Sunako's POV
*Student's Lounge
Blond? Di kaya si Kyohei yun? Isinukbt ko yung shoulder bag ko sa balikat ko at tumayo. Pumunta ako sa pwesto ng blond na lalaki.
2 inches
.
.
.
.
1 inch
.
.
.
eto na kakalabitin ko na siya
.
.
half inch
..
"Hoy! wag na wag mo na ulit siyang sasabihan ng ganon!" hinold back ko ang kamay ko at nagulat sa sigaw ng isang lalaki. Dahil sa pagkagulat ko, di ko na nakalabit ang lalaking may blond na buhok. Katabi lang ng canteen itong lounge na parang extension nito. Open lang ang lounge (no doors or windows), kaya rinig na rinig namin yung sigaw nung lalaki. Napatingin ako sa mga nagbubugbugan..... teka?ba't andun si Noi?
"Sunako?" bumalik ang tingin ko sa blond na lalaki... si Kyohei nga! Naramdaman ko ang unusual na pag-init ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Anong karapatan mong sabihin yan?! ha! totoo nga ang hinala ko!" halos mayanig ang eardrums ko sa lakas ng sigawan. Bakit ganun? wala man lang pumipigil sa kanila? Wala rin akong makitang teacher's, yung guardhouse naman medyo malayo-layo samin dahil nga sa laki ng school namin. Napatingin ako sa kanila. Suntok lang ng suntok yung isa habang iwas naman ng iwas yung kabila. Nanlaki yung mga mata ko nung namukhaan ko yung isang lalaki... siya yung nagpatahan kay Noi! Naramdaman ko ang pagtayo ni Kyohei.
"Sunako" mahinang sabi ni Kyohei. Napatingin ako sa kanya pero hindi parin nakaalis ang mga tingin niya sa mga nagbubugbugan.
"Dito ka lang" pagkasabi niya nun, bigla siyang napatakbo sa mga nagbubugbugan, siyempre sumunod ako. Nakita kong nagtama ang tingin nila ni Noi pero napaiwas ng tingin si Kyohei dahil nakita niya ako.
"Diba sabi ko dun ka lang?"
Napaiwas ako ng tingin. Asan na kaya yung Discipline Coordinator? Ni roam ko yung paningin ko pero I can't see her. Pumasok sa isip ko na sa labas kumain si ma'am or may inasikaso sa labas. Tumakbo ako papunta sa gate na medyo malayo sa lokasyon namin ngayon. Papalapit palang ako ay nakita ko nang papalakad na si Ma'am sa loob, malapit na siya sa gate kaya nagmadali akong pumunta sa mga nagsusuntukan para ipaalam sa kanila na paparating na si ma'am. Parami na ng parami yung mga tao dun kaya sinikap kong pumunta sa gitna nila (ng hindi nasusuntok) para masabi sa kanila.
Wala pa ko sa gitna nila ay sumigaw na ko pero anlakas ng hiyawan kaya nilaksan ko pa yung boses ko pero........WALA PARIN!! Sa sobrang asar ko tinulak ko na yung ibang studyante na nakaharang sa daan ko papunta sa gitna at nung nasa gitna na ko huminga ako ng malalim at........
BINABASA MO ANG
Her name is sunako(On-going)
Fiksi PenggemarWeird "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako ganun Panget "daw" ako Pero hindi nila alam kung bakit ako natigil sa pag-aayos My name is Sunako . . . Alam mo ba yun?
