Chapter 27

1.4K 44 3
                                        

Chapter 27

Blood

Maingat kong inalis ang braso ni Maxus na nakayakap sa akin. He was soundly sleeping, makikita mo ang sobrang pagod sa mukha niya kahit na tulog siya. His vulnerable state did not justify his gorgeousness.

We fell asleep while we were both talking last night. Ang dami naming pinag-usapan. Isa lang yata ang tumatak sa akin. That he wants to marry me again, and this time, no arrangements involved.

We’ll get married because we love each not just because of our families’ promise a long time ago.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa guwapo niyang mukham. Maxus is very manly and gorgeous. Walang kahirap-hirap na nakakakuha siya ng atensyon kahit na hindi niya man gustuhin.

“Hija...” manang called. Pinunasan nito ang kamay niya at agad na lumapit sa akin, naghahanda ito ng umagahan namin. “Maayos ka lang ba? Si Ser Maxus ay hindi kumain kagabi at naghatid lang ng pagkain sa kuwarto mo. Nagkausap na ba kayo?”

Ngumiti ako kay Manang. Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil nagkaliwanagan na kami ni Maxus. When I remembered that, it was just to petty. Hindi ko man lang nagawang kausapin siya, imbis ay nagawa ko pang mag-isip ng kung ano-ano.

I even doubted his love for me.

Umupo ako sa stool at pinanood siyang magpunas ng counter top.

“Nagkausap na po kami kagabi, Manang. Nagkaliwanagan na rin kamin dalawa.”

Lumingon ito sa akin at ngumiti. “Mabuti naman kung ganoon. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ninyong dalawa, pero sana ay huwag niyong isipin na makakatakas kayo kapag lumayo ang isa sa inyo. Para maging maayos ang isang relasyon, kailangan ninyong mag-usap sa mga bagay na sa tingin niyo ay dapat na pagtuunan ng pansin. At syempre, tiwala sa isa’t isa.”

Tumango ako habang nakatingin kay Manang na mukhang masaya rin habang pinapangaralan ako. Doon ko rin naisip iyon. Communication is one of the most important thing in a relationship. Kasi kapag walang communication, we tend to think of the worst scenarios hanggang sa mapunta sa pagdududa at mauwi sa away.

I am glad that I have learned something from my mistakes. I should be mature enough to talk to Maxus. Kahit pa sabihin natin na nasaktan ako, hindi ko dapat pinairal ang pride at ang pagiging mahina. It all dawned to me now.

“Naranasam niyo na rin po bang hindi magkaintidihan ng asawa mo, Manang?” tanong ko sa kaniya kalaunan.

“Aba, e, oo!” humarap siya sa akin habang hawak ang kawali sa kanang kamay. “Naghiwalay talaga kami ng asawa ko, hija. Kung hindi dahil sa mga anak namin ay hindi kami magkakaayos. Pinipilit nilang mag-usap kami at magkaayos na. Noong una ay syempre nandoon ang galit. Sugarol ang asawa ko noon, hija. Ang pera na dapat ay inilalaan sa pang-araw-araw namin ay nagagastos niya pa para lang makapagsugal. Pinag-awayan namin, hanggang sa umabot sa hindi pagkakaintindihan. Naghiwalay kami.” Ngumiti si Manang habang nagkukuwento.

Ako man ay hindi makapaniwala na may ganoon palang karanasan si Manang Tess. Lumapit pa ako lalo sa pwesto niya, sobrang interesado na sa kuwento niyang kaabang-abang.

“Pagkatapos po, ano na ang nangyari noong naghiwalay kayo? Nasaktan ka ba, Manang?” kuryuso kong tanong rito. Umismid si Manang at umiling.

“Ay hija, kung alam mo lang. Ilang balde ang iniyak ko noong panahong iyon. Kung hindi ko lang iniisip ang mga anak kong nasa poder ko noong oras na iyon ay hindi ako papayag na makipagbalikan pa sa asawa ko. Pero ayaw ko rin naman na maranasan nila ang hindi kumpletong pamilya. Kaya sa abot ng makakaya ko ay sinubukan ko na makipag-ayos sa kaniya. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin, hija. Kung saan banda siya nagkamali.” Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak kaya naman nahawa ako at napangiti rin.

All Of You [Runaway Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon