MCMMC 11

88 7 0
                                    

===>> Susana's POV

"Susana! halika na!" - si manong na nakapasok na pala ng bahay na nasa may pintuan..

lumapit agad ako kay manong habang karga-karga ko si Arf-arf... ^_^

"ahmmm, manong.. ganito po ba talaga ang mga aso dito? arf-arf ang salita??"

"ha??" - tumingin sa aso

"at saka po, para po yatang hindi inaalagaan ng maayos ang aso na ito. tingnan nyo po, napakaliit at napakapayat. nanlaki na ng sobra ang kanyang mga mata dahil siguro sa kulang-kulang ang nakakain nya."

"ahh...eh, chihuahua yan hija kaya ganyan yan. ang mga ganyang klaseng aso ay talagang ganyan na ang itsura"

"tse-tse--hwang hwang?? tsehwanghwang?? ang pangit naman ng pangalan nito!" >,<

"hindi... CHI-HUA-HUA... chihuahua ang pangalan sa ganyang klaseng aso at ang pangalan nya ay---"

"Kyumae... kyumae ang pangalan nya at hindi. . . hwang-hwang?? what kind of name is that?" -boses ng isang babae na nasa itaas ng hagdan na pababa ngayon papunta sa amin.

pagkapasok mo kasi sa bahay, bubungad agad sayo ang isang napakalapad at mataas na hagdan. grabe talaga!

nakita ko naman si manong na yumuko agad sa harap ng babae ( maganda sya ha... para syang isang prinsesa :) ) pagkababa nito sa hagdanan.

"goodmorning miss Mier"

"goodmorning din po manong Bert" - ^_^

ngumiti sya kay manong at...

naku! ang ganda nyaaaaa *o*

nakatingin lamang ako sa kanya.....

"ahmmm, pwede ko na bang makuha sayo si Kyumae ko??"

"ha? ahhh... o-opo! he-heto na po si Kumay nyo..." ^_____^

iniabot ko agad sa kanya ang kanyang aso at kinuha naman nya agad ito.

"hehehe... its not Kumay, its KYU-MAE, Kyumae ang pangalan ng little girl ko. your kinda joker, i like you.." ^_^

napakahinhin nyang tumawa, ngumiti sya sa akin at mas gumanda pa sya! *o*

ngayon lang ako nakakita sa buong buhay ko ng katulad nya *o* at alam kong napakabait din nya. ramdam na ramdam ko ^_____^

"what is your name?"

"h-haaa???" (o.O)

a-ano daw? a-anong sabi nya?? hindi ko maintindihan... ganito ba talaga dito sa mundong ito?? kakaiba? kakaiba lahat???

sayang naman sya kung ibang nilalang lang pala ang babaeng ito...

"ahmmm? hello?? do you have any name???"

ano baaaa!! hindi ko talaga sya maintindihaaaaan!! huhuhu T^T

"ahhh... mawalang galang na po miss Mier, gusto ko po sanang ipakilala sa inyo si Susana, Susana Mahinay po. sya po yung tinutukoy ko sa iyong ama na dadalhin ko po rito" -si manong

"ahhhhh... so, sya pala yung anak ng sinasabi nyong kaibigan nyo na naging katulong din dito noon nina papa"

"opo. ipagpaumanhin nyo din po kung hindi po sya nakasagot sayo agad dahil hindi po kasi sya nakakaintindi ng ibang salita. katulad po nung ikinwento ko po sa inyo"

"ai, oo nga. sor-- i mean, pasensya..hehehe" ^_^

"ah, hehehe.." -ako (o.O) ?

"ahmmmmm, ako nga pala si Suzette Mier Hernandez, ang nag-iisang anak na babae ng pamilyang Hernandez. pwede mo rin akong tawaging Mier. sina papa, manong Bert at mga katulong lang namin ang kasama namin dito sa bahay at ngayon, kasama ka na! hehehe" ^_^

"ah-ahhh..." -ako

ang alam ko, magtatrabaho ako dito. si manong nagtatrabaho rin dito. ibig sabihin, susundin ko yung ginawa din ni manong sa kanya kanina...

"ah! magandang araw din po Mier!" -yumuko agad ng sobrang yuko

biglang lumapit si manong sa akin habang nakayuko pa rin ako at bumulong...

"sabihin mo, 'miss' Mier.."

"ha? ahh... miss Mier po pala. . ." (+~+)

"hehehe, its ok.. sige na po manong, ihatid nyo na po si---?? ano nga ba yun?"

"Susana po ang pangalan ko at pwede nyo rin po akong tawaging Sansan miss Mier. yan po kasi ang tawag ni ina sa akin madalas" ^_^

"ah, ok. oo nga po pala manong Bert, wala po ngayon si papa. may meeting sya ngayon. mamayang hapon pa yata yun babalik dito"

"ahhhhh, cgeh po miss Mier. ihahatid ko na po si Susana sa kanyang kwarto" -manong Bert

umalis na si miss Mier, umakyat sya ulit sa hagdanan at sumunod na rin ako kay manong Bert.

nakarating na rin kami sa wakas sa magiging kwarto ko raw. matagal-tagal din kaming nakarating dahil sa sobrang laki ng bahay nila!

nakapasok na rin ako sa kwarto ko at... naku!!

anong klaseng higaan ito??

may higaan sa taas at sa ibaba! grabe na talaga ito... at, ang lambot-lambot pa ng aking higaan. hayyyyy, ang saraaaaap ^-^ walang ganito sa amin ^_____-

"hija, ilalagay ko na lang dito ang mga gamit mo. ikaw na lang ang bahala sa pagsasaayos sa paglagay nito sa cabinet mo"

"cabinet po? san??"

"yang malaking kahon na yan sa gilid ng iyong kama, dyan mo ilagay ang mga gamit mo"

tumingin ako sa sinasabing cabinet ni manong bert at sa higaan ko na naman habang hinihimas-himas ito.

kama pala pangalan mo. . . o.o

"sige, iwan na muna kita dito hija at may gagawin muna ako. puntahan mo lang ako sa may harden kung may kailangan ka"

"sige po manong Bert. salamat po"

HAAAYYYYY!!!

umagang-umaga, nakapagod na at malapit na akong maBALIW! >_<

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon