3rd Persons POV
"Uy, alam niyo ba, may bagong new studentyante daw na lilipat dito. Balita ko, galing daw siya sa pinaka sikat na school dito sa Pilipinas"
"Talaga? bakit kaya siya lumipat? maganda naman yung school niya"
"Oo nga, bakit kaya noh?
"Hmm, sounds interesting"
Limang minuto palang ang nakalilipas simula nung kumalat ang chismis tungkol sa isang new student. Apat na babae ang nagsimula nito, dahil narinig nila na nag-uusap ang magulang ng bagong studyante at ng principal ng kanilang paaralan. Para sa kanila, wala nang bago sa mga gantong sitwasyon, kaso ang mga new student na lumilipat sa paaralan nila sa mga nakalipas na taon, ay tila hindi napamanahan ng kagandahan ni Eba at ng kagwapuhan ni Adan ang mga iyon.
Sa kabilang banda.....
"Hoy Ranmaruuuuuuuuuuuu!!!" sigaw ng isang lalaki
"Anong karapatan mong agawin ang gf ko?!" muli niyang sinigaw. Napatingin si Ranmaru sa babaeng kanina pa buntot ng buntot sa kanya, sabay tingin sa lalaking kanina pa siya sinisigawan
"Eto ba?" sabay turo niya sa babae
"Ah, hindi ko siya inaagaw sayo, ewan ko nga kung anong trip ng gf mo kung bakit kanina pa pacute ng pacute sakin kahit di bagay, pasensya na ha?" natawa nalang siya. Kahit sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi siya magkakagusto sa mga babaeng buntot ng buntot sa kanya. Nilayasan niya ang magkasintahan at pinanuod sa malayo ang pag-aaway nila. Natural nalang sa kanya ang mga gantong eksena, ilang milyong beses na ring nangyari sa kanya yon. Napatawa siya ng mahina at napaiwas ng tingin sa dalawang magkasintahang nag-aaway.
"Nakakapagod na. Humanap na kaya ako ng girlfriend para tumigil na sila?" napapikit siya at bago pa siya dumilat, may nagflash na larawan ng isang babae na agad ding nawala pagdilat niya.
Blond hair
Tantalizing eyes
Soft Lips
Inisa-isa niya ang mga naaalala niya sa mukhang nakita niya. Kahit halos limang segundo lang niya nakita ang babaeng iyon sa isip niya. Bahagya siyang napangiti at napaisip......
"baka siya nga ang taong para sakin".
Sunako's POV
BINABASA MO ANG
Her name is sunako(On-going)
Hayran KurguWeird "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako ganun Panget "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako natigil sa pag-aayos My name is Sunako . . . Alam mo ba yun?
