Chapter 15

290 30 0
                                    

HINAYAAN lang ni Anna ang kanyang mga paa kung saan siya nito dalhin hanggang sa makarating siya ng Antipolo City kung saan natagpuan niya ang Luljetta's Hanging Gardens Spa.

"Good evening, Ma'am! Welcome to Luljetta's Hanging Gardens Spa," nakangiting bati ng isang babae kay Anna sa entrance ng resort.

"How did I end up here?" nagtatakang tanong ni Anna sa kanyang sarili habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa maaliwalas at mala-jungle vibe ng lugar.

Napangiti si Anna habang patuloy niyang pinagmamasdan ang buong paligid.

"This place is fantastic for getting my thoughts out of my head," nakangiting saad ni Anna. "On the other hand, my foot seems to know everything about me."

Dahil sa nakakagaang vibe ng resort ay hindi na nagdalawang-isip si Anna at nagcheck-in sa resort para na rin ma-enjoy ang buong lugar at makapag-relax. Hindi na nakapaghintay ang dalaga dahil matapos niyang mailagay ang kanyang gamit sa k'wartong kanyang tutuluyan ay dumiretso na agad siya sa hanging pool nito.

"Waah!" buong ginhawa niyang bulalas habang isinasalok ang kanyang kamay sa tubig at sinasaboy iyon sa kanyang mukha.

Ang malamig na ihip ng hangin ay dumadagdag sa lamig ng tubig ng pool na mas lalong nagbibigay ginhawa sa katawan ni Anna matapos ang mahigit isang oras niyang biyahe patungo sa napakagandang lugar na ito.

Habang nakababad sa pool ay tahimik na pinagmasdan ni Anna ang maliwanag na buwan nang biglang nanariwa sa kanyang alaala ang ginawang kataksilan sa kanya ni Bien.

"Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit niya ako nagawang lokohin," mahinang usal ni Anna sa kanyang sarili na iniisip kung ano ba talaga ang naging dahilan ni Bien para magawa nito ang kabubuyang iyon.

"Anna, I know what I've done is wrong, but I'm just a man with his own needs..."

Biglang umalingawngaw sa alaala ni Anna ang mga salitang binitawan ni Bien ng gabing iyon dahilan para mapabuga siya ng hangin sa labis na pagkadismaya.

"I can't believe him! Hindi ko aakalain nang dahil sa pagkatigang niya maghahanap siya ng babaeng paparausan niya ng 'di niya sa akin sinasabi?" napapailing na saad ni Anna sa kanyang sarili na labis na nasisiphayo. "Does he even think that he is already cheating at me? Anong akala niya sa akin papayag na lang sa ganoong set up? Sa tingin niya ba pagrespeto ang ginawa niyang iyon sa akin? Isang malaking kahunghangan ang pananaw niyang 'yan!" Nanggigigil na paghihimutok nito.

Nagpataas-baba ang kanyang dibdib dahil sa labis na panggigigil ngunit makalipas ang ilang minuto ay unti-unti na rin siyang kumalma. Nagpakawala nang isang mabigat na buntong-hininga si Anna. Sa mga nakalipas na buwan masyadong naging eventful ang kanyang buhay—mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay na malaki rin ang naging impact sa kanya. Muli ay napahugot nang malalim na buntong-hininga si Anna sa kanyang mga naalalang kaganapan sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ay hindi gusto ng tadhana na patahimikin ang buhay niya simula ng malayo siya sa kanyang ama.

"Hay..." Muli niyang buntong-hininga.

Napatingin siyang muli sa maliwanag na buwan at biglang nanariwa sa kanyang alaala ang nangyari ng gabing iyon. Ang mainit na hiningang bumulong sa kanyang tainga, ang mainit na mga labi nitong dumampi sa kanyang mga labi na gumapang sa kanyang tainga, leeg, dibdib at sa mga sensitibong parte ng kanyang katawan hanggang sa kanyang pagkababae. Naalala ni Anna ang bawat galaw na ginawa ng binata sa kanya ng gabing iyon sa kanyang alaala na bawat galaw nito ay sobrang linaw sa kanyang alaala. Habang pinapanood niya ang eksenang iyon sa kanyang alaala ay nagsimula namang mag-init ang kanyang tainga hanggang sa kumalat iyon sa kanyang buong mukha at sa buo niyang katawan. Bawat galaw ng binata ay nagdudulot sa kanya nang pagbigat ng paghinga at nag-aapoy na pakiramdam sa kanyang kaloob-looban. Pakiramdam niya ay muling nararamdaman ng kanyang katawan ngayon ang eksaktong nararamdaman niya ng gabing iyon. Inaamin niyang isang pagkakamali ang nangyaring iyon ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ng kanyang katawan. Iyon ang pagkakamaling gusto niyang balik-balikan ng kanyang katawan.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon