Chapter 9

50 4 0
                                    



Tamao's POV


"Tamao Kikuno, 17" matipid kong pagpapakilala. Nag bow ako pagkatapos kong magpakilala at pag-angat na pag-angat ko ng ulo ko, nakita kong nakatingin sakin straight to the eye ang lalaking na ka kibit-balikat na una kong napansin kanina. Napaiwas ako ng tingin.Bakit ganun?bakit ganun yung tingin niya sakin? parang may halo ng pagkagulat at pag-asa! di ko maipaliwanag!


Kasalukuyan akong pinapakilala ng prof. namin ngayon dahil siguro hindi siya nakuntento sa sagot ko. All eyes are on me pero.... parang mas nangingibabaw yung tingin niya.


"Ms. Kikuno"


Napaiwas siya ng tingin saka yumuko ng konti na parang may iniisip.


"Uhm, Ms. Kikuno"


Nakatitig parin ako sa kanya pero....


"MS. TAMAO KIKUNO!"


Nagulat ako sa pagsigaw ng prof ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya sa sobrang kaba.


"P-po?"


Ang this time, mas lalo akong natakot! nakangiti kasi si Ma'am sakin, yung pilit!


"Find a seat then.... SIT"

Ngayon naman nanlalaki ang mga mata niya 0_0. Iniscan ko ang classroom para makahanap ng mauupuan. Yung iba, pinipilit yung mga katabi nila na umalis para "daw" makaupo ako sa tabi nila. Pagkatapos ng 1 minute na pag-iiscan ko ay nakahanap na ko ng bakanteng upuan. Iang bakanteng upuan lang ang nakita ko, at yun ay sa tabi ng lalaking nakatitigan ko kanina.


Lumakad ako papunta sa bakanteng upuan at umupo. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa tabi ko. Yumuko ako ng konti at dun ko na narinig ang malalakas na bulung-bulungan nila.


"Hala! ba't siya umupo dun?" -girl 1


"Feeling ko type yan ni Ranmaru kaya niya pinaupo" -boy 1


"I'll mae sure na walang matitira kahit isang strand ng blond hair niya pag inagaw niya sakin ang prince ko!" -girl 2


"Subukan lang niyang agawin sakin yang new student, uupakan ko talaga yan" -boy 2


Yumuko pa 'ko ng onti. May nabuo namang conclusion sa utak ko na baka nga runmaru ang pangalan niya.


Hindi ko ineexpect na ganto pala sila mag welcome ng isang new student. Naalala ko na naman yung pagtatalo namin ng parents ko, tapos yung dahilan kung bakit ako nandito. May luhang pumatak sa magkabila kong mata, pupunasan ko na sana yun kaso nakita ko ang isang panyo na hawak ng lalaking katabi ko. Nanginginig kong kinuha yung panyo sa mga kamay niya ng dahan dahan at nag bow ng konti bilang pasasalamat. Inangat ko ang ulo ko saka ko binigay ang panyo niyo pabalik sa kanya pero....

Her name is sunako(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon