MCMMC 19

30 6 0
                                    

===>> Alex's POV

Habang buntot ng buntot sa akin si dagul,

May dumating naman na tagapagligtas ng kalawakan.

Tsss...

Tinitigan ko ang tagapagligtas mula ulo hanggang paa.

Saang planeta kaya ito galing?

Ang lakas naman ng loob para pagsabihan ako.

Gusto pa atang dumagdag sa Bwiset Bucket of List ko. >_>

"James?"

Tumayo agad si dagul at lumapig sa akin.

"S-sir?"

"What is the name of your superhero?" - malamig kong tanong habang nakatitig pa rin ako sa tagapagligtas ng kalawakan.

"P-po?"

"Who is she?"

Itinuro ko diretso sa pagmumukha ng tagapagligtas ang daliri ko sa kanyang nakakatawa at weirdong pagmumukha.

"H-hindi ko po sya kilala, sir"

Inalis ng tagapagligtas ang kamay ko na nakaturo sa kanyang weird face.

Tulong!

Ang lakas ng kapangyarihan nya!

Kailangan ko ng Super Rubbing Alcohol! O.O

"Hindi po nya ako kilala. Naawa lang po ako sa matanda na binabastos mo"

Galing...

Hindi sya galit magsalita pero pinagsasabihan nya ang isang Torres. -_-

Kalma pa rin ako kahit nagngingitngit na sa galit ang aking kaluluwa.

Hinubad ko ang mamahalin kong shades at pinunas-punasan.

"Tumigil ka na nga dyan babae ka! Sino ka ba? Mas pinapahamak mo ko sa ginagawa mo eh!" - sabi ni dagul sa kanyang hero

Tsk-tsk-tsk

Bad dwarfy...

"Wag po kayong mag-alala manong. Kahit po ganyan ang trato nya sayo, may mga tao pa rin pong marunong gumalang sayo at isa na po ako dun"

Saang planeta ba talaga galing ang babaeng ito ha?!

Naiinis na talaga ako hah!

Gusto ko na sya itapon sa kalawakan! >_<

"James?"

"Y-yes sir?"

"If I am not mistaken, you are the manager of this store, right?"

"Y-yes sir"

Tumingin-tingin ako sa paligid.

Hmmmmm.....

"You!"

Tinuro ko ang isang babae na nasa isang counter ng store.

"A-ako po sir?"

"Who do you think?"

"O-opo"

Pinalapit ko sya at pinatabi kay dagul.

"How many years are you here already?"

"3 years na po sir"

"You James?"

"22 years na po sir" - :(

Hinarap ko si counter girl.

"This dwarf man beside you is already fired earlier"

"P-po? H-hindi na magtatrabaho dito as a manager si sir James?

"Uulitin ko talaga para sayo?"

"H-hindi po sir" - yumuko si counter girl in red

"Sir, maawa na po kayo sa akin. Patawarin nyo na po ako. Please sir, please" T^T

"Manong? Hindi ko po talaga maintindihan ang mga sinasabi nya pero alam ko pong sinasaktan ka nya"

Biglang lumapit si tagapagligtas sa akin.

"Ano ba talaga ang problema mo? Paano mo nagagawang saktan, paiyakin at bastusin ang isang matandang katulad nya? Hindi ka na naawa. Mabuti pa yung dalawang bata kanina na nag-aaway, ang daling makaintindi kung ano dapat at hindi dapat."

Pigilan nyo ko!

Babalik talaga ito sa kalawakan pag naubos na ang patience ko. >_<

"Wala ka bang mga magulang? Isipin mo na lang kung sila ang ginawan ng ganyang pag-aasta mo ngayon sa matanda"

"Don't ever talk about my parents. You don't know them" - pabulong kong sabi -_-

"Akin na ang parking area. Ibigay mo sa akin para ibigay ko kay manong" >_<

Iniabot nya ang kamay sa akin na nakabukas ang palad.

Nababaliw na ba ang babaeng ito? O_O

Anong akala nya sa parking area? Laruan? O_O

Umingay ang buong paligid.

Gusto ko tumawa pero ayaw ko kasi hindi cheap na tao.

"Alam mo babae? Para ka ring pusa ng mommy ko. Malambing daw pero nangangalmot pala. Isa ka lang pusang kalye na dapat itapon planetang iyong pinanggalingan" - malamig kong sabi sa kanya >_>

Tumalikod na ako sa kanila.

Bago ako tuluyang umalis. . .

"James, sayo na ang marumi kong blazer. You counter girl in red, you're now the new manager of this store. James, you are totally fired"

At nagpatuloy na akong maglakad papalayo sa polusyon.

Pusang kalye talaga!

Lumipad ka na pabalik ng iyong planeta!

BWISET!!! >~<

Ms. Country Meets Mr. CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon