Chapter 42

157 8 1
                                    

MATAPOS ang napakahabang biyahe ay muling naramdaman ni Anna ang mainit na temperatura ng Pilipinas matapos ang ilang buwan niyang pananatili sa Kauai. Hindi niya man nais bumalik ng Pilipinas ay wala siyang pagpipilian na iba.

Habang hila-hila ang kanyang maleta palabas ng eroplano ay isa-isang nanariwa sa kanyang alaala bago nangyari ang lahat ng ito sa kanya. Ang kanilang matatamis na alaala ni Bien. Ang maingay na opisina kasama sina Krystal at Hayacinth. Ang nakakatakot na awra ni Mr. Lee. Ang mga araw na nai-stress siya sa mga librong kanyang ginagawa. Ngunit, sa isang iglap ang lahat ng iyon ay unti-unting nagbago lalo nang malaman at mahuli niya ang kataksil at panlolokong ginagawa sa kanya nina Bien at Hayacinth. Hindi niya lubos akalain na ang walong taong mahigit na boyfriend niya at malapit niyang kaibigan ay magagawa siyang pagtaksilan. Ang dahilan kung bakit siya bumalik sa lugar kung saan nakita niyang muli si Jax, ang lalaking minsang nagligtas at gumising sa kanya sa katotohanan at ngayon ay ang ama ng batang kanyang pinagbubuntis.

Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Anna kasabay noon ay ang pagtingala niya para pigilan ang mga luhang pilit na kumakawala sa kanyang mga mata.

"Don't cry, Anna. Don't-"

Hindi magawang matapos ni Anna ang kanyang sasabihin nang sunod-sunod ng bumuhos ang mga luha sa kanyang pisngi hanggang sa wala na siyang magawa kung 'di ang mapahagulgol nang tahimik. Nagsimulang pagtinginan ng mga tao ang dalaga dahil sa kanyang pag-iyak ngunit ka pilit niya man pigilan ang kanyang pagluha ay hindi niya magawa dagdag nang labis na kirot sa kanyang puso ang nararamdaman.

Nang sandaling iyon, pakiramdam niya ay pinagkakait ng pagkakataon sa kanya ang maging masaya. Simula sa pamilya na nasira, sa pangarap niyang hindi tanggap ng kanyang pamilya, sa pag-ibig na buong akala niya na hanggang wakas, at ang pamilya niyang gusto mabuo. Lahat na lang na nangyayari sa buhay niya ay kalungkutan, kasawian at pansamantalang kaligayahan.

"Why You're doing this to me? Why?" tanong ni Anna na labis nasisiphayo. "What have I done to deserve all of these shits?"

Nagpatuloy si Anna sa pag-iyak hanggang sa isang mainit na mga yakap ang bumalot sa kanyang katawan dahilan para mapaangat siya ng tingin.

"Krystal..."

Hindi umimik si Krystal at isang maliit na ngiti ang ipinakita nito habang tumatango. Nang sandaling iyon, mas lalong napaiyak si Anna. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob at bigat na kanyang dinadala. Niyakap ni Krystal ang kaibigan at hinayaan niya lamang itong umiyak sa kanyang balikat habang hinahaplos ang likod ni Anna.

"Krystal!" hagulgol na sambit ni Anna sa kanyang pangalan.

"It's fine, Anna. You can cry as much as you want," wika ni Krystal habang patuloy na hinahaplos ang likod ni Anna.

Ngunit, habang patuloy si Anna ay hindi rin magawang mapigilan ni Krystal ang pagluha lalo na't damang-dama nito ang bawat luha na umaagos sa mga mata ng kaibigan ang labis na sakit na nararamdaman.

"It's fine, Anna. It's fine. I'm here now. No one will ever hurt you again," saad ni Krystal kahit na alam niyang hindi sapat ang mga salitang iyon para alisin ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. Gusto niya lang iparamdam at ipaalala na may masasandalan ito at hindi niya ito iiwan kahit na anong mangyari.

***

DINALA ni Krystal si Anna sa isang coffee shop para doon ito pakalmahin ngunit halos kalahating oras na ang nakalipas ay nanatiling walang imik ang kaibigan nito.

"Anna, can you tell me what happened?" malumanay na tanong ni Krystal.

Ngunit hindi pa rin nagsalita si Anna at patuloy sa paglaro sa kanyang mga kuko na tila ba malalim ang iniisip nito. Napahugot nang malalim na paghinga si Krystal alam niyang mabigat ang pinagdadaanan ng kaibigan kaya pilit niya itong inunawa ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa, lungkot at pagkainis sa taong gumawa nito rito.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon