Kabanata 56

2.3K 34 2
                                    

"Stop, ano ka ba!" I hissed. Paano ba naman kasi ang likot ng lalaking 'to. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang lalaking to' sa mundo.

"Para kiss lang" Sambit niya naman.

Napahinga naman ako ng malalim. "I'm at work, Kaya wag ka na makulit at lumayo ka saakin bago pa kita masapak" Sambit ko sakanya.

Napasimangot naman ito. "Date tayo mamaya?" Nakangising tanong niya.

Nginitian ko naman ito. "Kung hindi ka makulit, makikipag date ako sayo" Sambit ko sakanya.

Napasimangot naman ito. "Why do I have to do that, I'm your boyfriend already" Nakangusong pahayag niya saakin.

Napatawa naman ako. "You asked for a date, you have to earn it" Sambit ko sakanya.

"Pambihira, halos ilang taon na kitang sinusuyo, tapos kailangan pa ng ganyan" Bulong niya.

Napataas naman ako ng kilay. "May sinasabi ka ba?" Masungit na pahayag ko.

Napakamot naman ito sa noo. "Wala, ang ganda mo" Nakangiting pahayag niya saakin.

Tumawa naman ito at hinalikan ako. "I have an important business to deal with today, I'll pick you up later, be prepared this date will be important for the both of us" Nakangiting sambit niya.

Tumango naman ako at hinalikan siya pabalik. "Be careful, always look where you're going" Paalala ko sakanya.

Tumango na ito at umalis.

Maaga natapos ang rounds ko dahil halos lahat ng pasyente ko ay mag didischarge na. I got my keys and went to another hospital. I miss her.

Pagkababa ko ng kotse ay dumeretso na agad ako sa kwarto niya. I can see her already. Sa pintuan palang. Pumasok na ako. Agad naman niya akong nakita at nakangiti ito.

"Momma!" Magalak na sambit niya at niyakap ako.

"How are you?" Nakangiting pahayag ko.

"Okay na ako momma, sabi ng doctor gumagaling na daw ako momma, at lalabas na ako ngayong taon" Nakangiting pahayag niya.

Napaiyak naman ako sa nadinig. "I'm so proud of you, sweetheart" Sambit ko.

"Momma, saan po si dada?" Tanong niya saakin.

"Busy si dada 'e, ako muna dumalaw, na miss ka ni momma" Sambit ko sakanya.

"Momma, wag mo na po kami iwan ulit momma, grabe po yung iyak ni dada noong iwan mo siya momma, ayaw ko na po na maghiwalay kayo momma" Sambit niya.

Nabigla ako ngunit tumango nalamang. Four years. I haven't seen her. My heart is overwhelmed because of what I'm feeling right now.

"Momma will not leave you anymore, sweetheart. Momma will stay by your side" Nakangiting pahayag ko sakanya.

"Momma, pag nakauwi na ako momma, sa bahay tayo agad, aalagaan niyo ako ni dada." Nakangiting pahayag niya saakin.

Niyakap ko itong muli. "Oo naman. Aalagaan ka namin ni dada" Sambit ko at hinawa ang buhok niya.

Kahit hindi ko siya anak. Kinilala niya ako bilang nanay niya. Hinding hindi ko siya pwedeng sisihin sa pagkakamali ni taylor noon. She is a blessing, Not a mistake.

Nakatulog na ng mahimbing si mica. Hinahawi ko naman ang buhok niya ng biglang bumukas ang pinutan, napatingin naman ako, si kath nandito siya.

Nginitian niya naman ako. "Nandito ka pala" Nakangiting pahayag niya.

Tumayo naman ako. "Alam mo. Matagal ka na niyang na mimiss, mahal na mahal ka ng batang yan" Naiiyak na pahayag niya saakin.

"Ni minsan, hindi ako tinuring ni taylor na nanay ng anak niya. He always sees you, kahit malayo ka, pakiramdam ko ang lapit mo dahil kay taylor. Palagi ka niyang binabanggit sa anak ko. Na kahit ang anak ko hindi na ako makita bilang nanay." Tuluyan niyang sabi at napaiyak.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Kahit anong manyari, hindi ko pwedeng palitan ang posisyon mo. Ikaw ang nagluwal. At kililalanin kita bilang nanay ni mica kahit anong manyare" Nakangiting pahayag ko sakanya.

Tumingin naman ito saakin. "I always wondered why taylor chose you, and I got my answer right here, you have a golden heart. Patawarin mo ako sa naging kasalanan ko sayo, pinagsisihan ko na lahat. Ayusin niyo sainyo ni taylor. Hinding hindi na ako manggugulo. Tanggap ko na. Pero ang anak ko, alagaan niyo, wag niyo sana akong tanggalan ng karapat na bisitahin siya paminsan-minsan" Sambit niya saakin at niyakap ako.

Niyakap ko naman ito pabalik. "You're a great mother, kahit kelan hinding hindi ko yan makakalimutan. May karapatan ka parin sa anak mo" Nakangiti kong pahayag.

"Alam ko na sainyo siya sasaya. Mica will be happy because she will receive the outmost from you and taylor. Wala na akong hihilingin pang iba, magaling na ang anak ko. Iilang chemo nalang at pwede na siyang makalabas, yan ang pinagdarasal ko sa panginoon noon, na gumaling lang ang anak ko. Ipapaubaya ko na siya sainyo." Naiiyak na pahayag niya.

"Tahan na, hinding hindi ka mawawala sa anak mo." Sambit ko sakanya at niyakap siya.

Tumawa naman ito. "Sana nga" Sambit niya.

Napatawa naman ako. Tumingin naman siya sa kanyang relo. "Anong oras na, umuwi ka na, ako na bahala kay mica. Dalawin mo siya sa susunod. Sasabihan ko" Nakangiting sambit niya.

Tumango naman ako. Bago ako umalis ay hinalikan ko ang noo ni mica.

Nagdrive na din ako pauwi. May date nga pala kami ng lalaking 'yon ngayon. Di ko nga alam kung bakit pinagmamadali akong pauwiin ni kath.

Pag-uwi ko sa condo ko ay may dress nang nakapatong sa kama. May kasama naman itong sulat.

Wear this for me, baby. It looks good on you, I promise. I love you!

Napangiti naman ako. "Ang effort naman ng lalaking 'to." Natatawang sambit ko.

Naligo at nag-ayos nalamang ako. Natagalan ako sa pag-aayos dahil kailangan kong magpaganda ng husto ngayon. Sabi niya kasi importante. Baka kakain kami sa napaka mamahaling restaurant. Nakakahiya naman kung hindi ako mag aayos ng maigi.

Tinitigan ko naman ang sarili ko sa salamin. "I look good" Nakangiting sambit ko sa aking sarili.

Sinout ko nalang rin ang heels ko para mamaya kapag sinundo ako ni taylor ay aalis nalamang kami at hindi niya na ako kailangang hintayin pa.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Napangiti naman ako ng nagustuhan ko ang porma ko ngayon.

Tumunog ang aking cellphone. Unregistered number ang lumabas. Sinagot ko nalamang at baka importante.

"Yes?" Tanong ko.

"Taylor had a car accident, kanina lang, sinugod siya ngayon sa hospital, critical ang kalagayan niya, please pumunta ka kaagad" Nagmamadaling pahayag ni kath saakin.

Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan.

When Mr. Business Man fell Inlove (Montefrio #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon