LUMIPAS ang mga araw at mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Bien kay Anna. Pilit mang unawain ni Anna ang sitwasyon ng kasintahan ay may kakaiba pa rin siyang nararamdaman na hindi niya dapat maramdaman. Matagal na ang pinagsamahan nila ng binata at ayaw niya iyon masira dahil lang sa hindi niya maipaliwanag nararamdaman at maling hinala. Alam niya rin sa kanyang sarili na imposible at hindi magagawang saktan siya nito dahil alam nito ang sakit at hirap na pinagdaanan ng dalaga at higit sa lahat ay mahal siya ni Bien.
"Trust him, Anna. Trust him!" mariing saad ni Anna sa kanyang sarili habang nasa sala siya dahil pinalabas siya ni Bien ng study room dahil sa gusto nito mapag-isa.
"Hindi siya galit sa 'yo, okay? Gusto niya lang makapag-focus kaya ka niya pinalabas ng study room 'yon lang 'yon at wala ng iba. Huwag kang praning, okay?" pangungumbinsi niyang kausap sa kanyang sarili.
Mangilang hinga-buga ang ginawa ni Anna para ikalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya mapigilan ang patuloy na tumatakbo sa kanyang isipan.
"Totoo ba talaga ang girl instinct?" naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili at ibinaling ang kanyang tingin sa itaas ng hagdan. "Hindi naman ako niloloko ni Bien, 'di ba?" mahina niyang usal habang nakatingin sa itaas ng hagdan at may hindi maipinturang mukha.
Ipinilig ni Anna ang kanyang ulo sa kaliwa't kanan para alisin ang mga agam-agam na naglalaro sa kanyang isipan.
"Don't get tainted, Anna! Hindi ganoong klaseng lalaki si Bien. Hindi!" mariin niyang pangungumbinsi sa kanyang sarili.
Ngunit muli, hindi niya pa ring maiwasan na mapaisip na baka nga nagsasawa o nagloloko na si Bien sa kanya lalo na sa ipinapakita nito sa kanya na panlalamig at pagkairita simula ng siya'y dumating. Kahit isang beses ay hindi man lang nito nagawa siyang kausapin kung ano ba ang nangyari sa kanya habang nasa Kauai siya o kaya kamustahin man lang sa kung anong pakiramdam niya ng naroon siya at ngayon na nakabalik na siya sa Pinas. Totally na walang pakialam sa kanya si Bien simula nang dumating siya—kung saan hindi naman ganito dati ang pakikitungo nito sa kanya kahit na may mga nobela pa itong kailangang tapusin. Hindi ganitong Bien ang nakilala at nakasama niya sa loob ng walong taon. Ibang-iba na Bien ang nakikita niya ngayon.
"I trust you, Bien. So—please don't betray me."
***
NAGING abala si Anna sa pag-aasikaso nang papalapit na book launch ng kanyang bagong nobela dahilan para mawala ang atensyon at pag-aalala niya kay Bien. Late na rin siya nakakauwi dahilan para mawalan na rin siya ng lakas na tignan pa ang kasintahan sa study room nito at diretso na sa kanilang k'warto para matulog. At lumipas ang ilang araw na ganoon ang naging routine nilang dalawa. Ginawa niyang abala ang kanyang sarili para hindi makapag-isip ng masama sa relasyong meron silang dalawa ni Bien.
"Is everything all right, Anna? You have a bad appearance," lakas loob na saad ni Krystal na kanina pa tinitignan si Anna.
"I'm fine," matamlay na sagot ni Anna at binigyan ng maliit na ngiti ang dalaga.
"Are you certain, because you're in terrible shape?" nag-aalalang saad ni Krystal.
"I'm fine, Krystal. Masyado lang akong naging abala kaya nai-stress ako," paliwanag ni Anna kay Krystal.
"Then you should take some time off, Anna. We can't afford to make you sick, especially since your book is about to be launched," wika ni Mr. Lee sabay baba sa hawak nitong folder.
"But we're not done—"
Hindi na pinatapos ni Mr. Lee ang sasabihin ni Anna at pinutol ito. "We prioritize your health, so please return home and rest. We can resolve this without your participation," wika ni Mr. Lee.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Любовные романы(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...