Chapter 18

1K 34 2
                                    

Chapter 18

Perfect

“Teacher Kath! Teacher Kath!”

Natawa ako at kumaway sa mga bata noong makita nila ako. Nagsiunahan pa silang lumabas sa classroom para lang makalapit sa akin. Ang iba ay dala-dala pa nila ang kanilang mga lapis at crayons.

Umupo ako at idinipa ang mga braso para yakapin sila. Napaupo ako sa damuhan nang dumugin nila ako bigla. Si Maxus ay walang nagawa kung hindi ay umatras dahil muntik pa siyang salakayin ng mga bata dahil nag-uunahan na makalapit sa akin.

“Teacher Kath!” hindi magkamayaw na tawag nila sa akin kahit na nakayakap na sa akin.

Tumawa ako at niyakap sila isa-isa. Humagikhik pa ang mga ito nang pagpipisilin ko ang mga pisngi nila. Habang panay ang kuwento nila sa akin ay hindi ko malaman kung kanino ba ako lilingon dahil hindi sila nauubusan ng kuwento.

Maxus looked at me and smiled softly. Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Sinamahan niya ako ngayon para asikasuhin iyong pagbabalik ko sa pagtuturo. Kahit na hindi naman dapat, kasi kaya ko naman na, pero talagang hindi siya nagpaawat.

Kausap niya ngayon ang may-ari ng school at ang principal. Ang nagsubstitute sa akin ay panay ang saway sa mga bata dahil naiipit ako sa ginagawa nila.

Tumayo na ako habang buhat ang isa sa mga estudyante ko. Yumakap ito sa akin habang panay ang kaway sa mga kaklase. Ang iba ay nakanguso, bakit sila raw hindi ko binuhat. Tumawa na lang ako. Paano ko silang lahat bubuhatin, aber?

“Ganda talaga ni Teacher Kath!” Sabi pa nitong buhat ko at sinapo ang mukha ako.

“Super ganda!” sigaw naman nung iba kaya napailing ako.

“Mas maganda at gwapo kayo. Nag-aaral ba kayo ng mabuti noong wala ako?” tanong ko sa kanila at agad na nagsitanguan naman sila at kaniya-kaniyang pakita na ng mga stars na nasa kamay nila.

Habang naglalakad palapit kina Maxus ay hindi ko mapigilang matawa dahil panay ang sunod ng mga bata sa akin. Ang teacher nila na pansamantalang pumalit sa akin ay natawa na lang at hinayaan ang mga bata. Hindi na sila bumalik sa klase.

Habang nag-uusap kami ni Simon ay pumalahaw ang isang malakas na iyak. Natigilan ako maging sina Maxus ay nagulat rin. Sa sobrang lakas ba naman ng iyak ay sinong hindi magugulat?

It was Gabrielle.

Panay ang dabog nito at padyak ng mga paa sa lupa habang umiiyak. Si Maxus na ang lumapit rito at agad iyong binuhat dahil ayaw niyang may humahawak sa kaniya. Ang ibang kaklase nila ay nagtatanong sa akin kung bakit siya umiyak.

“Hindi ko rin alam, e. Why don’t you ask her to play with you? And no fighting, okay?” paalala ko sa kanila.

They tried to ask her to play pero hindi ito umalis kay Maxus at sinasamaan ng tingin ang mga kaklase. Her face was red, her nose, and her eyes were puffy. Ang naka-pigtails nitong buhok ay bahagyang nagulo at ang ribbon na nakadisenyo doon ay tumabingi na rin.

“Why is she crying?” tanong ni Simon habang nakatingin kay Gabrielle na panay ang kawag kay Maxus.

“Hindi ko alam, Simon. Are you friends with her?” Tumingin ako sa kaniya at agad na sumama ang mukha nito. Nag-iwas siya ng tingin at ngumuso.

“I don’t know!” asik niya kaya nagulat ako. “She’s friends with all our classmates and the boys like her so much! She’s friends with them, but me! I hate her, too!” namula ang mga pisngi nito at nanginig ang mga labi.

Hinagod ko ang likod nito kaya napaiyak na siya. He buried his face on my shoulder and then cried. Sumisinghot rin ito at panay ang laro ng daliri niya sa kuwintas ko.

All Of You [Runaway Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon