Chapter 11
Di ko na sinundan pa si Gab, naku baka masapak na ko nun no! bukas ko nalang sya kakausapin pag malamig na ang ulo nya.. Bumalik na ako sa room at kinuha ang bag ko..
“oh nasaan na si Gab?” tanong ni Yssa
“umalis na” sagot ko
“magka away ba kayo?” –Maxi
Nag shrug nalang ako.. nag away nga ba kami? Ano ba kasi talagang ginawa ko? Kinausap ko lang naman si John, teka selos ba sya? NAAAAH that’s imposible.. Gabriel + Me = LOVE???? Ahh! Cannot be talaga!
“mauna na ko sa locker room ha?” paalam ko sa kanila at tuluyan na kong lumabas ng room..
Habang naglalakad, nag vibrate nanaman yung phone ko..
From: Jaron
See you at the mall.
Aish! Oo nga for the nth time nalimutan ko nanaman sya! Pinasok ko na lahat ng gamit ko sa locker, haay! mag i-sm ako e may pasok bukas -____- ayaw ko pa naman ng ganito, pero dahil sa pilatong yun! Naku Naku Naku! Ng malagay ko na ang mga dapat ilagay sa aking mahal na locher nireplyan ko na si Jaron..
To: Jaron
Ok. I’ll be there. Text nalang.
After noon I text Mika, Maxi, Yssa, Neil, Adam at Luis na mauuna na ako dahil may pupuntahan pa ko, then after noon umalis na ko para pumunta sa mall.. After 30 mins nakarating na ko sa mall..
To: Jaron
San ka?
After 10 mins nagreply na sya! WOW ha?! Ang bilis nya magreply grabe!
From: Jaron
Dito. Arcade.
So dahil doon pumunta na agad ako sa may arcade. Pag dating doon may nakita akong nakatalikod na lalaki at naglalaro ng basketball, lumapit ako sa kanya..
“Gabriel?” sabi ko pero nung lumingon sya.. “ah. Jaron ikaw pala yan akala ko yung kaklase ko” dagdag ko.
“so his name is Gabriel? May I know who he is to you?” ayan nanaman po sya sa English nya -__________-
“can we just go with our agenda? Akin na nga yung notebook ko!” pagsusungit ko.
“later” at ayun! Hinatak nya na ko!
Haay! napaka GENTLEMAN talaga ng lalaking ito! GRABE!! Hinatak nya ko papunta sa.. teka? Movie house?!
“h-hoy teka! Bat nandito tayo? Manonood tayong sine?” tanong ko.
“hindi, kakain tayo dito!” sabi nya sabay tingin ulit sa listahan ng showing
Anak ng *&GF^$$*($ naman oo! Bwisit talaga tong lalaking to! GRRRRR!
“wala akong pera!!” sabi ko.
“kawawa ka naman” sabi nya ng di pa din nakatingin saken. “wag kang mag alala libre nalang kita“ and there, hinatak nanaman nya ko!
Hinayaan ko nalang sya total libre nya naman e! Pagkapasok naming, umupo agad ako, medyo malamig sa sinehan, kaya ipinatong ko ang bag ko sa lap ko at pinasok doon ang kamay ko..
“nilalamig ka?” tanong ni Jaron.
“oo e..” sagot ko.
“mag tiis ka nalang” ay putcha! Akala ko concern na e! napaka talaga ng Jaron na to >___<
“SALAMAT HA?!” pasigaw kong sabi.
,
“manahimik ka nga! Pasalamat ka at di pa nagsisimula ang palabas, first time mo bas a sinehan?” diretso nyang sabi.
BINABASA MO ANG
my journey upto our destination
Romancei'm having my journey alone. til i pass by where you are standing, then you start walking with me, from there i realized where my destination is.