Chapter 20

1.1K 36 0
                                    

Chapter 20

Cold

Mag-iisang linggo na rin noong bumalik ako sa pagtuturo. I have been very busy teaching the kids. Minsan ay ang oras na dapat para sa amin ni Maxus ay hindi na nagagamit pa, dahil pagkatapos naming maghapunan ay aakyat ako sa kuwarto at bagsak ang katawan dahil sa pagod.

Naiintindihan naman ni Maxus. Hindi naman siya nagagalit at alam kong pinipilit niya na huwag magalit dahil minsan ay abala rin siya at nawawalan ma rin ng oras para sa akin. We were both drowned with our works na nakakalimutan na namin ang isa’t isa.

We talk before we sleep, ngunit minsan, habang nagsasalita siya at nakakatulugan ko siya at kapag magigising ako ay tulog pa siya. I will prepare his clothes for his work and when he wakes up, didiretso na siya sa banyo pagkatapos akong halikan sa noo. We will eat together and then we’re off to go. Iyon ang naging routine namin nitong nakaraang linggo at sobrang miss ko na siya.

Gusto kong bumawi sa kaniya dahil maaga akong nakauwi ngayon mula sa pagtuturo sa mga bata.

“Hija? Maaga ka ngayon?” si manang ang bumungad sa akin noong makapasok na ako sa bahay. May dala itong pamunas sa kamay, may mga bula pang naiwan sa kaniyang braso. Naghuhas siguro siya ng plato? O naglaba?

Tumango ako at nagmano sa kaniya.

“Opo. Tapos na ang klase ng mga bata, pagkatapos ay umalis na agad ako dahil gusto kong ipaghanda si Maxus. Napapansin ko kasi na nawawalan na kami ng oras sa isa’t isa at gusto kong bumawi.”

Tumango siya sa akin at agad na inutusan akong magbihis muna na kaagadko naman na sinunod. I did not even bother to comb nor fix my hair. I just wanted to be at the kitchen this instant para makapagluto na ako. I want to surprise Maxus.

Napangiti ako sa naisip. Alam kong magugulat siya. Kadalasan kasi ay kapag nakauwi siya ay madadatnan niya akong nakakatulog sa kama o kaya naman ay abala sa iba ko pang gawain. Right now, I will once again cook for him bilang pambawi ko sa kaniya.

He deserved it. Pinayagan niya akong magturo ulit sa mga bata kahit na tutol siya sa ideyang iyon. Because he wanted to see me happy. Hindi niya ako matiis at agad na rumupok rin sa mga paglalambing ko. He’s a softy when it comes to me. He could not deny that.

Mabilis ang pagkilos ko at agad na bumaba sa hagdanan para tunguhin ang kusina. Nandoon si Manang at mukhang kaluluto lang ng sinaning niya. She smiled at me when she saw me approaching, excited and giddily half-running just to reach her instantly.

“Ano ba ang lulutuin mo ngayon, ha? Noong nakaraan ay adobo. Ngayon naman ay?” kuryuso niyang tanong na nagpalawak sa mga ngiti ko.

I clasped my hands in front of her and held me head high. “The one and only... Pinakbet.” I said proudly. Si manang Tess ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

What?

“Napakabait mong asawa, Hija. Kapag naghanap pa ang asawa mo ng iba... Naku, isa siyang malaking tanga!” gigil na sabi nito at hinawakan ako sa pisngi. “Ikaw pa naman ang pinakamabait sa lahat. Masyado kang puro at inosente, minsan natatakot ako na baka panandalian lamang ang lahat. Pero alam ko naman na kakayanin mo lahat... Umabot ka na rito, Kathy.”

Tumango ako sa kaniya, naluluha na rin. Kaya bago pa kami mag-iyakan ay maghiwalay na kami, tumatawa pa dahil sa kung ano-anong nga bagay ang pumapasok sa isip naming dalawa.

Hanggang sa matapos kami ni Manang na magluto ay panay pa rin ang tawanan at kuwentuhan naming dalawa. Hindi ko man lang naisip ang pagod habang nagluluto ako, iniisip ko na matutuwa si Maxus kapag ipinagluto ko siya dahil matagal na rin simula noong ipagluto ko siya.

All Of You [Runaway Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon