Chapter 17
Week after, ganun pa din kami ni Gab iwasan, buti na nga lang at nandyan ang mga friends ko, si Jaron malimit ko rin makausap, masyadong kong nai-stress kay Gab amp!
“hi miss” narinig kong sabi ng isang lalaki.
Nandito ko sa isa sa mga benches sa school garden ng lumapit ang mamang to, actually di naman sya mukhang mama, mukha syang student din dito.. ayt malamang estudyante dito nakauniform e! -____-
“hi” matipid kong sabi
“ahmm may kasama ka ba?” tanong nya
Tumingin ako sa paligid ko saka ko sya tinignan, di na ako nakapagsalita kasi sya na ang sumagot sa tanong nya
“ah wala kang kasama, pwede ba kita samahan dito?” tanong nya ulit
“okay, di rin naman akin tong bench” sabi ko sabay tingin sa malayo.
“ah salamat..” naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. “ah by the way ako nga pala si Kenneth”
“do I have to tell my name too?” mataray kong sabi
“ah, hindi naman, ano.. sa totoo lang kaya kita nilapitan kasi ahmm ang.. “ I looked at him nahihiya sya? Nakayuko kasi e..
“ang?” I said ano ba kasi sasabihin nito?! Psh
“ang ganda mo” di ako nakapagreact agad, “a sige bye” pagkasabi nya nun kumaripas na sya ng takbo..
Di ko alam kung gaano ko katagal ng idle dun pero after idling tumawa naman ako.. nakakaloko kasi ang itsura ng lalaking yun! Hahaha he’s cute, sa porma nya? Di naman sya mukhang weak, I guess he’s just distube by my beauty.. oopss tama na Aria.. yabang mo na..
So ayun para kong tanga na ngingiti ngiti dito dahil sa stranger nay un haha!
“what’s with that smile?” nagulat ako ng makita ko si Neil sa harapan ko
“huh? Ah w-wala nakakatawa lang yung lalaki kanina haha, sabi nya ang ganda ko daw sabay nagmamadaling tumakbo haha” kwento k okay Neil “by the way, bat mag isa ka? Nasaan sila?” dagdag ko
“ah, may kinuha lang ako sa kotse ko, pabalik na ko ng Makita kita, ikaw? Bat di ka sumama samin? Kasama namin si Gab” sabi nya
“yun nga ang dahilan kung bat ako humiwalay sa inyo e, dahil kay Gabriel” sagot ko
“bakit naman?” –Neil
“nahihiya ako sa kanya, feeling ko kasi ang oa ko para layuan sya, wala naman kasi syang ginawa saken.. ewan ko ba” sagot ko
“kung yan ang desisyon mo bahala ka, pero piece of advice lang, kung mahal mo na, sabihin mo na,wag ka ng magdeny, baka maunahan ka pa ng iba sige ka” pagkasabi nya tumayo na sya “ balik na ko dun ha? Baka kasi hinahanap na ko ni Yssa, sunod ka nalang doon kung gusto mo” ngumiti sya tumango naman ako saka sya tuluyang umalis.
“kung mahal mo na, sabihin mo na, wag ka ng magdeny, maunahan ka pa ng iba sige ka” pag ulit ko sa sinabi ni Neil.
Napahawak ako sa puso ko, mula ng araw na yun, yung sa plaza, iba na ang nararamdaman ko.. mula ng maramdaman ko ang pakiramdam na yun, ang mga tao sa paligid ko, marami silang pinapahiwatig na ang hirap mahulaan.. pinakiramdaman ko ang sarili ko.. sabay bulong sa sarili ko “mahal na nga ba kita Gabriel?”
Lumipas ang ilang araw, ganun pa din, napapaisip pa din ako, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, Malabo pa to, kulang pa kumbaga, mahal ko nga ba sya? O namimiss ko lang sya? Alin sa dalawa? Haay..
BINABASA MO ANG
my journey upto our destination
Romancei'm having my journey alone. til i pass by where you are standing, then you start walking with me, from there i realized where my destination is.