Chapter 2: The Wall Flower

101 6 2
                                    

MY POV

Pagkauwi ko, inilapag ko ang bag ko sa sala, at pumunta ako sa attic.

May nakita ako- isang frame, na saktong-sakto sa bulaklak nung lalaki.

"Tama, ang ganda"

Ito ang frame na iniregalo sakin ni Mama bago siya namatay. Hindi ko nga alam kung bakit isang picture frame ang iniregalo sa akin ni Mama.

Kinuha ko yung picture frame at may nakita akong isang pirasong papel na naka-ipit dun. 

"Bakit?bakit ngayon ko lang to napansin?"

Kinuha ko yung kapirasong papel na naka-ipit dun, at syempre binasa ko yun

Anak, alam kong nagtataka ka kung bakit ito ang iniregalo ko sayo. Pero sa totoo lang, alam kong balang araw magagamit mo rin to, pwedeng picture mo at ng magiging asawa mo, o kaya isang picture o keepsake na mahalaga sayo. Ikaw ang bahala, ngayon alam mo na kung bakit. Anak, mahal na mahal na mahal kita.

-Mama

Biglang nag tubig yung mga mata ko, pero pinunasan ko rin yun. Tama si Mama, magagamit ko nga to. 

"Mama, thank you"

Bumaba na ko nga attic at nilinis ko yung frame, pagka linis ko nun, saka ko nilagay ang mga bulaklak at inilagay ko sa likod nito ang pink na tumatakip sa mga bulaklak-kaya ito naging bouquet.

"Ang ganda"

Hi-nang ko yun sa pader gamit yung pako.

"Ang ganda talaga,tatawagin ko tong Wall Flower" 

Kyohei's POV

"O, Kyohei! kamusta?" pagkasabi nun ni yuki, bigla niya kong inakbayan, pero agad ko ring tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.

"Highblood ka ata ah" dagdag niya.

"Ano bang nangyari? ah teka, kamusta nga pala kayo ni Noi? pumayag ba siya?" sabi ni Ranmaru

Bigla ako napa walk-out dahil sa sinabi niya. Pero napatigil ako nung naramdaman kong may isang kamay na pumatong sa balikat ko, agad ko yung tinanggal at humarap ako sa kanila.

"Kyohei, ano bang problema mo?" tanong ni Ranmaru

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni yuki

Ayokong maglihim, pero ayoko lang talagang pag-usapan, kaya iniba ko nalang yung topic.

"Asan si Takenaga?" 

"Sandali lang, iniiba mo na yung usapan eh" sabi ni Ranmaru na may kahalong inis

"Asan si Takenaga?" sabi ko

"Sagutin mo muna yung tanong namin" dagdag ni Yuki

"Sabing asan nga si Takenaga eh!"

Biglang tumunog yung doorbell at bumukas yung pinto........

..........si Takenaga pala

"Takenaga, si Kyohei highblood na naman!" sabi ni Yuki na parang bata

"Hanap ka ng isa diyansabay tingin sakin ni Ranmaru

"O, Kyohei! miss mo na agad ako?" sabi ni Takenaga na may halong pang-aasar

Ewan ko pero parang may nararamdaman akong iba, parang si Takenaga ang dahilan ng pag-bubusted sakin ni Noi eh, alam kong masamang mangbintang pero......................................................Simula't sapul close na sila sa isa't isa eh, baka nga, hindi! hindi yun pwede. Tumalikod nalang ako at nag lakad papunta sa kwarto ko.

Umiyak ako.........................

...................para ilabas lahat ng sama ng loob ko

Takenaga's POV

"O, Kyohei! miss mo na agad ako?" pagkasabi ko nun, bigla siyang tumalikod at nag lakad papunta sa kwarto niya.

"Anong nangyari dun?" tanong ko

"Ay ewan! nag memenopause ata" sabi ni ranmaru

"Daig pa niya lola ko eh!" sabi ni yuki

Pagkasabi niya nun bigla kaming nagtawanan, pero bakit kaya? di kaya dahil kay noi? alam kong siya palang ang babaeng sineryoso niya dahil mas sineseryoso niya ang pagkain, tama ang pagkain! hahahaha! 

"But seriously, di kaya dahil kay noi?" biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni ranmaru, at dahil dun, nag lakad ako papunta sa kwarto ko, ewan ko kung bakit basta sumunod nalang ako sa mga paa ko.

"Tignan mo to? siya rin pala mag wwalk-out!" narinig kong sabi ni yuki.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong isinirado yung pinto at sumandal ako rito, napaupo ako habang nakasandal sa pintuan, at bigla akong napaisip. Ano kaya ang dahilan ng pagkagalit ni kyohei? hindi kaya....................................

No! hindi pwede!

Her name is sunako(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon