Chapter 7
Halos makalimutan ko na kung paano huminga. Maxus’s words are sending me into frenzy. At halata naman na wala siyang alam tungkol doon! Paano pala kapag hindi ko sinagot ang tanong niya? Hindi na rin kami lalabas para kumain kung ganoon?
I shifted on my position in his lap that made him groan. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Mabilis na tumayo ako at lumayo sa kaniya nang naramdaman ko ang pagbilis mg kaniyang hininga.
“Uh... Ano... baba na tayo?” utas ko habang pinaglalaruan ko ang kamay ko at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Para kasi akong napapaso kapag nakatitig siya. Simula naman noon, kahit na malamig ang Mata niya kung makatingin sa akin, naghuhuramentado ako. I want his attention, and everytime that he has his eyes on me, nagugulat pa rin ako.
“Dereen,” aniya at pilit akong inaabot pero umatras ako mula sa kaniya at kagat labi na umiling. “Come here, please...” Ayaw ko.
“Baka nasa baba na si Manang Tess, Maxus.”
He groaned and laid on the bed, murmuring curses to himself, seems like he was scolding himself or what.
“Damn witch.” He mumbled, but I heard it! Clearly!
What witch? I ain’t a witch!.
“Mauuna na ako sa baba. Ayaw kong kumain ng mag-isa si Manang Tess. Kawawa naman siya, Maxus.”
“Ako ang kawawa, Dereen. Ako.”
Tumalikod na ako sa kaniya at agad na naglakad palabas ng pinto, napangiwi ako nang maalala kung ano ang naging reaksyon ng katawan niya kanina. It was normal, he’s a healthy male! Of course!
Sumimangot ako sa naisip. What?! Come on, Dereen! Hindi ka pa ba sanay? You should be glad that he’s not that cold to you anymore! He’s beginning to be touchy and sweet! That’s all that should matter!
His past should not be on the list anymore! Wala na iyon!
I was convincing myself that it doesn’t matter anymore. Pero kahit anong gawin ko, ganoon pa rin. My insecurities started building up and it was worsening. Para bang kahit anong gawin ko, hindi pa rin ang magiging sapat sa kaniya.
Natanaw ko si Manang Tess na nakaupo na sa isang table na naka-reserved para aming tatlo. Agad na napangiti ang matanda nang makita ako.
“Kathy... Nasaan ang asawa mo? Bakit nauna ka rito?”
Ngumiti ako sa kaniya bago naupo sa upuan sa tabi niya.
“Nasa taas pa po, nagbibihis pa.” I reasoned out at mukha namang kumagat si Manang sa alibi ko. I licked my lower lip before I held the menu.
“Masaya ka naman ba?”
Napatitig ako sa kaniya. “Po?”
“Masaya ka ba na makita ang unti-unting pagbabago ng asawa mo? Mukha namang seryoso siya noong sinabi niyang gusto niyang maging maayos ang relasyon niyo bilang mag-asawa.”
Napayuko ako. Masaya? Oo. Sobra. Hindi ko rin naman sukat akalain na magiging ganito. Pero kahit naman nakikita ko ang mga pagbabago na iyon sa kaniya ay hindi mo mapigilan ang hindi mag-isip.
If he wants to fix our marriage, why not before? Bakit ngayon lang? Dahil ba pagmamay-ari na ng iba sa Alana ay tatakbo siya pabalik sa akin? Na dahil kahit anong gawin niya ay tatanggapin ko pa rin siya?
Nag-angat ako ng tingin nang may humaplos sa kamay ko.
“Alam kong nahihirapan ka, Kathy. Pero sana huwag mong maisipan ang sumuko, lalo na ngayon, dahil nararamdaman ko ring magiging maayos ang relasyon niyong dalawa.”
BINABASA MO ANG
All Of You [Runaway Series 4]
Romance(Completed) Warning! Mature Content | R-18 | SPG Written in Tagalog-English [Runaway Series 4] Kathy Dereen Sanchez, is an obedient daughter. She doesn't want to anger her parents and wants them to be proud of her. One day, she was told to be marrie...