MCMMC 13

48 6 0
                                    

Rosanna: "kumusta na kaya ang anak ko dun? sana, hindi sya mahirapan.. alam ko, kasalanan ko talaga ito kung bakit lumaking ignorante si Susana ko :'( patawarin mo sana ako anak, patawarin mo ako sa ginawa ko at paglayo ko sayo sa iyong ama :'( ginawa ko lang naman ito para ilayo ka sa kapahamakan at hindi ka mawalay sakin :'( sobrang napaka makapangyarihan ng iyong lola kaya pinili kong itago ka dito sa kasulok-sulokan ng kagubatang ito dahil alam ko, kahit san man ako magpunta, matutunton pa rin nya tayo :'( sana, sana maintindihan mo ako anak :'( sana patawarin mo ako balang araw, patawad.." (T_____T)

*****

===>> Susana's POV

"ito ang harden ni madam Estrella, ang ina ni mr. Hernandez"

"WOOOWWWWW!!!!! ANG LAKI-LAKI AT ANG LAWAK-LAWAK PO MANONG BERT..... OoO may kagubatan rin pala dito sa bahay ni mr. Hernandez???"

"hmmmmm, para nga syang gubat sa dami ng mga bulaklak, halaman at pati mga puno. . . pero, hindi gubat ang tawag nito hija, ito ay isang harden. ito ang pinakainiingat-ingatan ni madam Estrella at pinagkakaabalahan nung na bubuhay pa lang sya"

"ang galing naman po nito manong Bert..."

"yan ang rason kung bakit gusto pa ring panatilihin itong ganito ni mr. Hernandez ang harden ng mama nya"

"syempre! nanay kaya nya yun. kaya kung ano ang mahalaga para sa mga minamahal natin, dapat rin natin itong mahalin at alagaan"

"tama ka... kahit sa kabila ng napakaraming nangyari sa kanila, importante at mahal pa rin ni mr. Hernandez ang kanyang ina"

"nangyari? ano pong nangyari??" o.O

"mahabang storya hija... wag mo na lang isipin yun. . ." :)

"sige po....."

tumingin tingin ako sa buong paligid ng harden na parang may hinahanap. . .

"may hinahanap ka ba hija?"

"opo"

"ano yun? baka matulungan kita..."

"wala po bang mga manok at kambing dito???"

"hah????? eh... bat ka naman naghahanap ng mga manok at kambing dito hija???" O_____O

"wala po ba?"

"ah, eh.. wala ... mga halaman lang ang nandito hija. . ."

"ahhhhh... sana, isinama ko na lang din sina Mak-mak at Bing-bing dito"

"sino naman sila?"

"mga kaibigan ko po sila"

"ahh, may mga kaibigan ka na pala?"

"aba! syempre naman po..."

"pero, paano naman kayo naging magkaibigan? sa kwento ng ina mo sa akin, ngayon ka palang nakaalis sa inyo??"

"ahhh... ako po kasi ang nag-alaga sa kanila simulat sapul kaya ganun po sila kahalaga sa akin" ^_^

"alagaan???" o_O

"opo... manok at kambing ko po sila. . ." ^_____^

"ah, eh.. manok at kambing lang pala. . ." ||-_-

"mag-alaga po tayo ng mga manok at kambing dito manong Bert!" ^_____<

"hindi pwede...papagalitan tayo"

"ganun po ba?"

"oo, pasensya ka na hija.."

"ayos lang po yun... baka sa susunod. . ." ^_____^

"manong Bert, tawag po kayo ni mr. Hernandez.." ( katulong )

"ah, ganun ba? sige, papunta na ako.."

"sige po..."

"Susana?"

"Sansan na lang po"

"ahhh...sige. . . ahmmm, Sansan? iwanan muna kita dito hah?? ikaw na ang bahala dito... lapitan mo na lang ako kung may mga tanong ka o kung magpapatulong ka"

"wala pong problema manong Bert"

"sige"

umalis na si manong Bert... naiwan naman ako dito sa malawak na harden na ito. . .

ano kayang una kong gagawin dito???

si ina, kumusta na kaya sya?.. ito ang unang beses na magkalayo kami ni ina at alam ko, magiging matagal pa ito :'(

ina ko, sana, maayos ka ngayon.. pangako, hindi kita bibiguin ina sa gusto mong mangyari sa akin. . . pangako.. . . . :(

*****

"nandito na po ako mr. Hernandez ... ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" -nakayuko habang nagsasalita

"may gusto lang naman akong itanong sayo Albert"

"sige po. ano po ba yun?"

"Albert...anak ba sya ni Rosanna?" -mr. Hernandez

"p-po???" (0_0)

nandilat bigla ang mga mata ni Albert pagkarinig nya sa tanong ng amo nya... (O_____O)

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon