Chapter 7: Tears

42 6 2
                                    


Sunako's POV

"k-kay Sunako"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, naramdaman kong nabaling ang attention nilang lahat sakin, gusto kong i-angat ang ulo ko pero hindi ko magawa, bakit ako? Ibig bang sabihin nun ay concerned si kyohei sa isang panget na katulad ko? Pero impossible yun, baka accidente lang na nabigkas niya ang pangalan ko, tama, accidente lang yun dahil baka umasa na naman ako sa wala.

"So, ang inaanak ko pala ay concerned kay Ms. Sunako Nakahara?" ramdam ko ang mga tingin nila sakin, lahat ay nay halo ng patataka. Yumuko pa ko ng husto.

"Girls, palalampasin ko muna ang mga ginawa niyo kanina, pero tatandaan niyo na kapag nakita ko pa kayong nagsasabunutan, ipapasuspend ko kayo UNDERSTOOD?!"

"Y-yes Ma'am" sabay-sabay naming sinabi. Nagbigay naman samin ng hand sign si Ma'am DC na nagsasabing pwede na kaming umalis. Hindi ako makapaniwala, ngayon lang ata nagpalipas si Ma'am DC ng mga studyanteng nahuli niya.

Dahan dahan akong lumakad palabas pero bago pa ko makatapak sa labas ng pinto agad akong tinawag ni Ma'am DC ganun narin si Noi. Napatingin ako kay Ma'am at naghand sign siya na nadsasabing umupo kami ni Noi.

Tinignan kami ni Ma'am tsaka siya nagsalita.

"Kyohei, pwede mo bang sabihin sakin kung anong nangyari?" inangat ko ng konti ang ulo ko para makita si Noi at Kyohei, katabi ko si Noi pero may mahigit sa isang metro ang pagitan namin, habang si Kyohei naman ay nakaupo sa sofa na nasa harap namin.

" N-nangyari? Saan?" sabi ni Kyohei. Gulong-gulo na ko, bakit ba kasi kami pinag-stay dito ni Ma'am?

" Kung anong nangyari sa inyo ni Noi" napuno ng katahimikan ang office, napatingin ako kay Noi na nakayuko din. Naguguluhan na ko, ano ba talagang nangyayari dito?

Noi's POV

"Kung anong nangyari sa inyo ni Noi" yumuko ako ng husto, nag-iinit ang mga mata ko, naiiyak ako. Kinuha ko ang panyo ko at palihim na pinunasan ang luhang tumulo galing sa mga mata ko. Nabalot ng katahimikan ang buong discipline office, kung ano man ang isasagot niya, ayoko nang marinig.

" Meron bang kami?" nagulat ako sa sinabi ni Kyohei. Tama siya, wala namang kami, at dahil sakin yun, dahil mahal ko parin si Takenaga. Nasaktan ako nang husto, nasasaktan ako di dahil sa gusto ko siya, nasasaktan ako dahil hinayaan kong umasa siya na sasagutin ko siya, nasasaktan ako dahil sa ginawa ko sa kanya, nasasaktan ako dahil sa walang kwentang puso ko! Nagagalit ako sa sarili ko, nagagalit ako dahil sa ginawa ko.

" Hijo?" sabi ng tita niya, tila nagtataka sa sinagot niya. Tinignan ko si "Sunako", nagtataka parin ako kung anong koneksyon nila ni Kyohei, kung bakit concerned sa kanya si Kyohei.

"T-tita, walang kami, h-hindi naging kami dahil........ dahil pinaasa niya ko sa bagay na hindi ko naman pwedeng makuha" nabaling ang tingin ko kay Kyohei, nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko. Tumingin siya sa taas,siguro para pigilan ang luha niya. Napayuko ako at sa nga oras na ito, hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko.

"Hijo"

Wala na kong makita sa sobrang daming luhang pumapatak galing sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganto ang puso ko, hindi ko alam.

Kyohei's POV

Tinignan ko si Noi na ngayon ay umiiyak na. Ayokong nakikita siyang ganto pero............. siguro kapalit lang to dahil sinaktan niya ang puso ko. Hindi ko na mapigilang umiyak.

"Hijo"

Tinignan ko si Sunako, sa di malamang dahilan parang gusto ko siyang makausap, parang gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari.

Tumayo ako at pumunta sa harap ni Sunako, hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya palabas............ palabas kasama ko. Narinig kong sinigaw ni tita ang pangalan ko pero umalis parin ako.

Ramdam ko ang pagpupumigil ni Sunako, alam kong gusto na niyang alisin ko ang pagkakahawak ko sa kanya, pero hindi ko yun ginawa. Tumakbo ako hawak ang kamay niya papunta sa eskinita ng school, kung saan walang tao. Binitawan ko ang kamay niya pagdating namin dun. Napa-suntok ako sa pader tsaka na ko tuluyang umiyak.

Nasa sulok lang siya at nakayuko, habang ako ay umiiyak ng husto.

Nabalot ng katahimikan ang buong lugar hanggang sa.....

"Masakit" matipid niyang sabi habang nakayuko parin, hinarap ko siya, gusto kong makita ang mukha niya.

"Masakit magmahal diba?" sabi niya habang pilit na ibinababa ang boses, parang naiiyak siya, bakit parang nararamdaman niya kung anong nararamdaman ko?

"Para saan pa kaya ang pagmamahal kung dahil dun maraming nasasaktan.... konti lang ata ang nagiging masaya dun" sabi niya. Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha galing sa mga mata niya. Hinaharangan ng bangs niya ang mata niya kaya nakita ko lang ang luha niya nung nasa bandang bibig na niya iyon.

"Ang daling ma-inlove 'no'? Pero ang hirap mag move-on" sabi niya, ramdam ko ang sakit na kasama ng mga binitawan niyang mga salita. Bakit parang naaawa ako sa kanya, bakit parang gusto ko siyang yakapin at ipadama sa kanya na di siya nag-iisa?

"Kung ano man yung nangyari sa inyo ni Noi, alam kong masakit yun. Kahit nung isang araw ko lang nalaman ang pangalan mo, ramdam ko ang sakit na dinadanas mo. ...... kasi parehas tayo" lahat ng sinabi niya, lahat yun tumatak sa isip ko.

"Minahal ko ang isang tao pero.......sinaktan niya lang ako. Ang panget ko kasi eh, kaya siguro dapat wala nang makakita ng buong mukha ko, dahil alam kong mas lalayuan pa nila ako"

Tumagos sa puso ko ang mga salitang binitawan niya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.Kailan ko lang siya nakilala pero sa tingin ko, matagal ko na siyang kilala. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong makita ang mga mata niya. Hindi ko na mapigilang yakapin siya kaya kinulong ko na siya sa mga bisig ko. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Alam kong may dahilan kung bakit lagi siyang nakayuko, at kung bakit hinahayaan niyang takpan ng bangs . Hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya pero ngayon palang alam ko na.........

...alam ko nang maganda siya

Her name is sunako(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon