CHAPTER 14

9 2 0
                                    

2 weeks na ang nakakalipas mula nung birthday ko, ang saya nga e, kasi mag naging close ako kila mom and dad, kung dati parang ang layo layo ko sa kanila ngayon ang lapit ko na, kung dati feeling ko di ako kasama sa family ngayon feel ko na na kasama ko.. hindi pala sila lumalayo saken, ako pala ang lumalayo sa kanila..

Ang mga kaibigan ko? Eto, wala pa ding nagbago, si Adam inaasar pa din ako, si Mika ang daldal pa din, si gab? Eto kasama na sya sa grupo, masayahin na sya, and mas close na kami, at loveteam pa din kami haha pinanindigan na namin since bestfriends naman na kami.. Sya ang nakakasama ko pag may kanya kanyang lakad yung anim, alam nyo naman mga lovebirds, lagi nga nilang sinasabi na bat daw ba di nalang maging kami ni Gab syempre hindi pwede kasi may John pa ko no! hihi :””>

Si jaron? Ayun nagtetext sakin, actually niyaya ko din yun nung birthday ko kaso di sya dumating ayaw nya daw kasi sa matao, parang ewan lang akala mo sya hindi tao haha.. anyways ngayon? Ang kasama ko si Gab kasi yung tatlo iniwan kami, may mga lakad ata? Ewan ko dun.. nandito kami sa rooftop.

“AC tignan mo to” sabi saken ni Gab habang may binubura, nag d-drawing kasi sya e.

“ano yan?” tanong ko

“hmm puno” sabi nya

“puno?! E bat parang damo yan?” sabi ko na nangingiti

“mukha bang damo? Di naman ah!” he said

“oo kaya! Hahaha grabe ka! Ang tanda mo na di ka pa din marunong magdrawing ng puno!” sabi ko sabay tawa

“napaka mo! Bakit ha? Ikaw ba magaling ka magdrawing?” sabi nya

“hindi din” –ako

“tamo! Ikaw din pala di mo kaya tapos kung makapag asar ka dyan!” sabi nya. “kaasar to pahiga nga!” sabi nya sabay higa sa hita ko..

Hinayaan ko nalang sya, ganyan naman talaga yan, nasanay na ko, hilig nya kasi humiga sa hita ko, tapos magpapakanta yan..

“kantahan mo ko dali” oh diba? Ganyan yan, walang please talagang utos kung utos..

“anong kanta?” tanong ko

“wipe your eyes” sagot nya

“nanaman?” –ako

“oo kahit chorus lang” sabi nya

“hmm.. hey you, come over and let me embrace you, I know that I’m causing you pain to, but remember if you need to cry I’m here to wipe your eyes. Tonight before you fall asleep, I run my thumb across your cheek, cry cause I’m here to wipe your eyes, I know I made you feel this way, you gotta breath you’ll be okay.. cry cause I’m here to wipe your eyes”

Habang kinakanta ko yung kanta tahimik lang sya at nakapikit, di ko alam kung bat gusto nya yang kanta na yan, sabagay maganda din naman kasi yung kanta, parang sinasabi nung guy na di nya iiwan yung girl at kung sakali mang umiyak yung girl nandyan pa din yung guy para patahanin sya. Sa totoo lang alam ko na yung buong kanta, memorize ko na pero hindi ko alam kung bat ayaw ko sa kanya kantahin, siguro may tamang panahon para dun?

“Gab” –ako

“hmm?” sabi nya habang nakapikit

“bat favorite mo yung kantang yun?” sabi ko

“may gusto kasi kong kantahan noon, pero di ko alam kung kelan ang tamang panahon..” he said with his eyes close

“may nagugustuhan ka na ba?” –ako

“ewan ko” sabi nya saka tumayo “hindi ko alam kung gusto ko na ba tong babaeng to, basta I just want to be with her, I just want to protect her” sabi nya habang nakatingin sa malayo

my journey upto our destinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon