Ito na, ito na! Diko alam if ma satisfied po ba kayo sa update kong tuh. But I hope it'll satisfy you all.
***
Klase-klaseng pagsabog ang maririnig sa loob ng isang kweba. Malakas ang mga pagsabog na ito at mayroong dalang kakaibang enerhiya na siyang dahilan upang mag-si takbuhan ang mga hayop na malapit lamang sa kweba.
Kung pag-mamasdan galing sa labas, wala kang ibang maririnig maliban laman sa pagsabog at paminsan-minsan na pag-alog ng lupa.
Maraming Spirit Beast sa paligid ang naka-ramdam ng takot, ang iba'y nag-sisi-takbuhan habang ang iba naman ay nagtatago na, sa kung saan pakiramdam nila'y wala na sila sa kapahamakan.
Masiyadong malakas at nakaka-kilabot ang enerhiya na dala ng pagsabog kaya hindi naka-kapagtaka na ganoon na lamang ang inasta ng mga Spirit Beast.
Samantala, sa loob ng naman ng kweba ay makikita ang dalawang pigura, isang pigura na mayroong pakpak ng dragon pati na ang paa't kuko ay di umano'y pang dragon, ngunit ang katawan nito ay sa Leon.
Habang ang isang pigura naman ay isang batang mayroong tandang mga siyam-sampong taon, mayroon itong kukay dilaw na buhok at berdeng mata.
Sa kasalukuyan ay magka-harap ang dalawa, mararamdama't makikita mo na ang aura ng dalawa ay quite Chaotic. Nag sisimula nadin ang dalawa na maghabol ng hininga, ngunit di parin makikitaan ng kaunting senyales ng pag-suko o pag-papatalo.
"Bata, bibigyan kita ng isa pang papagka-taon. Lumuhod ka at humingi ng tawad, ng sa ganon ay maari mong mananatiling buhay. At maging aking alalay" mapag-malaking sabi ng [Dragon King Lion]
Ngumisi ang nilalang, at makikita sa mga mata nito ang kasiguruhan dahil para sa kaniya ay kind enough na siya at hindi niya kukunin ang buhay ng bata.
Ngunit taliwas sa ina-asahan ng nilalang ang sagot ng bata dahilan upang ikina-wala ng ngisi sa labi nito.
"Heh~ Sino ka para luhuran ko? At isa pa, wala kang karapatang maging amo ko... Ikaw, kung susurender ka ngayon din ay baka may pag-asa pang buhayin kita" balik nito sa [Dragon King Lion]
"Kung ganun, tutuparin ko ang iyong kahilingang mamatay!" sumbat ng nilalang sabay lipad patungo kay Winn.
Sa di malamang dahilan ay parang nag-iba ang paligid, na para bang lahat ng enerhiya ay kinukuha o tinitipon sa isang partikular.
Sa dapit paa ng nilalang makikita ang kulay berdeng enerhiya na naging pormang bola. Nang naging solid na ito ay bigla na lamang nitong pinaka-walan patungo kay Winn.
Si Winn naman ay inihanda ang kaniyang sarili upang ma-depensahan niya ang kaniyang sarili. Sa likod nito ay makikita ang lumulutang na illusion ng mga espada.
Nang pinaka-walan ng nilalang ang kaniyang atake ay gayundin kay Winn, bigla na lamang dumilim ang paligid na para bang mayroong isang napaka-laking nilalang ang nag descend galing sa itaas.
Boom!!
Isang nakaka-binging pagsabog ang maririnig sa loob ng kweba gayun nadin sa labas na siyang dahilan upang mas naging manginig pa sa takot ang mga hayop sa paligid.
Ang ibang mga mahihina ang Rank na Spirit Beast ay umungol pagka't di nila kaya ang enerhiya na nang galing sa loob ng kweba.
Kahit na gaano kalakas ang pagsabog ay hindi ito na ka-attract nang attention ng ibang Cultivator. Na para bang mayroong selyo na nagpo-protekta upang hindi marinig o malaman ng ibang Cultivator.
Habang nanginginig sa takot ang mga Spirit Beast, ang dahilan naman nang pagsabog ay hindi parin tumitigil sa paglalaban.
At sa isang iglap ay ilang dosenang palitan ng atake ang naganap, wala sa dalawa ang nagpapakita ng pagsuko.
BINABASA MO ANG
When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)
Adventure[Completed] (Book I) "Anyone who blocked my Victory shall die!!" Highest Ranks:#4 anime, #319 fantasy, #153 adventure, #1 seek #9 vengeance #175 revenge, #34 Reincarnation, #98 power #1 godess #4 isekai [On-Going] (Book II) "I am Crane Exterminator...