Sunako's POV
Tumaas yung kilay ni "Blair" at nung iba pa niyang mga kasama. Hindi ko maimagine kung anong dahilan at may mga taong ganto, kababaeng tao nang-bubully!
"Oh Blair, look at you, hindi marunong lumugar sa dapat niyang kalugaran. How poor you are" sabi nung babae. Gusto ko na sanang itanong sa kanya kung anong pangalan niya at kung bakit niya ko pinapagtanggol pero napag isip-isip ko na hindi ngayon ang tamang oras
"At talagang ako pa ang hindi marunong lumugar. Hahaha! *she faked a smile* baka yang ugly girl ang hindi marunong lumugar! *sabay turo niya sakin*"
"Bakit? sa'yo ba 'tong buong school para angkinin mo at ng mga kapwa mong b**ch 'tong daan, este HALLWAY" sagot ng babae habang kitang-kita na sa mukha ni Blair ang inis. Lumapit yung isang kaibigan ni "Blair" sa babae at................................bigla niya siyang sinabunutan! ganun narin yung ginawa ng iba habang si Blair ay nakatingin lang sakin ng maloko. Napatigil ang lahat nung......
Third Person's POV
Hanggang ngayon iniisip parin ni Kyohei si Noi, pero kahit ganon, hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng nagngangalang Sunako. Iniisip niya kung bakit lagi siyang nakayuko. Kung ano ba talaga ang itsura niya. Dahil kay Sunako hindi na niya gaanong naiisip si Noi,pero kahit na lagi niya nang iniisip si Sunako, di parin siya tumitigil sa paghihinala kay Takenaga, na baka siya ang dahilan ng lahat.
Napadaan siya sa Discipline Office. Tinitigan niya ang pinto nito. Parang may nag-uudyok sa kanya na pumasok don. Don kasi nagtatrabaho ang tita niya, parang gusto niya siyang kausapin at itanong kung may record ba siya kay Sunako
Napailing siya, napatawa ng bahagya at bumulong sa sarili, "Si Sunako na naman. Bakit ba ayaw niyang mawala sa isip ko? Simula kanina siya nalang ang naiisip ko, mas iniisip ko pa ata siya kaysa sa pagbasted sakin ni Noi" napatawa ulit siya ng bahagya. Tinitigan niya ulit ang office ng tita niya saka siya nagdesisyong kumatok at pumasok.
Nakita niya ang English teacher niya sa loob.
"Ma'am, si tita andito po ba?" tanong niya sa teacher, hindi kasi niya makita dun ang tita niya kaya nagbabakasakali siyang baka nag cr lang dahil nga may sariling cr ang DC sa loob.
"O Kyohei ikaw pala, wala dito ang tita mo, may dinaanan lang siya pero i'm sure na pabalik na yon. Ano bang kailangan mo sa kanya?" sabi ng teacher niya
"Ah ganun po ba, may itatanong lang sana ako sakanya" sabi ni Kyohei.
"Sige, kung gusto mo maghintay ka muna diyan at ako'y aalis na" sabi ng teacher niya at tuluyan nang umalis. Airconditioned ang office kaya kailangan laging nakasara ang pinto, kaya dati may mga studyanteng nagpapa-dc para lang malamigan pero di nila alam na grabe magalit ang Discipline Coordinator na nagkataon ay ang tita ni Kyohei.
Ginalaw-galaw ni kyohei ang mga daliri niya na parang nag ddrums habang naghihintay. Matapos ang tatlong minuto, bumukas ang pinto, napatayo siya at nagulat sa nakita niya.
" N-Noi?" nakita niyang pumasok si Noi, nagtama ang mga mata nila pero agad na umiwas si Noi. May ilang babaeng pumasok kasama na ang tita niya, pero nagulat siya nung pumasok si....... Sunako. Napatingin siya kay Sunako at ganun din si Sunako, pero nakayuko parin siya kaya hindi nagtama ang mga mata nila. Hindi makapagsalita si Kyohei, nagtataka siya sa mga nangyayari.
Napansin ng tita niya si Kyohei at chineeks to cheeks niya si Kyohei.
"Kyohei, napadalaw ka, anong nakain mo at dinalaw mo ko?" speechless parin si Kyohei.
" I'm sorry kung kailangan mong makita na pinagsasabihan ko ang mga babaeng ito. But anyways maupo ka muna" umupo si Kyohei, pinaupo rin ng tita niya ang mga dalaga tsaka siya umupo sa table niya.
"T-tita" napatingin sa kanya ang tita niya ganon na rin sila Blair at ang maga kaibigan niya pero si Noi ay nakaiwas parin ng tingin at si Sunako ang nakayuko parin.
"B-bakit s-sila nandito?"
Sunako's POV
Nakayuko parin ako habang nakaupo dito sa DC. Hindi ko alam kung bakit nandito si Kyohei at kung bakit parang nag-aalala siya at nagtataka. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong pangalan ng babaeng nagligtas sakin. Ang panget ko kasi, pero kahit ba nakayuko ako, alam parin nila na panget ako?
"B-bakit s-sila nandito?" inangat ko ng konti ang ulo ko para makita kung ano ang nangyayari, mahaba ang bangs ko kaya kahit na hindi ako yumuko ng husto, hindi parin nila makikita ang mukha ko.
" Kyohei, wag mong sabihing nag-aalala ka kay Noi" sabi ni Ma'am DC, tsaka napaiwas ng tingin si Kyohei. Teka ano daw? Noi? Hindi kaya yun ang pangalan ng babaeng nagligtas sakin?
Tumingin sakin si Kyohei tsaka nagsalita.
"H-hindi po" matipid niyang sagot. Tinignan ako ni Ma'am DC at muling nagtanong kay Kyohei.
"Well then, why are you asking?" napatingin si "Noi" kay Kyohei, sa totoo lang lahat sila nakatingin sa kanya pero ako, yumuko nalang.
"C-concerned l-lang ako" sabi ni Kyohei pero mukhang hindi pa kuntento si Ma'am sa sagot niya kaya tinanong niya muli.
"Concerned? Kanino?" yumuko na ko ng husto at napaisip, "hindi kaya may gusto si Kyohei kay Noi?". Hindi agad na sumagot si Kyohei, napuno ng katahimikan ang lugar hanggang sa.....
"K-kay S-Sunako"
------------- To be continued -------------
BINABASA MO ANG
Her name is sunako(On-going)
FanfictionWeird "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako ganun Panget "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako natigil sa pag-aayos My name is Sunako . . . Alam mo ba yun?