MCMMC 20

26 6 0
                                    

===>> Susana's POV

Matapos magsalita ang lalaki, umalis na sya agad.

Hindi ko alam kong galit ba sya o hindi. Wala kasing reaksyon ang kanyang mukha.

Ang alam ko lang ay masama ang kanyang ugali kasi iniwan nyang umiiyak ang matanda at hindi ibinigay sa akin ang hinihingi kong parking area.

Pero, bakit nya ako tinawag na pusang kalye? O_O

"Manong, pasensya na po talaga. Maitanong ko lang po, ganito po ba ang itsura ng pusang kalye dito sa mundo? - itinuro ko ang aking sarili

"Tse! Ewan ko sayo! Hindi ko alam kung saang mental hospital ka galing"

Umalis na agad ang matanda habang umiiyak pa rin at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya.

Rinig na rinig ko pa rin ang tawa ng mga tao sa aking paligid.

Ako naman, naiwan sa gitna habang nakatingin sa kanila at nagtataka kung bakit sila tumatawa.

Tama nga ata kami ni manong Bert. Mga baliw nga ata mga tao dito.

"Susana!"

Narinig ko ang tawag sa akin ni manong Bert at kumaway ako sa kanya.

"Manong Bert!" - ^_^

Nilapitan agad ako ni manong Bert.

"Halika na. Umalis na tayo rito"

Hinawakan ni manong Bert ang magkabila kong balikat at hinay-hinay na tinutulak papaalis sa lugar na kinatatayuan ko.

Nakalabas na kami ni manong Bert sa tindahan.

"Manong Bert, tulongan ko na po kayo dyan sa mga dala nyo" - sabay kuha sa ibang dala ni manong Bert.

"Salamat hija"

"Sayang, hindi ko nakuha yung mga libro kanina"

"Ano ba ang nangyari dun Susana?"

"May tinutulungan lang po akong isang matandang lalaki kanina na inaaway ng isang binatang lalaki"

"Talaga? Ano ba ang ginawa ng binatang lalaki sa matanda?"

"May pinag-aagawan po kasi silang bagay. Ayaw naman po ibigay ng binata at hinayaang umiyak ang matanda"

"Kawawa naman pala ang matanda. Eh, kung ganun ang nangyari, bakit tumatawa ang lahat ng mga tao dun na nakatingin kanina?"

"Ewan ko po. Hinihingi ko lang naman po dun sa binatang lalaki ang parking area. Hindi na nga ibinigay sa akin, pinagtawanan pa nila ako bigla. Ang ibinigay pa ng binatang lalaki dun sa matanda ay yung bagay na totally fired imbes na parking area ang hinihingi. Ayun, iyak pa rin ng iyak ang matanda. Naawa nga ako dun sa matanda eh"

"Anak ng tipaklong!" O___O

"Hindi po manong Bert. Pusang kalye po ang tinawag sa akin ng lalaki kanina bago sya umalis"

"Haaay, naku naman oh"

"May problema po ba kayo manon Bert?"

"Ah, wala, wala. Umuwi na lang tayo agad"

"Sige po" - ^___^

===>> Zach's POV

Tama nga ako na dito ko lang sya makikita sa harden nila.

Nilapitan ko sya agad ng dahan-dahan habang itinago ko naman sa aking likod ang dala-dala kong bouquet of flowers na may maliit na teddy bear sa gitna at nakapalibot na chocolates.

"May I talk to the Princess of this Enchanted Garden?"

Humarap sya sa akin at halatang na surpresa ko sya.

"Zachy!"

"Wow ha! Isang taon lang ako nawala, nawala na ang baby?"

"Baby! You're back!" - sabay yakap sa akin

"Hello my baby Suzzy. I miss you so much" - sabay halik ko sa kanyang labi

"I miss you too baby"

"This is for you"

Ibinigay ko na sa aking prinsesa ang regalo ko para sa kanya.

"Oh my god! It's beautiful...Thank you very much for this baby. Ang sweet mo talaga" - ^-^

"Of course! Baby kita eh" - ^_^

"Kailan ka dumating?"

"Kahapon pa. Actually, sabay kaming umuwi ni mommy"

"Why?!"

"What why?"

"Why you didn't tell me? Sana nasalubong ko man lang kayo ni tita sa airport"

"Kung sinabi ko sayo, wala sanang surprise na nangyari ngayon"

"Ikaw talaga. Nagkita na ba kayo ni daddy?"

"Yup! One of the reasons na nandito ako ngayon ay ang makausap ko ang daddy mo about business. Si Alexander nga dapat ang nakipag-usap sa daddy mo kasi responsibility nya yun. Pero ayun, umalis ng bahay dahil ayaw daw nya"

"Ha? Yun lang? Dahil ayaw lang nya?"

"Yup. That's him now. Hindi na namin sya pinilit pa"

Tumahimik bigla si Suzzy ko. Tinitigan ko sya at nakikita ko sa kanyang mukha na parang may malalim na iniisip.

"Is there anything wrong baby?"

"Ha? Ah, nothing. Nothing baby"

Kinuha ko ang isa nyang kamay at hinalikan.

"I love you so much Suzzete"

"I love you too"

Binigyan nya ako ng isang magandang ngiti at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon