MCMMC 1

180 10 4
                                    

=========================>>>>>>>>>>>

"SUSANA!!"

naku po! patay na naman ako nito ni ina.

ang kulit ko naman kasi!

eha sa mausyuso lang talaga ako dun sa ibang mundo ,ehh..masama ba?

bakit pa kasi ayaw ako isama ni ina dun?!

"SUSANA!!!" >_<

ee! umuusok na si ina! kailangan ko na talagang bumalik ng bahay!

galing ako sa gubat kaya nagtatakbo ako pauwi ng bahay...

"san ka na naman ba galing bata ka?"

"naku ina! si Mak2x kasi, umalis ng bahay. balak lumayas! kaya nga ako pinagpapawisan dahil hinabol ko sya para pigilan. sa kasamaang palad, hindi ko sya inabutan"

paliwanag ko ^_^

"hindi mo talaga sya maaabutan! eh, nasa akin eh! hawak ko?!" ni ina

"Mak2x! nagbalik ka! akala ko iiwan mo na ako..." :)

"tumahimik ka nga Sansan!"

--> ako yun! palayaw ko :)

"kung magsalita ka, parang sasagutin ka naman ng kausap mo. wag mo ngang idamay yang MANOK MO! sa pagiging pasaway mo! alam kong nagbabalak ka na namang pumunta sa ibang mundo na sabi mo!"

"ABA! INA! pano mo nalaman? manghuhula na pala ngayon ang aking ina? natutunan mo ba yan dun sa ibang mundo ina?"

ngumiti talaga ako ng malaki! ^_^

"tumahimik ka! pasok na sa bahay"

pumasok una si ina sa bahay. habang ako, naiwan sa labas habang hawak-hawak ang mahal kong manok na si Mak2x!

nagulat kayo noh?? akala nyo kung sino! HAHA!! :D

pumunta ako sa likod ng bahay para ipasok si Mak2x sa kanyang kulungan. nakatakas kasi ang mokong! ^_^

ginawa ko ng ganun ang aking pangangatwiran kay ina kanina kasi ayaw kong mapagalitan!

hehehe :)

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon