Kyohei's POV
"Kyohei! namumugto ata yang mata mo ha! umiyak ka ba?" tanong ni ranmaru
Inignore ko lang siya, at humarap ako sa salamin, namumugto nga. Eh kasalanan ko bang nabusted ako ng kauna-unahang babaeng sineryoso at minahal ko ng sobra-sobra? kasalanan ko bang maiyak sa sobrang sakit? hindi naman diba? tsaka hindi naman ibig sabihin ng pag-iyak ay ang pagpapakita ng kahinaan eh!
Minsan lang talaga, pag sobrang sakit wala na tayong nagagawa kundi umiyak at pagkatapos mong umiyak, tsaka mo lang marerealize na matatag ka nga.
"Kyohei, umamin ka na kasi! ano bang nangyari sayo kahapon?" tanong ni yuki
Nakakarindi na!
"Binusted ako ni Noi"
Bigla akong nag walk-out papuntang sala, in-on ko yung tv at nanuod
"Will you be my girlfriend?" tanong nung lalaki sa pinapanuod ko
"I'm s-sorry" biglang tumakbo yung babae palayo
Nilipat ko yung tv sa ibang channel.
"Sabihin mo nga sakin, anong ba yung dahilan?" sabi nung lalaki sa bago kong pinapanuod
"May gusto ako sa kanya.................sa kaibigan mo"
And then pinatay ko na yung tv. Bakit ba kasi nauso yung mga WHO GOAT na palabas na yun eh!
"May gusto ako sa kanya.................sa kaibigan mo"
Uhhhhh!! ba't ayaw matanggal sa isip ko yung line nung babae! ang ibig sabihin ba nun ay binusted niya yung guy dahil lang nagkagusto siya sa kaibigan nito? Wait, what????? hindi kaya....................................
"Ay pesteng palabas yan oh!" lumakad nalang ako papunta sa kwarto, tutal sabado naman eh. Nung malapit na ko dun, biglang humarang si ranmaru at yuki.
"Ano kyohei? magkukulong ka na naman ba sa kwarto mo?" tanong ni ranmaru
" Bakit ba?" iritadong tanong ko
"Magkwento ka, tungkol sa nangyari kahapon" sabi ni yuki.
"Pwede ba, tigilan niyo nga ako" sabi ko
"Sige ganto nalang, bibilhan ka namin ng dalawang noodles." biglang nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni ranmaru, I really love eating!!!! "Pero kapalit nun, ay hindi ka na tatagal at magkukulong dito sa kwarto mo at ikwekwento mo samin lahat ng mga nangyari, at makakakuha kami ng tig-isang wish sayo" dagdag niya.
"Teka, parang lugi ata ako ah!"
"Edi gawin nating tatlong noodles" sabi ni yuki
"Ano ka ba yuki! mamumulubi tayo niyan eh!" pag-angal ni ranmaru
"Eh sinimulan mo eh!" sabi ni yuki
Ayan na naman sila, nagtatalo sa isang napakababang bagay. Ewan ko ba sa dalawang yan, kung bakit hindi sila magkasundo.
"Sige na! ok na sakin yung dalawang noodles" sabi ko, at dahil dun, biglang nanlaki yung mga mata nila, and finally tumigil na sila sa pag aaway. Akala nila payag ako? akala lang nila yun
"Pero may isa akong condition!" napansin kong biglang nawala yung ngiti sa mga labi nila. Bwahhahah!!! "Pwede pa rin akong magkulong sa kwarto ko" dagdag ko
"Sige na! deal?" tanong nila
"Deal" sabi ko
At eto na naman ako, nag nonobena. Buti nalang at may pagkain sa harap, ang sarap talagang kumain!!!!
"Kyohei! Q and A naman" sabi ni ranmaru
"Tama! tutal tapos ka na namang magkwento, question and answer portion naman" sabi ni yuki
Eto ang pinaka-ayaw ko, ang matadatad ng nakakaintrigang tanong ng mga lokong kasama ko, kapag nagtatanong kasi sila, parang lumalabas na sila ang tama, at ako ang mali!
"Ok, si Loverboy ranmaru muna ang mauuna" sabi ni ranmaru "Nung nag walk-out siya, sinundan mo ba siya? pinigilan mo ba siya? " grabe, napaka intimidating ng tanong niya, pero teka, bakit nga ba hindi ko siya napigilan?
"Oy! foodlover! tulala ka na!" nakita kong winiwave ni ranmaru yung kamay niya na nakatapat sa mukha ko
"Uhm kasi..............."
"Aha!! sabi na nga ba eh! hindi mo siya sinundan no? alam mo, expert ako sa mga ganyan, kaya nga ako tinawag na loverboy diba?" sabi ni "loverboy"
"Oo, alam kong loverboy ka, pero hindi ka love guru" pambara ko
"Parehas na rin yun! kyohei, lalaki sa lalaking usapan ah! sinundan mo ba siya o pinigilan man lang nung tumakbo siya palayo?" ayoko na! aamin na ko
"Hindi ko siya sinundan" at biglang naging down yung pakiramdam ko, tama sila, dapat nga sinundan ko siya. Ngayon nagisisisi ako, pero bakit nga ba? bakit nga ba hindi ko siya sinundan?! ang tanga ko talaga!!!!
"Dapat sinundan mo siya! kasi kung sinundan mo siya-" hindi ko na pinatapos si ranmaru kasi alam kong mas makokonsensya lang ako
"Oo, alam ko, nagsisisi na nga ako eh! pwede bang si yuki naman yung magtanong?"
"Sige, ako naman. Sa tingin mo, ano kaya yung dahilan?" nagulat ako sa sinabi niya, tumanggo naman si ranmaru na isang sign ng pag agree niya sa tanong ni yuki, na parang gusto talaga nilang malaman yung dahilan, at least nagkasundo sila.
(sigh)
"Asan si Takenaga?"
"Owwwww!!!! lagi mo nalang pinapalusot yung lalaking yun eh!!!" grabe ah! sabay pa talaga
"Tinatanong ko lang! but promise na pag sinagot niyo yung tanong ko, sasagutin ko rin yung tanong niyo" sabi ko.
"Umalis si Takenaga, may katatagpuin daw siya. Feeling ko nga babae yun eh! baka may nililigawan. O kyohei! back to reality! sagutin mo na yung tanong ni yuki!" sabi ni loverboy, ranmaru
"Ang suspetsa ko kasi.................... na baka si Takenaga ang dahilan ng pagbubusted sakin ni Noi" Nagulat sila sa sinabi ko, eh sinagot ko lang naman yung tanong nila ah!
"Bro, baka magalit si Takenaga sayo!"
"Hindi ba ang nag-iisang rule sa bahay na to ay walang bintanggan? pwera lang kung napatunayan" sabi ni yuki
"Kung napatunayan" sabi ko, lumakad na ko papasok ng kwarto ko, and this time, hindi na nila ako pinigilan. I really have strong feelings na baka tama ang.....................
.......................ang hinala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/27795213-288-k744807.jpg)
BINABASA MO ANG
Her name is sunako(On-going)
FanficWeird "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako ganun Panget "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako natigil sa pag-aayos My name is Sunako . . . Alam mo ba yun?