Kabanata 1

13.1K 228 4
                                    

Trixie's P.O.V

Nang nakalabas ako sa aking opisina marami ang bumabati saakin dito habang naglalakad ako tanging pag ngiti at tango lamang ang tinutugon ko sa mga bumabati saakin

Tinahak ko na ang kwarto nang anak ni nanay dahil bibisitahin ko ito kung mabuti na ba ang lagay nang kanyang anak

Kumatok muna ako nang dalawang beses bago buksan ang pinto naabutan ko si nanay na nagbabalat nang mansanas para sa kanyang anak na lalaki, napatigin naman kaagad saakin si nanay at ngumiti

"Magandang hapon iha, gusto mo ba nitong mansanas? Ipagbabalat kita" alok niya saakin

Agaran naman akong umiling at ngumiti

"Nako, inay wag na ho nag abala pa kayo, bumisita lang ako dito upang malaman kung okay na ba ang kalagayan nang iyong anak" magalang na sabi ko

Ngumiti naman saakin si inay at pinagpatuloy nalamang ang pagbabalat nang mansanas para sa kanyang anak


Binalingan ko nalang nang pansin ang kanyang anak na natutulog pa sa kama nang Ospital nilapitan ko naman ito kinapa ko ang kanyang noo kung mataas pa ang lagnat nito at mabuti naman at hindi na siya gaanong mainit gaya kanina

Lumapit ako sakanya at inayos ang kanyang dextrose dahil nag ka buhol buhol ito nang konti

Na gising naman ito nang konti dahil sa ginawa ko

Tansiya ko limang taong gulang pa lamang ito umupo ako sa upuan na malapit sa kanyang kama at hinaplos ang kanyang buhok

"S-sino po kayo?" tanong niya saakin

Ngumiti ako sakanya at hinahaplos parin ang kanyang buhok

"Ako si Dr. Trixie Rose Reign ako ang iyong doctora habang nandito ka pa sa ospital" nakangiting sabi niya saakin

"S-salamat po ate trixie" pasasalamat niya saakin

Tumayo na ako

"Walang anuman iyon Ben magpagaling ka dadalawin kita araw-araw para malaman ko ang iyong kalagayan" nakangiti kung sabi sakanya

Ngumiti naman siya saakin pabalik,nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata sa aking sinabi

"Talaga po? Lalaro po ba tayo?" masayang tanong niya saakin

"Oo naman maglalaro tayo araw-araw gusto mo ba iyon?" tanong ko sakanya

Agad naman itong tumango habang nakangiti parin

"Opo gusto ko po maglaro kaso po wala po akong mga laruan" malungkot na sabi niya saakin

Nginitian ko naman ito

"Bibili si doctora nang mga laruan para hindi ka malungkot okay? Basta pangako mo kay doctora magpapagaling ka?" sabi ko sakanya

"Talaga po ate?" masayang sabi niya ssakin

Nginitian ko naman ito

"Oo naman ano pa ang gusto mong laruan? Para mabili na ni ate Trixie at para maka laro na tayo kaagad" masayang sabi ko sakanya

"Gusto ko po nang batman ate Trixie,pati na rin si superman" natutuwang sabi niya saakin

"Iyon ba ang iyong gusto? Sige bibili si doctora nang Batman at superman para sayo pero sa ngayon matulog ka muna okay? Kailangan mong magpahinga" sabi ko sakanya

Ngumiti naman siya saakin at tumango

"Salamat po talaga ate trixie" sabi niya saakin nang nakangiti

When Mr. Business Man fell Inlove (Montefrio #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon