Chapter 26
Gab’s POV
I know she’ll be asking about the last words I said, yung ‘madali kang mahalin’ and to avoid that question umalis na ko, ayokong sagutin yun ngayon, dahil alam ko na darating ang tamang panahon para doon..
Bumaba ako para kausapin ang teacher namin about sa plano ko, I know na papaya sya dahil gagawin ko ang lahat pumayag lang sya. At ayun nga, napapayag ko sya, sabi nya hindi naman daw bawal yun pero hindi rin advisable but since I’m the great Gabriel Omnitago napapayag ko sya.
********
Days have passed and this is the day of our music exam, lahat ay kinakabahan lahat ay nag papractice ng kanikanilang kakantahin ako? Eto kabado, hindi para sa performance namin ni Aria kundi sa gagawin ko, ito ang unang beses na gagawin ko to, sana magawa ko ng tama..
“okay class, doon tayo sa ating auditorium since nag imbita ako ng ilang manonood at mag jajudge sa inyong performance” rinig kong sabi ng teacher namin..
Isa isa namang nagpuntahan ang mga estudyante sa auditorium, agad naman akong nilapitan ni Aria.
“kinakabahan ako” bulong nya saken.
Hinawakan ko sya sa balikat, “you can do it, I know you can, and besides exam lang naman to, hindi naman sya competition” nakangiti kong sabi
“kahit na no! may iba pa ding manunuod. Ayy alam mo ba sila mika kabado din, sasayaw din ata sila ng partner nya e” ah hindi nyo pala alam, hindi magkakapartner yung lovers si mika babae ang partner nya, iilan lang kaming girl-boy partner.
Anyways niyaya ko na si Aria sa auditorium sya kasi ang magi intro ng program namin, kung ano ang kakantahin nya? Hindi ko alam. I have no idea.
-----------
Aria’s POV
GRABE! Spell kabado? A R I A. takteng yan bat pa kasi ko kakanta? Take note solo na nga, intro pa! wow ha? -______- anyways eto na e, aarte pa ba ko?
Ang kakantahin ko? Hmm. Dark side by Kelly Clarkson. I was moved by that song the first time I hear it, atsaka at some point tinamaan din ako sa kanta..
“we will now starting our program with a song number by Ms. Aria Coleen Philomel, let’s give her around of applause!” narinig kong sabi ng MC ibig sabihin kelangan ko ng lumabas, kelangan ko ng kumanta.
Buong loob akong umakyat sa stage, from there, I saw my friends, si Mika, Yssa, Maxi, Luis, Adam, Neil at syempre si Gab. Lahat sila parang sinasabi saking kaya ko to.
Narinig ko na ang tugtog, kinakabahan ako, ito kasi ang unang beses na kakanta ko sa harap ng madaming tao.
There's a place that i know
it's not pretty there and few have ever gone
if i show it to you now
will it make you run away
Or will you stay even if it hurts
even if i try to push you out will you return?
and remind me who i really am
please remind me who i really am
Noong umpisa sobrang kabado ko, pero tuwing titingin ako kay Gab nawawala ang kaba ko, nagiging kumportable ako, palapit na ako sa chorus ng matanaw ko si mom and dad kasama si ate ‘bakit sila andito?’ yan ang pumasok sa utak ko.
Everybody's got a dark side
do you love me?
can you love mine?
BINABASA MO ANG
my journey upto our destination
Romancei'm having my journey alone. til i pass by where you are standing, then you start walking with me, from there i realized where my destination is.