Chapter 5

333 39 3
                                    

"WOW! CLOUDS!" manghang-mangha na wika ng batang Anna habang nakikita ang mga ulap sa labas ng binata ng eroplano.

"Tatay, look!" sabay turo sa labas ng bintana.

"Anna, seat down," awat ng ama sa batang si Anna.

"But—"

"Anna, please," pakiusap ng ama sa bata. "It's for your safety."

"Baby," tawag ng ina sa atensyon ng bata. "Sundin mo ang sinabi ni Tatay." Sabay haplos sa buhok nito pababa sa pisngi ng bata at marahang pinisil. "Mabait na bata si Anna, 'di ba?" nakangiting tanong ng ina.

Pinagmasdan ng batang si Anna ang kanyang ina at ibinaling ang tingin sa kanyang ama nang ilang saglit. Matapos noon ay ngumiti ang bata at sumunod sa pakiusap ng kanyang ama.

"That's our princess," nakangiting saad ng ama sabay hinalikan sa noo ang bata.

Gumuhit naman ang napakaatamis na ngiti sa labi ng bata ngunit ang masayang larawang iyon ay unti-unting gumuho hanggang sa isang larawan ng amang nagmamakaawa sa kanyang ina ang pumalit sa masayang imaheng iyon.

"Celeste! Huwag kayong umalis!" pagmamakaawa nito habang hawak-hawak ang braso ng kanyang ina.

Iwinasiwas naman ni Celeste ang kanyang braso para alisin ang pagkakahawak sa kanya ni Leon at tinapunan nang masamang tingin ang kanyang asawa.

"Tumigil ka na, Leon!" bulyaw ni Celeste sa kanyang asawa.

"Parang awa mo na, Celeste, 'wag mo naman akong iwan. Huwag niyo akong iwan ni Anna," lumuluhang pagmamakaawa nito na nakaluhod sa harapan ni Celeste.

"Ano ba, Leon? Mag-isip ka nga! Wala ka ng pera! Sa tingin mo paano mo kami bubuhayin ng anak mo, ha?" mataas na boses na tanong ni Celeste.

"Gagawa ako ng paraan, Celeste. Huwag mo lang ako iwan. Huwag mo lang ilayo ang anak ko sa akin," wika ni Leon habang nagmamakaawa at halos humalik na sa lupa sa labis nitong pagmamakaawa.

Sinipa ni Celeste ang kanyang asawa sa mukha dahilan para magdugo ang ilong nito at makalayo ito sa kanya.

"Tatay!" sigaw ni Anna na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.

Akmang lalapitan ng batang Anna ang kanyang ama ngunit mabilis naman siyang pinigilan ng kanyang ina at hinawakan ito nang mahigpit para hindi makalapit sa kanyang ama.

"Celeste, parang awa mo na huwag mo namang itong gawin sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng anak natin, 'di ba?" patuloy na pagmamakaawa nito na hindi man lang iniinda ang dumudugong ilong na natamo nito buhat ng malakas na pagkakasipang ginawa ng kanyang asawa sa kanya.

"Leon, mahirap bang indtindihin sa 'yo ang lahat?" gigil na sigaw ni Celeste na napahilamos sa labis na pagkasiphayo sa kanyang asawa.

"Celeste, mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Please 'wag niyo akong iwan." Muling pagmamakaawa nito sa kanyang asawa.

"Leon, hindi kami malalamanan ang kumakalam naming sikmura ng anak mo ang pagmamahal na sinasabi mo! Gumising ka na nga! Wala ka ng pera!" pagbibigay diin ni Celeste sa kanyang mga salita. "Hindi ko hahayaan na mamamatay kami ng anak mo sa gutom at maging kaawa-awa sa paningin ng ibang tao para patuloy na manatili pa sa tabi mo!" At matapos noon ay tinalikuran ni Celeste ang kanyang asawa ngunit hindi nagpaawat si Leon at hinawakan ang binti ni Celeste para pigilan ito sa pag-alis.

Napalingon si Celeste na magkasalubong ang mga kilay na galit na galit. "Leon, ano ba?" sigaw nito.

"Please, Celeste, 'wag niyo akong iwan ni Anna," pilit na pagmamakaawa nito na hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata nito dahilan para lalo itong maging kaawa-awa.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon