Chapter 11

40 0 0
                                    



Yuki's POV

      

         "GOODMORNIIINNG!!" masayang MASAYANG bati ko sa mga guard sa school. Matagal-tagal na kong di nakakapasok dahil may konting emergency sa pamilya ko haha! Pero sa totoo lang ang saya ko kasi nag ka-excuse akong di pumasok!

       So ......... ano nga ba? uhm.... AYUN NGA! bumalik ako ngayon para mag-aral MALAMANG pero sa totoo lang magiistay pa sana ako ng isang araw kila mommy sa Japan pero nagsumbong sakin si Ranmaru na may "LQ" daw sina Takenaga at Kyohei kaya.......AYUN MALAMANG KAILANGAN KONG BUMALIK! Pero pagkapunta ko sa share house na pagmamay-ari ng auntie ko kung saan apat kaming nakatira at dun din kami unang nagkakilala (take note:nagbabayad rin naman sila Kyohei para sa mga gastusin)..........aba'y wala man lang kumamusta sakin! wala silang lahat! alam kong nasa school sila pero grabe naman! si Kyohei ok lang umabsent basta may manlilibre sa kanya ng pagkain, si Takenaga ok lang umabsent sa isang subject basta sa isang lugar na may maraming libro mo siya dadalhin, at si Ranmaru ok lang umabsent basta may kadate siya pero........ DI MAN LANG SILA UMABSENT PARA SAKIN?


        1~


        2~


        3~


        Ay oo nga pala, di nila alam na ngayon ang dating ko haha! *batok sa ulo*. Lumakad na ko papunta sa next subject ko pero biglang nahagip ng kanang mata ko si Kyohei na may kayakap na babae..... teka, si ano yun ah si....

.

.

.

.

.

..

. Aba'y malay ko ba! Kaya pinicturan ko nalang sila para may remembrance (este pang-asar). Nung kumalas na sila sa isa't -isa ginrab ko na yung chance para manggulo sa kanila haha!

          "KYOHEI!" sigaw este tawag ko.

          Napatingin siya sakin at nagulat ako nung pinunasan niya yung mga mata niya. Umiyak ba 'to? Kumaway kaway ako at dali-dali pumunta sa kanila.

          "Ah, Y-Yuki andito k-ka na pala" sabi niya habang kapansin-pansin yung pagcacrack sa boses niya. Ah...... umiyak nga siya!

          "Ha! Ako pa!" sabi ko. Nakuha yung atensyon ko nung babaeng kayakapan kanina ni Kyohei. Nakatalikod siya. Tinuro ko yung babae at tila tinanong ko si kyohei ng pabulong: "Sino 'to?". Nag silent laugh lang siya (nakakatawa ba yun?). Unti-unting humarap sakin yung babae at.........

          "Ahhh!! SA-DA-KO!" sigaw ko. Sino ba namang hindi matatakot kung yung babaeng kaharap mo ay may pagkahaba-habang buhok at may mahabang bangs na nakatakip sa mukha niya. Pero nagulat ako nung........ BINATUKAN NIYA LANG NAMAN AKO!

          "Sunako" natatawang sabi ni Kyohei, habng ako hinihimas-himas parin yung batok ko. May lahing amazona ba 'tong babaeng to at sobrang lakas kung mambatok?! Pero teka........ ano daw? si Sunako 'tong kaharap ko?

           "S-Sunako..? ikaw ba yan?"  nagtatakang tanong ko. Pero nagulat ako nung binatukan niya ulit ako! Si Sunako nga 'to! este.. si Ms. Mambabatok pala 'to haha!

            "Grabe, ikaw na pala yan? Di ko alam na impersonator ka na pala ni Sadako ngayon! Grabe antagal nating di nagkita, di ko alam na nandito ka pala!" sabi ko. 

Her name is sunako(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon