Kabanata 2

10.7K 241 12
                                    

Trixie's P.O.V

Nang lumabas na ako sa aking opisina ay deretso lamang ang lakad ko kung may bumabati man saakin ay tinatanguan ko lamang ito at nginingitian

Nang makarating sa parking lot ay nagtungo na ako sa aking sasakyan ford ranger lamang ito dahil ito lamang ang gusto kung sasakyan simple lang dahil ako lamang ang magisa sa buhay

Nagtungo na kaagad ako sa SM mall para mabilhan nang mga laruan si Ben upang makapaglaro kami bukas

Iniwan ko naman ang pang doctor na coat sa Aking sasakyan at bumaba na deretso lamang akong maglakad nagtungo na rin ako sa toy kingdom upang mabili na ang gustong laruan ni Ben

Naglibot libot muna ako upang mahanap ang laruang gusto ni Ben may nahagilap naman akong malaking kahon nakatalikod ito kaya pinaharap ko ito saakin

Napangiti naman ako sa wakas nakita ko rin, naglalaman lamang ito nang mga ibat-ibang mga super heroes na gustong gusto nang mga bata ngayon

Naroon si batman superman wonderwoman at flash at marami pang iba tiyak na matutuwa nito si Ben kapag naibigay ko sakanya ito bukas

Nagtungo na ako sa cashier upang bayaran ito dahil nagmamadali na akong umuwi













•••••••

NGITI at tango lamang ang sinusukli ko sa mga nurse at co doctors ko na bumabati saakin ngayong umaga, ang iba ay nagtataka marahil may bitbit akong malaking kahon ngunit isinawalang Bahala ko nalang ito

Pagpasok ko saaking opisina ay nakita ko na agad si Karl na may hinahanap sa kanyang lamesa

"Ano ang hinahanap mo Karl?"

"Ay palaka ka!"

"Palaka ka diyan, ang ganda ko para maging palaka Karl no" sagot ko sakanya

"Kaloka ka doctora! Nagulat ako dun ah, wala doctora hinahanap ko lang ang aking makeup kit" kinikilig na sabi niya saakin

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi, makeup kit? Para saan?

"Anong mayroon? Bakit kailangan mo nang makeup kit?" tanong ko sakanya

"Nakalimutan mo na kaagad doctora? Ang sinabi ko sayo kahapon?"

"Huh?" naguguluhang sabi ko sakanya

"Really doctora? You really forgot it?"

"Yeah? I think? I can't remember anything so can you please tell me what's going on?"

"Ay naloka ka talaga doctora! Pupunta dito ngayon yung may ari nang Ospital" kinikilig na sabi niya saakin

"Oh? Okay? Yan lang naman pala akala ko kung mayroong party na magaganap dahil maghahanap ka talaga nang makeup kit" natatawang sabi ko sakanya

Umupo na ako sa aking swivel chair at tiningnan ang aking mga pasyente ngayong araw at hindi naman masyadong marami ang bagong mga pasyente ang marami lang ay yung mga dati kung pasyente na kailangan ko paring I-monitor kung kamusta na ang kanilang kalagayan at siguraduhing gagaling sila sa madaling panahon

Inilapag ko nalang muna ang malaking kahon sa tabi nang aking lamesa, ibibigay ko nalang ito mamaya Kay Ben dahil marami pa akong inaasikaso ngayong araw


••••••

He was just sitting in his swivel chair inside his office while busy reading some fucking papers, he is really pissed because he got some fucking hangover this morning and his head really hurts like hell

When Mr. Business Man fell Inlove (Montefrio #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon