MCMMC 5

112 9 1
                                    

===>> Susana's POV

"Sansan!"

tawag na naman ako ni ina...

hindi dahil sa nawawala na naman ako ha?! hehe :D

nagdidilig ako ng mga gulay sa likod ng bahay at pinuntahan ko si ina agad pagkatawag nya sa akin...

"bakit po ina?

"aalis muna ako"

"bibisitahin nyo na naman po ba ang ibang mundo ina?"

"hay naku..pwede ba anak? tigilan mo na yang kasasabi mo sa salitang ibang mundo na yan?"

"bakit naman po ina? alam nyo naman po kung gaano ko talaga ka gustong pumunta dun" :(

humarap sa akin si ina at hinawakan ang aking kaliwang pisngi

"anak, gusto ko sanang tigilan mo na yang pagbabanggit dyan sa ibang mundo na yan. alam kong simula pagkabata hanggang ngayong nagdalaga ka na, ito na ang mundong nasilayan mo. kung saan man ako pumupunta ay konektado lamang ito sa mundo natin dito. kaya lang, delikado ron anak. ayaw lang kitang mapahamak o kayay masaktan kagaya nung nangyari sa iyong itay. kaya sana, wag ka ng magtangkang tumawid pa patungo dun. gusto ko, dito ka lang. mas ligtas ka dito sa tiyak na kapahamakan"

ramdam na ramdam ko ang init at wagas na pagmamahal ng aking ina nung mga oras na yon.

"opo ina"

ngumiti sa akin si ina at umalis na.

kung noon, lagi kong tinatangkang sundan si ina at laging namomoblema sa akin si ina...

ngayon, hindi na. . .

hindi na kasi grabe si ina kung makapangKONSENSYA! >~<

pero, alam ko naman na pinoprotektahan nya lang ako at naiintindihan ko sya bilang sya nga ay aking INA...

pumasok na lang ako ng bahay at nagpahinga saglit.....

"itay, kung nandito ka lang sana...kasama namin ni ina. . .talagang sabik na sabik na po talaga ako na kayo ay makasama pero, kinuha ka na sa amin....." :'(

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon