Ms. Country Meets Mr. City

349 14 6
  • Dedicated kay Ritchie Rade Luciano
                                    

kumusta?!

ako si Susana

Mahinay naman ang apelyido ko

nakatira sa isang lugar na hindi nyo nakikita...

walang nakakakita...

hindi nyo talaga makikita!

napapalibutan lang naman ang aking mundo ng mga

puno

pananim

hayop

matataas na bundok!

sa madaling sabi,

nasa gitna ng kagubatan nakatirik ang bahay-kubo namin ni ina.

ang kasama ko lang ay si ina simula sanggol pa ako hanggang sa magdalaga na nga ako.

oo! nandun na ako sa gitna ng gubat nakatira at ni minsan, wala akong ibang nakikita bukod dun sa mga nabanggit ko kanina at tanging si ina lang ang aking kasama.

wala na akong ama, sabi sakin ni ina. namatay daw sya dahil sa sakmal ng isang mabangis na hayop noon. yun ang sabi ni ina eh!

yun lang ang alam ko at ang mundo ko at wala ng iba pa.

wala akong ibang alam at yun lang talaga.

kapag umaalis minsan si ina, gusto kong sumama para alamin kung may ibang mundo ba talaga syang pinupuntahan.

sa kasamaang palad, hindi nya aok sinasama!

lagi na lang akong pinapagalitan kasi ang kulit-kulit ko at pasaway daw ako.

sinusubukan ko syang sundan pero lagi akong bigo.

may iba pa bang mundo bukod sa ginagalawan ko ngayon?

SABIHIN NYO NGA! (o.O)?

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon