Chapter Nine

1.1K 40 11
                                    

Alam mo 'yong feeling na ang sarap mag mura pero hindi mo magawa dahil magagalit si Mama Mary? Well, sa sitwasiyon ni Venera, hindi si Mama Mary ang magagalit kun'di ang pamilya niya once na marinig ang malulutong na mura niya. She might be a bitch, she might have the filthiest mouth but she was a good daughter. Alam niya kung paano ilugar ang sarili. So, with all the fucking patience she had in her, she kept her mouth shut. Tiim ang mga labi at naniningkit ang mga mata, tahimik niyang pinapakinggan si Ricardo na kasalukuyang kausap ang Daddy Rico niya sa cellphone habang pasimple silang naglalakad palabas ng Silvestre Mansion.

"Yes, I'm already here outside but my EA called. There's an urgent meeting with our investors abroad. I need to go back in the company. My apologies, Rico." His voice was empty. He apologized but there was no sincerity. He literally said the word but not mean it. Tila balewala rito na mag cancel last minute matapos itong handaan ng engrandeng dinner ng pamilya niya.

He said there was an urgent meeting but who was he kidding? It was a damn lie. A fucking show. For the first time, may lalaking nagpabilib kay Venera. Hindi niya kinakaya ang kagaguhan ng lalaking 'to. Imagine, nagawa nitong mag set ng formal dinner with her family just to have sex with her. Ghad, he was such a chauvinistic pig! He was so selfish, so annoying and she was so frustrated. Gustong-gusto niya itong sabunutan, ikalmot ang mahahaba niyang well-manicured na mga kuko sa perpektong mukha nito pero muli, nagtimpi siya. She angrily glanced at him and saw him nodded on the other line. Ilang saglit nitong tahimik na pinakinggan ang kung anong sinasabi ng Daddy niya sa kabilang linya.

"Yes. Let's set it up again next time. I will inform you once I'm available." Muli niya itong nakitang tumango. "Okay, Rico, later."

He turned off his phone and glanced at her sideways. Inabot nito ang kamay niya na agad niyang piniglas. His touch was electrifying but she would never tell it to him. Tumalim ang tingin nito sakaniya na sinuklian din niya ng gano'ng tingin. Then, he took a deep breath and shook his head. Tiningnan siya nito sa paraang tila siya munting paslit do'n na nakikipag matigasan kahit alam naman na wala siyang magagawa. Inis siyang humalukipkip at inis na ipinadyak sa lupa ang isang paa.

"Tell me, what's really your fucking plan?" Nagpipigil sa galit na saad niya.

Icy cold and penetrating eyes stared at her. Ilang segundo na gano'n lang ito. Nakatitig lang sakaniya. With a sigh, he moved away. Tahimik itong naglakad patungo sa sasakyan nito, binuksan ang passenger seat. Gamit ang ulo ay iminuwestra nito na pumasok siya. Again, she stomped her foot on the ground. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang bata ng mga oras na 'yon. She was freaking mad pero wala siyang magawa kun'di ang sundin ito. Hindi niya gustong magsisigaw ro'n at malabasan ng pamilya niya.

Pabagsak siyang umupo sa passenger seat. Muli niyang narinig ang buntong-hininga nito bago isara ang pinto. Umikot ito at tinungo ang driver seat.

"Now, speak!" Hindi na napigilang sigaw niya ng makalabas ang sasakyan nito sakanilang mansiyon.

"You didn't tell me you were a virgin. Why?" He asked softly, dangerously softly.

"Oh, fuck it! I told you it's not fucking important! Give it up!"

Bumaling sakaniya ang atensiyon nito. Walang ekspresyon ang mukha nito pero nakadagdag lang 'yon sa kaguwapuhan nito.

Ugh, Venera! Stop admiring him!

"Answer me, Venera. Everybody knows your fair share of men but still a virgin?" He tsked. "Fucking why?"

DAUNTLESS SERIES: IV (HOT AND DIRTY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon