing kay Winn.


Sa pagtalsik ng [Dragon King Lion] makikita ang isang bata na naka-tayo sa gilid ng hukay, ang batang ito ay Si Winn. Makikita ang bakat ng dugo sa gilid ng bibig nito.


Pinahiran ito ng bata sabay wika "Hmp! Matandang pekeng dragon! Wala ka sa klasepekasiyon upang kainin ako...."


Dahil sa pagtawag ni Winn sa [Dragon King Lion] ng 'pekeng Dragon' ay umusbong ang galit nito sa kaniyang puso, ang kaniyang aura ay nahahaluan ng kagustuhang pumatay na naka-direkta kay Winn. Sa isip nito'y 'Hindi ako pekeng Dragon, Oo hindi ako direktang lahi ng mga dragon ngunit hindi mapagkaila na ako ay isang Crossbreed na nilalang ng Lion at Dragon. Kaya ano ang karapatan niyang tawagin akong Pekeng Dragon?'

Sa isiping ito ay mas umusbong pa ang galit ng [Dragon King Lion], kung kanina'y gusto lamang niyang bigyan ang bata ng madaling kamatayan ngayon ay napag-disisyonan na niyang pagpapahirapin muna niya ito bago patayin.



"Bata! Ipaparanas ko sayo ang mas masarap ang maging patay kaysa maging buhay.  Pagpapahirapin muna kita hanggang sa papangarapin at papakiusapin mo na lamang na patayin na Kita..." Sigaw ng nilalang na may halong galit at kagustuhang pumatay.


Sa isang pikit mata ay sumugod na ang nilalang sa bata, hindi na ito nagpipigil, gusto niyang isa kaniyang isang atake ay maghihingalo na ang bata at saka na niya pagpapahirapin ito ayon sa kaniyang plano



Sa kabilang banda, umusbong din ang determination ni Winn na lumaban, bigla na lamang tumaas ang kaniyang aura, naghihilom ang kaniyang internal na pinsala. Ipi-nokos ng bata ang kaniyang enerhiya sa kaniyang kanang kamao at tinagpo ang atake ng [Dragon King Lion] gamit ang isang Skill



[Collapsing punching Fist]


BOOM!!!








To be Continued....






A/n: guys sa mapapansin niyo ang daming English words sa Chap nato. Ano po kasi mahirap po magsulat ng puro tagalog lang. At mga lods sorry po sa mga Weird na Skill ni Winn. At nga pala dito ko nalang i-memention ang apelido ni Winn, at ito po ay secret muna...

Word check;
One thousand fifty

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon