MCMMC 17

22 6 0
                                    

===>> Susana's POV

Nakapasok na rin kami ni Manong Bert sa tinatawag na mall.

Grabe! Ang laki at ang lawak pa ng loob ng mall at sobrang dami pa ng tao!

Maraming mga babae at lalaki, mga bata, dalaga't binata at magkakapamilya.

Nalungkot ako bigla,

Kasi, naalala ko si ina.

Sana andito si ina kasama ko.

Siguradong magiging masaya kami rito lalo na kung kasama pa rin namin si ama hanggang ngayon. (ll_ _)

"Susana?"

Tumingin sa akin si Manong Bert

"May problema ka ba?"

"Ha? Ah, wala naman po Manong Bert. Wag nyo po akong alalahanin"

"Kung iniisip mo yung nangyari kanina, wag mo na yun isipin. Mga baliw lang sila, ika mo nga kanina"

"Haha. Tama ka Manong Bert" - ^_^

"Andito na tayo"

"Po?"

Huminto kami ni Manong Bert sa harap ng isang malaking kwarto na puno ng kulay pula.

"Dito tayo mamimili ng gamit mo pang eskwela. Ang tawag sa store na ito ay National Book Store"

"Ano po?"

"Tindahan sya ng mga gamit pang eskwela at kung anu-ano pa na makakatulong sa mga bata o kahit sa matatanda para may matutonan. Kumpleto na dito"

"Ang galing naman nyan Manong Bert! Tindahan sa loob ng malaking palengke!"

"Haha. Sige, pumasok na tayo"

"Sige po" - ^_^

===>> Alex's POV

Nakapasok na ako sa mall.

Makakapalamig na rin ako ng ulo sa wakas.

Cool pa rin akong naglalakad na parang walang nangyari.

"SIIIIIR!!!!!"

Napahinto ako bigla pagkarinig ko ng salitang iyon.

*BUGS!*

Siguradong nagtatakbo ang mokong nato habang sinusundan ako.

Nabunggo lang naman sya sa likod ko paghinto ko ng aking paglalakad.

">_>"

Lumingon ako sa gilid habang nakatalikod pa rin at ang dalawang kamay ko sa loob ng aking bulsa.

"Si-si-sir... Sorry. Hi-hindi ko po si-sinasadya"

Pinunas-punasan nya ang damit ko sa likod ng kanyang panyo. -_-

"Nananadya ka ba?" - cold >_>

"hi-hindi po sir" - :'(

"Pwes, bakit mo mas lalong dinudumihan ang damit ko?" - >_>

"Hi-hindi po, hindi po. Nililinis ko po kasi nabangga ko po kayo ng di sinasadya" - T^T

"Hindi mo ko madudumihan kung hindi mo ko sinusundan" - >_>

Kahit bwiset na bwiset na ako!

Malamig pa rin tingnan ang mukha kong napakagwapo. >_>

"Sir, sorry na po. Patawarin nyo na po ako. Hindi ko po talaga alam na ikaw po yun kanina" - T^T

Oo, sya nga yung dagul kanina.

Yung may sakit ng dwarfism. -_-

"Kung alam ko po na ikaw yun, kahit ako pa po mismo ang magpapark ng sasakyan nyo kanina" - :'(

"Balak mo pa talagang gasgasan ang black ferrari ko?"

"Hindi po. Hindi po. Hindi po sir"

Lumipat sya sa aking harapan.

Para pa rin syang nagdadasal sa harap ng isang santo habang nagmamakaawa sa akin.

Hinubad ko ang blazer ng aking damit at binigay ko kah dagul.

"You don't know how expensive is that"

"Alam ko po, sir" - Niyuko ang ulo

"May sakit ka na ngang dwarfism, may deperesya ka rin pala sa tenga"

Nagtaka si dagul habang tinititigan ang gwapo kong mukha.

"I said, you DON'T know"

At nagsimula ulit akong maglakad, sumunod si dwarf.

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon