A/N: I suggest you guys to listen to Til I Found You by Freestyle for background music.
CHAPTER 29
Gabriel's POV
Habang papalapit ako sa upuan namin nakita kong palinga linga si Aria na para bang hinahanap ako.
"AC" pagtawag ko.
"Ayun! Kanina pa kita hinahanap! Pinapapunta na tayo sa backstage ang tagal mo!" sabi nya sabay hatak sa kamay ko.
Pumunta na kami sa backstage at dun nag hintay.
"Kinakabahan ako Gab" panimula nya "tsaka nakakahiya wala man lang tayong kahit anong presentation, literal na kakanta lang tayo. Tayo pa naman ang huli" dugtong nya.
"Relax ka lang AC, naka formal naman tayo e, so isipin nalang natin para tayong nasa isang music session. Pwede na yon" sagot ko, pero ang totoo naka handa na ang lahat.
-FLASHBACK –
"Guys, kailangan ko ng tulong nyo" sabi ko habang kasama ang tropa. Kasalukuyan kaming nasa canteen. Wala si Aria kasi gusto nyang mapag isa sa fire exit, pupuntahan ko nalang sya dun pag tapos nito.
"Ano yon pre?" – Neil
"Balak ko sanang tanungin si Aria kung pwede akong manligaw" diretso kong sabi.
"Hala? Totoo?" – Adam
"Teka, anong balak mo?" gulat na sabi ni Yssa "teka, naeexcite ako!" dugtong nya.
"Balak ko syang gawin sa araw ng music exam sana natin" sabi ko.
"May naisip ka na bang plano? May idea ka na bang naisip on how you'll pull it off?" – Maxi.
"Actually may idea na ako, kaya kailangan ko ng tulong nyo" sabi ko. Napatingin ako kay Mika na nakatingin lang din sakin. Hindi ko mabasa ang mukha nya. "May problema ba Mika?" tanong ko.
"Pwede ba tayong mag usap ng tayong dalawa lang?" seryoso nyang sabi.
Nagtataka man, pero tumango ako "sige ba. Ngayon na ba?" Tanong ko.
"oo, dun tayo" sabi sabay tayo. Sumunod naman ako ng tahimik.
Pumunta kami sa veranda ng school kung saan wala masyadong tao.
"May problema ba?" muli kong tanong.
"Seryoso ka ba kay Aria, Gab?" sa tagal na nakasama ko si Mika, ito ang unang beses na nakita ko syang ganito ka seryoso. "Seryoso ka ba sa kaibigan ko?" sa tono ng tanong nya ramdam ko yung pagiging protective nya towards Aria.
"Seryoso ako Mika" dugtong ko. At tuluyan ko na ngang kinwento sa kanya lahat. Pinakilala ko na din sa kanya na ako din si Jaron. Nung una nagulat sya pero naintindihan nya din naman.
"Hindi ko man lang narealize na iisa kayo" sabi nya "sabagay, hindi din naman kasi sakin pinakita ni Aria yung picture mo" dugtong nya. "So ano ang plano?" sabi nya.
"ituloy natin sa loob" sabi ko.
Bago pa man kami tuluyang makapasok sa loob nagsalita ulit sya "Gabriel, ingatan mo yung kaibigan ko. Mahal na mahal na mahal ko yun"
Ngumiti ako sa kanya "Pangako yan Mika. Aalagaan ko si Aria hanggang kamatayan"
-END OF FLASHBACK-
Pang 14 na yung nag peperform, si Aria halata na ang tension.
"Relax" sabi ko. Nilingon nya naman ako.
BINABASA MO ANG
my journey upto our destination
Romansai'm having my journey alone. til i pass by where you are standing, then you start walking with me, from there i realized where my destination is.