Kabanata 57

2.5K 37 0
                                    

Nanigas lamang ako. Nadidinig ko ang tibok ng puso ko. What's wrong, okay naman kanina. Bakit nagkaganito lahat.

"Lord please, no" Bulong ko habang tumatakbo papunta sa kotse ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala na akong pakealam sa itsura ko. Basta makapunta ako agad sa hospital.

Iyak lamang ang ginawa ko habang patungo sa Ospital. Nagdarasal din ako na sana hindi totoo ang iniisip ko.

Nang makarating ako sa Ospital. Kahit tabingi ang pag park ko ng sasakyan hindi ko na ito pinansin. Lahat naman ng tao ay tumingin sa gawi ko. Dahil sa ayos at suot ko. Pero wala na akong pakealam.

Nang makarating ako sa ER. Nakita ko si kath na umiiyak. Agad ko itong pinuntahan.

"Anong nangyare?!" Natatarantang pahayag ko.

"Nabunggo siya trix, nabagok ang ulo, andon siya ngayon sa loob ng ER, the doctors are trying to revive him" Naiiyak na pahayag niya.

Nanlumo naman ako sa nadinig ko. Agad akong pumunta sa ER. Bubuksan ko na sana ngunit hinarangan ako ng kapwa doctor at ibang nurses. Nandoon din si Karl.

"Let me go! Ano ba! Doctor ako, I will help!" Galit na pahayag ko.

"Hindi Doctora, hindi mo kaya, let the doctors to their job" Sambit saakin ni karl.

"I'm a doctor! Let me do my job, please" Naiiyak na pahayag ko.

"You cannot perform under pressure, Doc. Let the rest of us handle this. We will take care of him." Saad ng isang doctor at pumasok sa ER.

Napaluhod nalamang ako at umiyak. "I should be there, I want to be there" Bulong ko habang umiiyak.

Agad naman akong niyakap ni Karl. "He will be fine doctora, kakayanin niya yan, bumangon ka na 'riyan" Sambit niya at tinulungan akong tumayo.

Napatingin naman ako sa pintuan, dahil may maliit itong salamin na makikita mo kung ano ang nangyayare sa loob. Lahat ng mga nurse, they are trying to revive him. Nakatingin lamang ako sa monitor.

"God, please no" Sambit ko habang tintingnan kung may pulso pa ito.

For how many minutes. The doctors checked their wrist watch, agad silang napayuko. Tumingin naman ako sa monitor.

A straight line.

"No!!" Sigaw ko.

Agad naman akong niyakap ni kath at ni karl. Ngunit hindi maibsan ngayon ang nararamdaman ko. Please sana panaginip nalang 'to. How can this day go wrong?

"Papasukin niyo ako please" Sambit ko habang kinakalampag ang pintuan.

Hindi nagtagal ay lumabas ang iilang mga doctor. Nakayuko ito. "Sorry, that is the least we could do, hindi na kinaya ng katawan niya" Sambit ng isang doctor.

"Sinama niyo sana ako, I could help" Naiiyak na pahayag ko.

Umiling ito. "No. We cannot consider that. I'm sorry for your lost" Sambit niya.

Lalo lamang akong nasaktan sa kanyang sinabi. "Can I see him?" Bulong ko.

Tumango naman ito. "Yes you can, once again. Sorry" Sambit niya at umalis na.

Nang nakapasok ako sa loob. Nakahiga na ito at may kumot na ang buo niyang katawan. Agad ko naman itong niyakap.

"Bakit humantong sa ganito" Bulong ko sa aking sarili.

"Bakit? Biglaan naman 'to taylor. Bumangon ka na. Makikipag date ka pa saakin diba? Nakabihis na ako" Sambit ko sakanya.

"Tumayo ka na 'diyan. Mag dadate pa tayo diba?" Sambit ko at niyakap siya.

Napakunot ang aking noo ng may basa sa kumot. Hindi ko naman alam kung nasaan ito nanggaling. Agad kong hinila ang kamay niya at pinagmasdan ito. Pinagpapawisan ang kanyang kamay.

Kinuha ko ng buo ang kanyang kumot. Nakita ko ito na nakapikit ang mata ngunit nanginginig ang kanyang pilik-mata.

Agad ko naman itong binatukan. "Aray!" Nakangusong pahayag niya.

"Gago ka!" Malakas na sambit ko at pinalo siya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo ha?! Halos mahimatay na ako, tapos buhay ka pa pala! Gago." Naiinis na pahayag ko at sinakal siya.

"I can't breath" Reklamo niya habang sinasakal ko ito.

"Ako na ang papatay sayo gago ka, hindi magandang biro ito! Ano ba pumasok sa utak mo at naisip mo 'to!" Bulyaw ko sakanya.

"Hey, Don't cry" Sambit niya at pinunasan ang luha na dumadaloy sa mukha ko.

Agad ko naman itong niyakap. "Please, Don't do this again. I'm too weak for this" Sambit ko habang umiiyak.

Death must be taken seriously. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung hindi ko kasama ang lalaking 'to.

Pinahiran niya naman ang mga luha ko. "I'm sorry, its just that meron lang akong gustong sabihin" Sambit niya.

"Tapos idadaan mo dito?!" Galit napahayag ko.

Natawa naman ito. "I want it to be exciting." Sambit niya.

Binatukan ko naman ito. "Pag ito ginawa mo pa. Makikipaghiwalay ako sayo ulit" Sambit ko.

"Wag naman, hindi ko na 'to uulitin" Nakangusong pahayag niya.

Tumawa naman ako at niyakap siya. Niyakap niya naman ako pabalik.

"I'm so lucky of having you as my girl, no once could ever replace you. My love for you is undying. You could never get rid of me." Sambit niya.

"I love you too" Sambit ko at hinalikan ito.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo 'to. This is the right moment. The right time. I cannot last a day anymore without me asking you" He said.

Kinalas niya naman ang pagkayakap saakin. Lumuhod ito. Napaiyak naman ako sa tuwa.

"Our love story is just starting, I promised to myself that I will surrender everything jus to have you forever. You're the only woman that I want to build a family with, ikaw lang. Ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko. Ikaw ang gusto ko makasama habang buhay" Naiiyak na pahayag niya.

Naiyak naman ako sa kanyang sinasabi. "I'm asking you this because I love you so much, Trixie, will you marry me and make me as your husband?" Tanong niya habang umiiyak.

Tuluyan nalamang akong umiyak. Napatingin naman ako sa aking likuran. Nabigla naman ako ng makita ko ang kapwa mga doctor at mga nurse na nakatayo sa likuran. Pati na rin ang tatay ko. Nakatingin ito saakin. Tinaguan ko nalamang ito. I know we are not okay. But I'm happy to see him in my happiest day.

Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakaluhod ngayon sa aking harapan. "Yes. The answer is yes taylor, I will marry you" Nakangiting sambit ko.

"Yes!" Sigaw niya at isinuot saakin ang singsing.

Napatawa naman ako ng buhatin niya ako at inikot. "Fuck! I'm so happy, we are getting married!" He happily said.

Tumingin naman ako sakanya. "Me too" Sambit ko at hinalikan siya sa labi.

When Mr. Business Man fell Inlove (Montefrio #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon