MCMMC 18

27 6 0
                                    

===>> Susana's POV

Ang dami-dami talaga ng mga libro dito at iba pang mga gamit pang eskwela.

"Susana, kung may gusto ka dyan, kunin mo lang. Heto ang basket, dito mo ilagay ang lahat ng mga gamit na gusto mo"

"Basket po tawag nito?"

"Oo. Lagayan ng mga gamit"

"Ahh, sige po. Salamat po Manong Bert"

Nagsimula na akong mag-ikot-ikot.

Lumapit ako dun sa may maraming libro.

Tingin ako ng tingin sa mga libro ngunit hindi ko naman alam kung ano ang pipiliin ko.

Hindi naman ako marunong magbasa, eh. T^T

Napagdesisyunan ko na lang na kukunin ko yung mga libro na may magagandang kulay at isa-isa ko ng nilalagay sa basket.

*poke-poke*

Ha? o.O

Tumingin ako pababa ng may kumalbit sakin.

"Ai, bata?"

Umupo ako sa harap ng batang kumalbit sa akin.

"May maitutulong ba ako sayo?"

"Why are you getting that kind of books a lot?"

Eh! O_O

Ano ba naman ito oh!

Hindi ko maintindihan ang batang ito.

Ano ba ang isasagot ko sa kanya? O_O

"H-ha? A-anong sabi mo bata?" - O_O

"Can't you understand English?"

Naku naman oh! O_O

Hindi ko po talaga sya maintindihan.

Tulong! T^T

"Ahm, alam mo bata? Pasensya ka na ha? Pero, hindi kita maintindihan eh"

"What?"

"Kung nagugutom ka, pasensya ka na pero wala akong pagkain na dala rito eh"

"I am not hungry! I am asking about that!"

Biglang tinuro ng bata ang basket kong dala.

Ahh...Baka nagtatanong sya kung ano ang dala-dala ko.

"Ah! Eto?"

Iniharap ko sa kanya ang basket na dala ko.

"Ang tawag nito ay basket! Basket ang tawag nito na lagayan ng mga gamit. Katulad nito, nilalagyan ko ngayon ng mga libro" - ngumiti ako sa bata ^_^

"You're crazy"

"Oo, yun kasi ang sabi sakin ni Manong Bert. Ang talino nya. Ang dami nyang alam. Gusto mo, ipakilala kita kay Manong Bert?" - ^_^

"I am not interested. You need to have a check up. Poor lady!"

Tumakbo na agad ang bata papalayo sakin.

Kumaway na ako sa bata tanda ng pagpapaalam.

"Walang anuman! Hay, kahit hindi ko sya naiintindihan, alam kong mabait syang bata" - ^_^

Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa.

Nakita ko sa di kalayuan si Manong Bert at kumaway ako sa kanya habang nakangiti ako ng malaki. ^_____^

Ngumiti rin sa akin si Manong Bert. ^_^

Maya-maya, may nakita akong dalawang bata na nag-aaway.

Parang meron silang pinag-aagawan na isang bagay.

"Akin ito!" - bata1

"Hindi! Akin ito!" - bata2

"Hindi! Ibigay mo yan sa akin!" - bata1

"Oi! Oi! Mga bata, tama na yan. Wag kayong mag-away"

"Eh kasi naman po, inaagaw nya po kasi itong pencil box ko. Ako naman po ang nauna nito" - bata2

"Eh sa gusto ko rin yan eh!" - bata1

"Patingin nga yang hawak mo bata"

Tiningnan ko kung ano ang hawak nya at hinanap ko kung may kapareho rin ba ito.

"Ayun!"

Nakakita ako ng kapareho at ibinigay ko yun sa isang bata at ibinigay ko rin ang isa sa isa pang bata.

"Ayan! Pareho na kayo" - ^_^

"Maraming salamat po ate" - bata2

"Hindi nyo naman kailangang mag-away. Masama ang mag-away"

"Opo. Ang bait-bait mo ate" - bata2

"Salamat" - ^_^

"Hmp!" - bata1

Parang nagalit ata sa akin ang isang bata. :(

Umalis na rin ang isang bata kasi tinawag na sya ng kanyang ina.

"Sir, maawa na po kayo sa akin" - T^T

Ano yun?

"Sige na po sir. Kung alam ko lang po talaga, hindi po talaga ako makikipag-agawan saiyo sa parking area" - T^T

Tama ba itong naririnig ko? o.O

Lumapit ako dun sa lugar kung saan may naririnig akong isang matandang lalaki na umiiyak at parang nagmamakaawa.

Nakatingin na ako sa kanila at naawa ako sa matandang lalaki.

Nakita kong yumuko ito sa harapan ng binatang lalaki habang hawak nakahawak sya sa braso nito.

"Bitawan mo ko" - malamig nyang sabi

"Pero sir..." - T^T

"Sabing bitawan mo nga ako!"

Ai, naku! Natumba ang matanda! O_O

Nilapitan ko agad sya para tulungan.

"Manong? Ayos lang po ba kayo?"

"H-ha?" - utal-utal magsalita si manong dahil sa kanyang kaiiyak.

Tumayo ako at nilapitan ang binatang lalaki.

Alam kong hindi maganda sumabat pero hindi rin tama na bastusin ang matatanda.

Ho! Kaya ko to.

Kakausapin ko lang sya ng maayos.

"Ahm, mawalang galang na po?  Nakita ko po ang nangyari kanina. Di po ba, hindi tamang hindi galangin ang mga matatanda?"

Tumingin sa akin ang lalaki na walang kahit anong reaksyon sa mukha. O_O

"Hindi naman po tama na saktan nyo po ang matanda. Kung ano man po yung pinag-aagawan nyo, ipaubaya mo na lang sa kanya dahil mas matanda na rin naman sya sayo."

Napansin ko na lang na medyo dumadami na ang mga taong nakatingin sa amin.

Tingin ko sa mga mukha nila ay parang nagulat sa mga nangyayari.

Humarap sa akin ang lalaki at tinitigan ako.

Kinabahan ako bigla. O_O

Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko. O_O

Nanigas bigla ang katawan ko habang nakatayo.

Eehhh!

Ano ba naman itong pinasok mo Sansan.

Parang hindi maganda ang nangyayari... T^T

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon