MCMMC 21

38 5 0
                                    

===>> Alex's POV

Saang parte ba ng mundo ako makakaiwas ng pollution?



Alam ko na...






Wala!

Tss...

Dahil sa polluted na talaga ang buong mundo, napagdesisyunan kong umuwi na lang.

Mas mabuti pang magsayang ng oras sa aking kwarto kesa  madumihan ang sarili ko sa pollution.

Ilang sandali lang, nakarating na rin ako ng mansyon.

"Take good care of my car or you will be fired" - malamig kong utos sa driver namin na magpapark ng aking kotse.

"Yes, master"

Papasok na ako ng mansyon nang biglang may nakasalubong ako sa may pintuan.

"Anong ginagawa mo rito?" - cool kong tanong





"............."





"Paano ka nakarating dito?"





"............."





"Talaga bang gustong-gusto mo akong bwisetin?"





"............."





"Ano? Magsasalita ka ba o hindi?!"






"meow..." ^~^

Tumakbo ang pusang kalye ng mommy ko.

Bwiset na araw to talaga!

"Owh...Hi, Alex. Nakauwi ka na pala. By the way, did you see my cute princess?"

Isa pa itong mommy ko.

Tinitigan ko lang sya at naglakad na uli papunta sa aking kwarto.

Mga ilang minuto ng aking paglalakad, nakarating na rin ako ng aking kwarto.

Naligo na agad ako para itaboy ang mga polusyong dumikit sa porselana kong kutis. Sensitive ang skin ko kaya hindi ko ito dapat pinapatagal.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako.

Umupo ako sa magara kong upuan sa aking kwarto na malapit sa terrace ng aking kwarto.

Nakatulala lang ako at malalim ang iniisip.

"Walang hiya talaga ang babaeng yun. Ang lakas ng loob para gawin yun sa akin. Wag na wag na talaga sya magpapakita sa akin dahil lilipad talaga sya pabalik ng kalawakan. Bwiset..."

===>> Susana's POV

Haaay...

Kapagod ang araw na ito.

Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Hindi ako makapaniwala na may mga tao pala rito sa mundo na masama ang ugali. Kawawa talaga yung matanda.

Pumasok bigla sa kwarto si Ailee.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nakahiga na sya katapat ng higaan ko.

"May kailangan ka Ailee?"

"Ha? Wala."

"Eh, anong ginagawa mo rito?"

"Hmp? Bakit te? Ikaw lang ba ang pwedeng humiga rito?"

"Hindi."

"Yun naman pala eh."

"Teka, paano mo ako naging ate?"

"Baliw talaga tong babaeng ito"

"Nagtatanong lang naman eh"

Humiga na rin ako sa aking higaan para naman makapagpahinga.

"Psst! Ano nga uli yung pangalan mo"

"Susana"

"Susana? Bakit Susana?"

"Ha? Bakit? Bawal ba ang aking pangalan dito sa mundo?" - O.O

"Ha? Ano ba yang pinagsasabi mo? Baliw talaga to. Natanong ko lang kasi ang bata mo pa pero ang tanda na ng pangalan mo. Ang pangit"

Kakaibiganin ko ba talaga ang babaeng ito o hindi -_-

"Aahhh...Ganun ba? Pwede rin bang magtanong?"

"Yeah, suuuuure..." - ^_____^

Nagsasalita na naman ito nang hindi ko maintindihan na salita. . .

"Ang ganda ng pangalan mo pero bakit ka pangit?"

"Aray!"

"A-anong nangyari sayo?" - pag-alala ko bigla O_O

"Wala! Grabe naman to mamersonal. Ang sakit lang ng joke mo te" >3<

Ha?

Hindi ko alam na biro lang pala rito sa mundo ang pagsasalita ng totoo O.O





*Tok-tok-tok*





Sabay kaming napabangon bigla ni Ailee pagkarinig namin ng katok.

Tinitigan ko si Ailee.

"Tao?" - tanong ko sa kanya o.o

"Malamang te. Alangan naman hayop ang kumakatok ngayon?"





*arf! arf! arf!*





O_O





"Ai! Hayop nga te" O . O

"Marunong pala kumatok ang mga aso rito Ailee?" O.O

"Ai! Ewan ko sayo. Hindi ko talaga alam kung nagbibiro ka ba o hindi. Ako na lang ang magbubukas ng pinto"

Tumayo si Ailee at binuksan ang pintuan.

"Miss Mier?"

Napatayo ako bigla nang marinig kong sinabi ni Ailee ang pangalan ni Miss Mier.



















"ARAAAAAY!!!" - T_____T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon