Chapter 12

1.1K 39 1
                                    

Chapter 12

Don’t

Tanghali na noong umalis kami sa resort. Gusto ko pa sanang manatili doon kahit isa pang araw pero ayaw ko naman na abalahin si Maxus. May tumawag sa kaniya kanina, at sigurado akong iyon ang ospital na pinagtatrabahuhan niya. Naiintindihan ko naman iyon, at marami pang oras para bumalik sa resort.

Sa ngayon ay kailangan ko munang magpahinga at iyon rin ang gusto ni Maxus. Ayaw kong maging pabigat sa kaniya, kaya ang magagawa ko lang ngayon ay sundin ang mga ibinibilin niya sa akin dahil alam kong makabubuti rin naman iyon sa akin.

“Matulog ka muna, mahaba ang magiging byahe natin. Ayaw ko na mapagod ka,” Maxus said as he held the gear stick in his hand.

Tumingin ako sa kaniya at umiling. Mula pa siya kanina ganiyan. Ayaw niyang mapagod ako. Hindi naman ako napapagod dahil wala naman akong ginagawa bukod sa pagmamasid sa mga lugar at tanawin na nadadaanan namin.

“Ayos lang ako, Maxus. Hindi pa naman ako inaantok.” Mahinang sagot ko, sapat lang para marinig niya.

Natutulog kasi si Manang Tess sa back seat ng sasakyan, halatang pagod ang matanda dahil sa kaiikot kanina sa resort para mamili ng mga souvenirs na gusto ko. Naawa ako sa kaniya dahil sa kalagayan niya. Kung alam ko lang rin na mapapagod siya ng ganito ay sana hindi ko na inisip ang mga souvenirs.

Gusto ko lang naman niyon dahil matagal na akong hindi nakapunta sa beach at iyon din ang unang beses na nakasama ko si Maxus na magbakasyon simula noong maikasal kami. Kaya hanggang meron pang paraan para alalahanin lahat ng iyon ay gagawin ko. Idadaan ko na lang sa pamimili ng souvenirs dahil mukhang matagal-tagal pa ulit bago ako makakabalik doon.

He sighed. “Ang tigas talaga ng ulo mo. I wanted you to rest dahil nag-aalala ako sa’yo ng sobra. At ikaw, hindi ka naman nakikinig sa akin. God, masisiraan na ako ng bait...”

Huminga siya ng malalim at saglit na sumulyap sa akin. Ngumuso ako. Wala naman akong ginagawa sa kaniya at parang sobrang problemado siya.

“E, sa hindi nga ako inaantok! Bakit mo ba ako pinipilit?” yamot kong tanong sa kaniya, bahagyang lumakas ang boses.

He widened his eyes at me when Manang shifted on her position. Nakagat ko ang labi dahil sa ginawa. Nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ay inirapan ko siya. Huh! Gusto niya matulog ako, okay, fine! Iyon lang naman pala, e!

Simple!

Sinandal ko ang likuran sa back rest ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ramdam ko pa rin ang mga titig niya kahit nakapikit na ako. Bahala siya diyan! Ginusto niya na matulog ako, okay, sige! Madali naman akong kausap.

Hindi pa nagtatagal ay narinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. I fought my urge to furrow my brows pero hindi ko talaga napigilan.

Ano na naman ba ang gusto ng lalaking ito at hindi matahi-tahimik?!

“Dereen? You asleep?” he asked kaya inis na idinilat ko ang mga mata at sinamaan ko siya ng tingin.

“What is it that you really want, Maxus?” I asked with my thick American accent. I saw him gulped when he heard me talk to him that way.

He knew that I was pissed because I was using that tone.

Hindi ko talaga siya maintindihan!

“I was just wondering if you were already asleep...”

Pinagkrus ko ang mga braso sa tapat ng dibdib at nanatiling nakatitig sa kaniya. I saw him but his lips while he was seriously driving the car.

“Really? Paano ako makakatulog kung panay ang tawag mo sa akin?” asar na tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin at bahagyang umawang ang labi, pero maya-maya at bumalik rin ang tingin niya sa daan. “Ngayon na matutulog na ako, saka naman panay ang tawag mo! Ako ba inuuto mo, ha? You wanted me to sleep, and now that I was close on drifting to a slumber, you’ll call my name like a prayer? Are you kidding me, huh?”

All Of You [Runaway Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon