Chapter 1: Pain <//////3

115 10 0
                                    

MY POV

Ang lungkot

At ang ng dilim

Mag-isa lang ako,

Sa apat na sulok ng kwartong to.

"Alam mo, ayoko kasi sa mga panget na babae"

Dapat, lumayo nalang ako.

Dapat, hindi ko nalang yun ipinagtapat sa kanya, at dapat..........hindi ko nalang siya nagustuhan.

Hinagis ko ang sulat na hawak-hawak ko. Bakit? bakit siya ganun? alam kong hindi ako kagandahan pero..........bakit pa niya kailangang ipamukha sakin yun? 

Nagulat ako nang biglang may tumulong luha galing sa mga mata ko, agad ko yung pinunasan pero................................

Pero hindi ko na mapigilan.................ang sakit pala

Ipinapangako ko, na ititigil ko na ang pag-aayos ng sarili ko.

Ipinapangako ko ring iiwas na ko sa mga tao, lalo na sa mga lalaki.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto dito sa madilm at walang taong classroom.

Sino siya? bakit siya nandito? nagtago ang sa likod ng upuan sa isang sulok ng classroom, para hindi niya ako makita. 

"Sigh"

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ng isang lalaki, kasabay na nun ang paghagis niya ng kung ano.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!! Bakit? bakit niya nagawa to sakin?"

Napatakip ako ng tenga dahil sa isang malakas niyang sigaw. Tumalikod ako at sumandal sa likod ng upuan. Nung naramdaman kong umalis na siya,lumakad ako papunta sa direksyon kung saan niya tinapon yung kung ano man yun, at nagulat ako sa nakita ko-

Isang bulaklak

Pinulot ko yun at pinagmasdan ko yung mga rosas at yung iba't ibang dahon na nakapaligid dun. May isa pa kong napansin, at yun ay isang sulat, na nakasuksok sa gilid ng bouquet.

Mahal kita

-Kyohei

A-ang swerte, ang swerte ng babaeng yun. Pero bakit naman ito tinapon nung lalaki, este si Kyohei daw. 

"Sayang"

Sayang ang mga bulaklak

"Mabuti pa at iuwi ko nalang to, at ididisplay ko to sa bahay"

Kinuha ko yung mga bulaklak at lumabas na ko ng classroom.

Ngayon ko lang rin napansing uwian na, kaya lumabas ako ng school ng nakayuko, at umuwi na ko.

Kyohei's POV

"Noi, flowers for you, sana gawin na natin yung official"

Kinuha niya yung mga bulaklak at syempre tuwang tuwa ako. Siya si Noi kasahara, ka- MU ko siya but unfortunately, hindi pa kami, hindi pa official. 

"Kyohei, t-thank you. Thank you para sa lahat, pero........ sa tingin ko, kailangan muna natin yung pagisipan"

Dahil sa sinabi niya, nawala ang mga matamis kong ngiti.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim, at biglang may tumulong luha galing sa mga mata niya, at ganun na rin ang nangyari sakin.

"I'm sorry kyohei"

Then she dropped the flowers, at tumakbo na siya palayo.

Hindi to pwede.....................

Hindi ko kaya 

Ganto pala ang pakiramdam ng ma-reject, ang sakit pala.

Lagi kong nirereject ang mga babae, pero..........

Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang ginagawa ko sa kanila, na ngayo'y nangyayari sa akin.

Naglakad ako palayo sa mga tao. Nakita ko ang isang tahimik at walang taong kwarto-ang classroom. Pumasok ako dun at nag buntong hininga ako.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!! Bakit? bakit niya nagawa to sakin?"

Hinagis ko yung bulaklak na dapat para sa kanya...........na dapat tinanggap niya.

Umalis na ko pagkatapos nun, at umuwi.

''''''''''''''''''''''''''"""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""

That's all for chapter one!

-NagiKudoNakahara3

Her name is sunako(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon