Chapter 23
Mika’s POV
Its been three days after that event. Hanggang ngayon di pa din napasok si Aria, nagaalala ako para sa bestfriend ko. I know may misunderstanding kami, but it cant take away the fact that she is still my bestfriend. Ilang beses ko na syang kinucontact pero wala pa din, pinuntahan ko na din sya sa kanila pero di nya ko kinakausap.
“papasok kaya ngayon si Aria?” si maxi. She’s also worried sbout Aria.
“di mo pa rin ba sya nakakausap?” si Yssa. Umiling ako.
After several minutes bumukas ang pinto ng classroom at nakita namin si Aria. Still look the same, but there is something wrong. She’s lifeless. She’s cold. She has no emotion.
“goodmorning Aria” bati ni Maxi. tinignan nya lang si Maxi, at tumuloy sa upuan nya, which is katabi ko.
I was sitting beside her and yet parang ang layo nya. Parang may makapal na harang saming dalawa.
“I’ve been calling you pero nakapatay ang phone mo.” I told her.
“ah. Tinapon ko kasi phone ko” walang emosyon nyang sabi.
“aria, if you want someone to talk, always remem—“ di ko natapos ang sasabihin ko ng putulin nya to.
“I don’t need anyone. I can handle myself alone. I’m not a kid anymore, I’m not the old pathetic Aria that you know. Will you please stop bothering me?” dirediretso nyang sabi.
I was surprised by what she said, hindi rin ako makahanap ng isasagot so natahimik nalang ako. Anong nangyari sa kanya? Bakit ganoon nalang ang naging reaksyon nya? Kung makapagsalita sya parang ang laki ng galit nya samin..
Buong klase di ako mapalagay, I’m worried. Yes I am overreacting but what can I do? Bestfriend ko sya, and I know how fragile she is kahit pa nag mamatigas sya ngayon.
-------------
Gab’s POV
Just what I thought. Nagbago nga sya, pagkapasok nya palang sa room kanina iba na agad ang facial expression nya, hindi na ito warm, cold na ang mga mata nya. Binati sya ng mga kaibigan nya pero di nya ito sinagot. Ng kausapin naman sya ng bestfriend nya kakaiba din ang sinagot nya, bakas sa mukha ni Mika ang pagkagulat, at the same time ang pag aalala. Aria did change, but I’ll definitely make her back to the old she. The girl who knows how to care and to love.. the girl whom I really love..
---------
Aria’s POV
Andito ako ngayon sa isang lugar, hindi ito rooftop ng dating school at hindi rin ito ang garden ng bago kong school, ito ay ang fire exit ng building namin. Walang natambay dito kaya naisipan kong dito maglagi pag wala kong ginagawa.. ayos lang naman saken kasi nakikita ko ang tanawin sa baba, although mga sasakyan ang nakikita ko, hindi naman ganoon kalakas ang ingay.
Sa totoo lang halos isang linggo ko na tong tambayan. Isang linggo na kong nagmamatigas, isang linggo ko ng iniiwasan sila Mika, hindi naman sa galit ako sa kanila or what pero kasi nahihiya ako, nahihiya ako na mas kinampihan ko ang gagong Kenneth na yun kesa sa mga kaibigan ko. Nahihiya ako na makipagbati? Ewan ko, pride ko ata.. pero kasi bukod doon may dahilan pa ko, pag sila kasi ang kasama ko babalik ako sa dati yung mahina, yung madaling magpatawad. Baka pag bumalik ako sa ganoon mag mahal ako ulit. Ayoko na kasi e, masasaktan lang ako nun panigurado.
Natigil ang pag iisip ko ng marinig kong bumukas ang pinto papunta sa kinalulugaran ko, and from there I saw Gab.
“anong ginagawa mo dito?” emotionless kong sabi
“looking for you?” sabi nya
“at bakit?” –ako
“let me remind you, our final exam on music, partner tayo diba?” aish oo nga pala.. malapit na yun
“so?” –ako
“bawal mag practice?” sarcastic nyang sagot
“saka na tayo mag practice pwede?” sabi ko sabay irap sa kanya
“hoy miss, para po sa inyong mumunting kaalaman, 1 week nalang po tayong magpapractice, 1 week, 7 days and ilang hours ba? Basta yun nalang! Kaya baka pwede na nating simulan?” pagkasabi nya nun sinimangutan ko lang sya at tumingin sa malayo.
Sandali syang natahimik kaya naman natahimik din ako, nakaupo ako habang nakatalikod, sya naman nakatayo. Mga siguro 5 minutes lang kaming tahimik hanggang sa naramdaman ko nalang na tumabi sya saken.
“bakit ka ba nagkakaganyan?” napatingin ako sa kanya pero nakatingin na din sya sa malayo kaya tumingin na din ako sa tinitignan nya.
“anong nagkakaganyan?” alam ko naman kung ano ang ibig nyang sabihin.
“bakit nilalayo mo ang sarili mo sa kanila, sa mga kaibigan mo?” tanong nya.
“nilalayo ko ba? Gusto ko lang kasi mapag isa” sabi ko.
“hindi rin” napatingin ulit ako sa kanya “alam mo sa tingin ko pinipilit mo lang baguhin ang sarili mo dahil ayaw mo ng masaktan.” Napayuko ako.
Ayoko na talagang masaktan kaya hanggat maaari umiiwas na kong mapalapit sa kanila kasi umiiwas na kong masaktan.
“alam mo bang nag aalala sayo ang mga kaibigan mo?” napatingin ako sa kanya “they’ve been worried about you ever since they knew about that break up, gusto ka nilang samahan pero hindi ka naman lumalapit”
“ayoko kasing masaktan, tsaka nakakahiya kasi sa kanila mas kinampihan ko kasi yung hayop na yun kesa sa kanila” napatingin sya saken.
“naiintindihan naman nila yung sitwasyon mo e kasi minahal mo sya, pero ayaw ka kasi nilang masaktan, kaya ayun” tumingin na din ako sa kanya.
Sandali kaming nagkatinginan tapos tumayo na ko para iwasan yung titig nya.
“tara!” tumayo ako, “ano bang kakantahin natin?” pag iiba ko ng topic.
“di ko din alam e, nga pala pinapasabi ni ma’am na mag sosolo ka daw bilang introduction”
“HA?!” napatingin ako sa kanya sa gulat “ANONG INTRODUCTION? ANONG SOLO?”
“E narinig ka na nilang kumanta diba? Kaya ayun! Ayan kasi kakanta kanta pa ng ganun ayan tuloy intro ka” anak ng! bakit intro pa?! tsaka hello? SOLO?? Aish!
BINABASA MO ANG
my journey upto our destination
Romancei'm having my journey alone. til i pass by where you are standing, then you start walking with me, from there i realized where my destination is.