Chapter 4: Siya pala si Sunako

83 6 0
                                        

The foodlover's POV

"Ranmaru!! akin ka nalang!"

"Kyohei!! pakasal na tayo!"

"Takenaga!! I love you!!"

"Yuki!! ang cute mo!!"

Nakakarindi!!!!!! kaya ayokong dumadaan dito eh!! masyadong papansin yung mga babae!! Pakasal? pakasalan niya mukha niya!! alam naman nila yung nangyari kahapon eh! Puro girls ang mga nakikita ko, at ayoko yun! si ranmaru lang naman yung nag-eenjoy eh! but one person caught my eye.................si Noi kasahara, at parang nadurog ang puso ko nung...........

...................nung nakita kong nakatingin siya kay Takenaga, straight to the eye

Tama kaya? tama kaya yung hinala ko? may gusto kaya siya kay Takenaga? hindi pwede, hindi!!

Tumakbo ako palayo sa maraming tao, gusto ko munang mapag-isa, ayoko muna siyang makita!!

"Dito, dito lang talaga" napatigil ako sa abandonadong classroom kung san ko iniwan or should I say hinagis yung bouquet, siguro naman andun parin yun.............siguro. Binuksan ko yung pintuan, tama, perfect nga tong lugar na to sa mga taong gustong mapag-isa, at ako yun. Tinignan ko kung andun parin yun pero wala na, may kumuha kaya? ang bigat nang pakiramdam ko, parang sobrang down ng feeling ko. I looked around pero imbis na yung bouquet, isang babae ang nakita ko, at nagtama ang mga mata namin, pinuntahan ko siya at nagtanong

"Miss, may nakita ka bang bouquet dito?"

My POV

Bakit? bakit ba kailangan ko pang pumasok? puro pangungutya lang naman ang natatanggap ko sa school eh.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa entrance/gate ng school. Isa to sa pinaka-ayaw ko, ang lumalakad sa hallway ng campus. Pero kailangan.

"Guys, sinong mas gusto niyong ligawan? yung pulubing babaeng maganda kanina, o yang weird na yan?"

"hahahahaha!!!! yung pulubi nalang" (weird= me)

Ginagawa ko naman lahat ng pwede kong gawin para hindi nila ako mapansin pero eto ako ngayon....

...........................tinitiis ang pagka-judgemental ng mga tao.

"Girls, hindi ba siya yung babaeng nireject ng prince natin"

"Uhhhh, kawawa naman siya, masyado kasing umaasa" "hahahahaha"

Bakit? bakit masyadong maintriga ang mga tao? Tumakbo ako papunta dun, sa abandonadong classroom kung san ako umiyak kahapon, kung san ko napulot yung bouquet ng flowers, na ngayo'y tinatawag kong The Wall Flower

Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nalulungkot ang mga taong mag-isa. Kasi, mas sumasaya ako pag nag-iisa lang ako. Itong abandonadong madilim na classroom , ang pinaka-paborito kong lugar dito sa school. Kasi dito, walang pwedeng manghusga sakin.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko, tinitigan ko ito, ito yung panyong tinahi ni Mama, nakasulat pa ang pangalan ko dito. Hinawakan ko yun ng mahigpit, feeling ko kasi na pag hawak ko to, parang hawak ko rin ang mga kamay ni mama, parang buhay pa siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala to.

Nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto, nagtago na naman ako sa upuan sa isang sulok ng classroom.

"Teka? siya na naman?" hindi ko nakita yung mukha nung lalaki kahapon, pero yung blond niyang buhok ang tanging naaninag ko. Feeling ko siya nga yun, feeling ko siya nga yung may ari nun.

Pero parang may hinahanap siya, hindi kaya..........hindi kaya yun yung bouquet ng flowers na hinagis niya? Tinitigan ko siyang mabuti at nagulat ako nung

............................nung nagtama ang aming mga mata


Umuko ako para hindi niya ko makita, ayokong pati dito sa nag-iisang paborito kong lugar, may manghuhusga pa sakin. Tumalikod at sumandal ako sa upuan.

Bakit? bakit parang kinakabahan ako?

"Miss, may nakita ka bang bouquet dito?" tanong niya.

Umiling ako at tumayo, naka uyo parin ako habang naglalakad. Pero nagulat ako nung .........

"Wala ba talaga?" kahit mahina yung pagkakasabi niya, rinig ko pa rin yun. Ayoko siyang tignan, pero ginawa ko nalang. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan, at umiiyak. Nakakaawa siya, nakakaawa si..................si kyohei. Siguro mahal na mahal talaga niya yung babae.

"Nakita ko yun" bulong ko sa kanya at dahil dun, agad siyang napatingin sakin, iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Asan na?" tanong niya, napalingon ako sa kanya at nagulat ako nung nakita kong nakatayo siya sa mismong harap ko, at biglang nagtama ang mga mata namin, pero agad naman naming iniwas yung tingin namin.

"Sorry, kinuha ko kasi yun kahapon, finrame ko yun at sinabit sa dingding. Ang akala ko kasi, hindi mo na kailangan..........kyohei" Nagulat siya nung binigkas ko yung pangalan niya, at ganun din ako. Hindi ko na kaya....................nakakahiya na. Tumalikod ako at lumakad palabas, pero natigil ako nung nagsalita siya.

"Miss, thank you ha. Ah, ano nga palang pangalan mo?" hindi ko alam kung sasagutin ko pa yun, hindi ko rin alam kung anong dahilan ng pag tha-thank you niya sakin, basta nag-walk out nalang ako.

The foodlover's POV

"Wala ba talaga?" tanong ko sakanya, sobrang down talaga ng feeling ko, dalawang araw na ang nakakalipas at pangatlo na ngayon pero

.........................ang hirap talagang mag move-on lalo na kung minahal mo talaga ng husto yung taong kailangan mong kalimutan.

Dahil sa sinabi ko, bigla siyang humarap at nagsalita........

"Nakita ko yun" bulong niya, at dahil dun agad akong napatingin sa kanya, tapos bigla niyang iniwas yung tingin niya.

"Asan na?" ewan ko kung nababaliw na ba ko kasi hinahanap ko pa yun, siguro dahil kahit na alam kong yun yung nagpapaalala sakin ng pagbusted niya after ng ilang years, gusto ko paring maalala ang maganda niyang mukha, at ang pagiging mabait niya. Napatayo ako dahil dun, at napalingon siya, nagulat ako nung nagtama ang mga mata namin, at sobrang close ng mga mukha namin, kaya iniwas nalang namin ang tingin.

"Sorry, kinuha ko kasi yun kahapon, finrame ko yun at sinabit sa dingding. Ang akala ko kasi, hindi mo na kailangan..........kyohei" kilala niya ko? binasa kaya niya yung card? ahhh!!! hayaan mo na kyohei!! pero atleast naging useful yun sa kanya. Nag thank you ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit basta bigla ko nalang nasabi, tinanong ko rin siya kung anong pangalan niya, pero sa halip ay tumalkod siya at naglakad palabas, may pagka bastos din pala siya no? but anyway, baka ayaw lang niyang ipaalam. Nung paalis na ko, nagulat ako nung may nakita akong isang panyo, sakanya kaya to? nakita kong may pangalan na naka embroider sa panyo, sakanya kaya to? pangalan kaya niya to? so siya pala si..............................

.............................si Sunako

Her name is sunako(On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon