Chapter 9
Bath
Alam ko noon pa man na masyadong mapang-asar si Maxus, pero hindi ko inakala na ganito kalala. The moment I opened my eyes, his chest welcomed me. It was tanned, and there were thin hairs, slightly hovering it. It was hot, yes, he may be a doctor, but he has a body to die for.
Makailang ulit na napailing ako nang tanungin niya ako kung gusto ko bang mag-shower kasama niya. Sobrang init ng pisngi ko at pakiramdam ko at grabe ang pamumula niyon dahil sa hiya. Ngayon ay tatawa-tawa siya sa harapan ko, habang ako naman ay halos hindi na makatingin sa kaniya.
“Aw... My fruitcake’s shy? Hmm?” tudyo niya pa ulit kaya halos patayin ko na siya ng tingin pero umangat lang ang sulok ng labi niya para asarin ako lalo.
But aside from that, ‘my fruitcake’ awakened something inside me. Wala sa loob na nakagat ko ang labi habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa aking kadungan. There was this spark, like, it was something that tingled from within me. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano ang bagay na iyon.
“Maligo ka na! Susunod na ako.”
Umangat ang kilay niya sa sinabi ko. Maging ako ay bahagyang natigilan at agad na nagpanic nang mapagtanto na parang may ibang kahulugan yata ang sinabi ko. Mabilis na umiling ako sa kaniya at iwinasiwas ang mga kamay ko sa kaniya. Like I was telling him na, “it was a mistake”.
“Really? You’ll join me afterwards?” He chuckled when he saw my pale face. “Okay, okay... I won’t tease you, alright.” Pagsuko niya pero hiyang-hiya na talaga ako.
What the hell was I thinking, or was I even thinking? Kasi parang nasa ibang lugar ang isip ko habang nagsasalita kanina. I got distracted! Kasalanan niya iyon! Panay ang kagat niya sa labi niya at hindi ko maintindihan kung bakit parang sobrang gwapo niya tingnan habang ginagawa niya iyon.
Pero, no. I won’t give in into temptation! I am a tough girl! Hindi ako basta-basta magpapadaig sa tukso! Yes! Right! That’s the spirit, Dereen!
“Mauna ka na! Iyon ang ibig kong sabihin, Maxus! Walang malisya iyon! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo.” Napasinghap pa siya at nagmaang-maangan.
“What, Dereen?” aniya at kumunot ang noo niya. “Ano ba ang iniisip ko? Wala naman, ah. And besides, ikaw ang nakaisip niyan. But, yes, we can do what you’re thinking right now. I am a willing victim for you.”
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Agad kong hinablot ang bagay na malapit sa akin at agad na ibinato iyon sa kaniya na agad niya naman na nailagan. He ran through the closet and barked a harsh laughter. Napatayo na ako sa kama at agad sinundan siya, but the door was locked!
Nagpupuyos ang kalooban ko habang kinakatok siya sa loob. He was chuckling from time-to-time. Ano ba ang iniisip ko, ha? Wala akong iniisip kanina bukod sa pagligo sa loob ng banyo! Does he have something in mind?
“Lagot ka sa akin kapag lumabas ka riyan!” mariing banta ko sabay hampas sa pintuan. I heard him groaned at my remark and heard some shuffling of clothes or what!
“Hindi na ako lalabas dito.”
“Talaga lang! Because I will really risk everything just so I could give you a smack on the back of your head, even just for once!”
“Baby... Didn’t know you’re a bit of a sadist, but, yes, if it’s you why not?”
Nasipa ko ang pinto dahil sa sobrang inis sa kaniya. Nang lingunin ko ang kama ay kalat ang mga unan at kumot dahil sa pagwawala ko. Ang lamp sa bedside table ay malapit ng mahulog kaya naman nilapitan ko iyon at ibinalik sa dati nitong ayos.
BINABASA MO ANG
All Of You [Runaway Series 4]
Romance(Completed) Warning! Mature Content | R-18 | SPG Written in Tagalog-English [Runaway Series 4] Kathy Dereen Sanchez, is an obedient daughter. She doesn't want to anger her parents and wants them to be proud of her. One day, she was told to be marrie...