Tahimik akong nagdidilig ng mga bulaklak dito gamit ang tabo at timba na nakuha ko sa mala basement ng kastilo, akalain mong my tabo tsaka timba sila dito.
Sabihan ko kaya si Vladimir na mag pagawa ng hardin?? Para hindi masayang ang mga halaman dito, Papayag kaya yun?
Sandaling nawala sa isip ko yung plano kong sabihin kay Vladimir na pagawan ng hardin, ng maalala ko yung nangyare kagabi na ikinatawa ko nanaman.
Ayaw pang umalis ni Damon kagabi at dahil my importante raw silang pupuntahan sabi ni Damian kaya kinaladkad nya si Damon palabas.
My balak atang ubusin yung mga pagkain sa hapag kainan."Konti nalang, maiisip ko ng nababaliw kana." Napaigtad ako ng my nagsalita, kaya naibuhos ko yung laman ng tabong hawak ko sa kung sino, narinig ko ang pag singhap nya, kaya napatingin ako sa gawi nya. "Fuck." Rinig ko pang sabi nya.
"Damon?!" Bumaling ako ng tingin sa damit nyang basang basa at hinubad nya na iyon, topless.
Piniga nya yung basang damit pagkatapos ay isinampay nya iyon sa balikat nya, Na meywang syang hinarap ako.
Napatingin ako sa katawan nya, My innocent eyes, Six pack ab— kaagad akong umiwas ng tingin, wow green grass.
Pumikit ako ng mariin at tinignan sya sa kanyang berdeng mga mata.
"S-sorry, A-ano ba kase ang g-ginagawa mo dyan?!" Kinalma ko ang aking sarili dahil sa pagkakautal, Siguro kapag katawan na ni Vladimir ang makita ko, baka Hindi na ako makapag salita ng maayos non.
Ngumiti sya "Galing ako sa labas, Nakakapagod umikot, Pumunta ako dito sa kaharian para sana mag pahinga at nakita kitang nagdidilig kaya pinuntahan kita dito." Napakunot noo ako sa kanyang sinabi.
"Umikot?" I asked, Kaagad nyang nakuha kung ano ang ibig kong sabihin.
"Oo, My hinahanap kase kaming importanteng bagay." Seryoso nyang sabi, Creepy but hot. Basta pinaglihi kay Adonis, kahit seryoso o galit, Ang gwapo parin, Pinag lihi nga lang rin sila sa kabute.
"Pwedeng malaman?" Tanong ko na ikinailing nya,
"Hindi pwede eh, Ganito nalang, Ayos lang naman saakin kung papaliguan mo ako pero hin—" Hindi natuloy ang sinasabi nya ng tumama ang timba sa kanyang mukha galing sa aking likod, napangiwi ako ng makita kong nag durugo ang kanyang matangos na ilong, nosebleed."Sinong my sabing pwede kang mag hubad dito sa kaharian ko?" Napatingin ako kay Vladimir na madilim ang mukha. Takbo.
Bumaling naman ako kay Damon na napapakamot sa ulo habang patuloy parin sa pag dugo ang ilong nya.
Tumingin sya saakin at ngumiti, aba nagagawa pang ngumiti, pagkatapos ay tumingin kay Vladimir, "Pasensya, Sobra ko kaseng hot kaya kailangan kong mag hubad." Loko.
Gamit ang damit nyang basa pa ay ipinangtakip nya doon sa ilong nya.
"Sige, maiwan ko na kayo, Dito sana ako mag papahinga ngayun kaso baka di na ako makalabas, Paalam prinsesa." Ngiti nyang sabi habang kumakaway na umalis.
Tumingin ako kay Vladimir na masamang naka tingin saakin, "I told you—" kaagad kong pinutol ang sasabihin nya, "Sya kaya yung lumapit, hindi ako."
He sighed, "Alright, and..." Taka ko syang tinignan. "Uhm, did you...look at his body?"
"Bakit?" I asked.
"uh, Nothing." Ani nito,
"Nga pala, saan ka galing? Paano ka napunta sa likod ko eh pader na yang nasa dulo?" Tumagos ba sya sa pader?
My itinuro sya sa taas kaya tumingin ako doon ng makita ko ang balkonahe sa silid nya at gulat na napabaling sakanya, "Tumalon ka dyan?!"Tumango naman sya, Ang taas non!! Pagkatapos ay nauna ng nag lakad pero bago sya tuluyang umalis ay nilingon nya muna ako.
"Don't pout, I might kiss you." Pagkatapos ay nawala na sya sa paningin ko.
"Huh???"
BINABASA MO ANG
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)
Humor"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accident was reincarnated into the woman who committed suicide after being informed that she would be sol...